Inuming nakakalasing
Ang inuming nakakalasing, inuming matapang o inuming may alkohol ay isang inumin na naglalaman ng etanol, isang uri ng alkohol at nagagawa sa pamamagitan ng pagbuburo ng mga butil, prutas, o iba pang pinagmumulan ng asukal,[1] tulad ng tuba na mula sa dagta ng mga punong palma kabilang ang puno ng niyog. Ang pagkonsumo ng mga inuming may alkohol, na madalas na tinutukoy bilang "pag-inom", ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa lipunan sa maraming kultura. Ang mga inuming may alkohol ay karaniwang nahahati sa tatlong klase—serbesa, alak, at likidong distilada—at karaniwang nasa pagitan ng 3% at 50% ang nilalamang alkohol ng mga ito.
May mga batas ang karamihan sa mga bansa na kumokontrol sa produksyon, pagbebenta, at pagkonsumo ng mga inuming nakakalasing,[2] at nagtataguyod ang kilusang pagtitimpi laban sa pagkonsumo ng mga inuming may alkohol.[3] Maaaring kailanganin ng mga regulasyon ang pagtatak ng porsyento ng nilalamang alkohol (bilang ABV o proof) at ang paggamit ng babalang tatak. Ipinagbabawal ng ilang bansa ang pagkonsumo ng mga inuming may alkohol, subalit legal ang mga ito sa karamihan ng bahagi ng mundo. Lumampas ang pandaigdigang industriya ng inuming may alkohol sa $1.5 trilyon noong 2017.[4] Isa ang alkohol sa pinakamalawak na ginagamit na gamot panlibang sa mundo, at humigit-kumulang 33% ng lahat ng tao ang kasalukuyang umiinom ng alak.[5] Noong 2015, sa mga Amerikano, 86% ng mga nasa hustong gulang ay nakainom ng alak sa isang punto, kung saan 70% ang umiinom nito noong nakaraang taon at 56% noong nakaraang buwan.[6] Ang ilang iba pang mga hayop ay apektado ng alkohol na katulad ng sa mga tao at, sa sandaling inumin nila ito, muli itong uubusin kung bibigyan ng pagkakataon, kahit na tanging mga tao ang uri ng hayop na kilalang gumagawa ng mga inuming may alkohol na sinasadya.[7]
Isang depresibo ang alkohol na nagdudulot ng euporya sa mababang dosis, binabawasan ang pagkabalisa, at pinatataas ang pakikisalamuha. Sa mas mataas na dosis, nagdudulot ito ng pagkalasing, pagkahilo, kawalan ng malay, o kamatayan. Ang pangmatagalang paggamit ay maaaring humantong sa pagkalulong sa alak o alkohol, mas mataas na panganib na magkaroon ng ilang uri ng kanser, kardiyobaskular na sakit, at pagdependeng pisikal. Ayon sa Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan, pinakamataas ang alkohol na panganib na pangkat na karsinoheno, at walang dami ng pagkonsumo nito ang maaaring ituring na ligtas.[8]
Mga inuming binuro
baguhinSerbesa
baguhinAng serbesa o beer ay isang binurong inuming minasang butil. Karaniwan itong ginawa mula sa sebada o isang timpla ng ilang butil at nilagyan ng lasa ng lupalo. Natural ang karamihan sa serbesa na karbonatado bilang bahagi ng proseso ng pagbuburo. Kung distilida ang binurong masa, ang inumin ay nagiging isang espiritu. Ang serbesa ay ang pinakakinukonsumong inuming nakalalasing sa mundo.[9]
Tapuy o alak mula sa bigas
baguhinAng alak mula sa bigas tulad ng tapuy ay isang inuming may alkohol na binuro at posibleng dinistila mula sa bigas, na kinukonsumo sa Silangang Asya, Timog-silangang Asya at Timog Asya. Ang sake, huangjiu, mijiu, at cheongju ay mga sikat na halimbawa ng alak gawa mula sa bigas na mula Silangang Asya.
Alak
baguhinAng alak ay isang inuming binuro na karaniwang ginagawa mula sa ubas. Mayroon ang alak ng mas mahabang proseso ng pagbuburo kaysa sa serbesa at kadalasan ay isang mahabang proseso ng pagtanda (buwan o taon), na nagreresulta sa isang nilalamang alkohol na 9%–16% ABV.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Cook, Christopher C. H. (4 Mayo 2006). Alcohol, Addiction and Christian Ethics (sa wikang English). Cambridge University Press. p. 95. ISBN 978-1-139-45497-1.
'Drunkenness', at least in popular usage, he considered to be equivalent to 'intoxication'. Intoxication in turn, again according to popular usage, was understood as referring to 'the aggravated symptoms of alcoholic poisoning'. While recognising that intemperance was, in fact, 'indicative of sensual indulgence in general', he stated that in 'popular usage' it had gradually become narrowed in meaning to 'indulgence of the appetite for Strong Drink' or 'indulgence in some alcoholic drink'.
- ↑ "Minimum Legal Age Limits". IARD.org (sa wikang English). International Alliance for Responsible Drinking. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-04. Nakuha noong 23 Hunyo 2016.
- ↑ Henry, Yeomans (18 Hunyo 2014). Alcohol and Moral Regulation: Public Attitudes, Spirited Measures and Victorian Hangovers (sa wikang English). Policy Press. p. 244. ISBN 978-1-4473-0994-9.
- ↑ Jernigan, D; Ross, CS (Marso 2020). "The Alcohol Marketing Landscape: Alcohol Industry Size, Structure, Strategies, and Public Health Responses". Journal of Studies on Alcohol and Drugs. Supplement (sa wikang English). Sup 19 (Suppl 19): 13–25. doi:10.15288/jsads.2020.s19.13. PMC 7064002. PMID 32079559.
- ↑ Griswold, Max G.; Fullman, Nancy; Hawley, Caitlin; Arian, Nicholas; Zimsen, Stephanie R M.; Tymeson, Hayley D.; Venkateswaran, Vidhya; Tapp, Austin Douglas; Forouzanfar, Mohammad H.; Salama, Joseph S.; Abate, Kalkidan Hassen (Agosto 2018). "Alcohol use and burden for 195 countries and territories, 1990–2016: a systematic analysis for the Global Burden of Disease Study 2016". The Lancet. 392 (10152): 1015–1035. doi:10.1016/S0140-6736(18)31310-2. PMC 6148333. PMID 30146330.
- ↑ "Alcohol Facts and Statistics". National Institute on Alcohol Abuse and Alcoholism (sa wikang English). National Institute of Health. Agosto 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-18. Nakuha noong 2018-10-08.
- ↑ Zielinski, Sarah (16 Setyembre 2011). "The Alcoholics of the Animal World". Smithsonian. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Agosto 2015. Nakuha noong 29 Hulyo 2015.
- ↑ "No level of alcohol consumption is safe for our health". www.who.int (sa wikang English). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Enero 2023. Nakuha noong 12 Enero 2023.
- ↑ Nelson, Max (2005). The Barbarian's Beverage: A History of Beer in Ancient Europe (sa wikang English). Abingdon, Oxon: Routledge. p. 1. ISBN 978-0-415-31121-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Enero 2023. Nakuha noong 21 Setyembre 2010.