Ang Tapuy, na binabaybay din bilang "tapuey" o "tapey", ay isang uri ng alak sa Pilipinas na binuo mula sa bigas. Tinatawag ito bilang baya o bayah sa ibang wikang Igorot.[2][3] Nagmumula ito sa mga lalawigan sa Rehiyong Cordillera at mga lalawigan sa kapatagan ng rehiyong Ilocos at Cagayan kung saan may nananahang mga mamamayang Igorot, kung saan ginagamit ito para sa mga mahahalagang okasyon tulad ng kasal, pag-aani ng palay, mga pista, at mga kultural na pagtatanghal. Ito ay nililikha mula sa purong malagkit na bigas o sa pinaghalong malagkit at hindi malagkit, sa ugat ng isang uri ng butonsilyo (na tinatawag na onuad ng mga Ifugao), katas ng luya, at isang uri ng lokal na pampaalsa o panlinang na tinatawag na bubod.[4]

Tapuy
Tapuy at biko
UriBigas alak
Bansang pinagmulanPilipinas
Rehiyong pinagmulanRehiyong Administratibo ng Cordillera
Antas ng alkohol14% - 19%[1]
KasangkapanBigas

Pinagmulan ng pangalan

baguhin

Ang salitang Tapuy ay nagmula sa wikang Proto-Malayo-Polynesyo na *tapay o "binurong pagkain", na mula naman sa Proto-Austronesyanong *tapaJ na gayon din ang kahulugan. Marami sa mga salitang kalauna'y nagmula rito ay yaong tumutukoy sa mga pinaalsang pagkain sa iba't ibang bahagi ng Austronesya, kasama na ang salitang "tinapay."[5][6]

 
Isang garapon at mangkok ng baya (tapuy) na ginamit ng isang mumbaking Ifugao sa isang ritwal kaugnay ng tag-ani

Maaari ring ang salitang Proto-Malayo-Polinesyo na *tapay-an ay tumutukoy sa mga garapong yari sa luwad na ginagamit sa proseso ng pagpapaalsa. Ilang mga salita sa wikang Austronesyano na kalauna'y nagmula rito ay ang tapayan (sa wikang Tagalog), tepayan (sa wikang Iban), at tempayan (sa wikang Habanes at Malayo).[7][8]

Paglalarawan

baguhin

Ang katangian ng tapuy, tulad ng iba pang mga uri ng bigas-alak, ay nakasalalay sa proseso at mga sangkap na ginamit ng bawat gumagawa. Subalit, sa pangkalahatan, ang tapuy ay isang malinaw at malasang alak na may malakas na lasang alkohol, may pagka-matamis, at lasang naiiwan sa dila. Ang antas ng alkohol ay 28 proof o 14%. Wala itong mga sulfite (yaong mga pang-usilba na nahahanap sa ibang alak) na maaaring magdulot ng hindi kanais-nais na epekto tulad ng pagkalango at alerhiya. Wala ring dinaragdag na tubig sa tapuy upang ito ay lumabnaw at wala ring asukal na inilalagay.[9]

Ang pangkalahatang proseso ng paggawa ng komersyal na tapuy ay nagsisimula sa pagtimbang at paghuhugas ng piling mga bigas.[10] Isang halimbawa ng malagkit na bigas na ginagamit sa paggawa ng tapuy ay ang balatinaw.[11] Pagkatapos, ang bigas ay iluluto, palalamigin at hahaluan ng natural na pampaalsa, na sa Ifugao ay tinatawag na bubod. Kasunod nito, sasailalim ang bigas sa likas na pag-aalsa (fermentation).[10] Kapag natapos na ang pag-aalsa, ang ang sariwang alak ay maaari nang anihin at isailaim sa pasteurisasyon. Matapos nito, papatandain, sasalain, at palilinawin ang alak bago ibote. Muling isasailalim sa pasteurisasyon ang bote bago busalan.[12]

Ayon sa isang pag-aaral, nagtataglay ang tapuy ng mga antioxidant, patunay na maaaring maganda sa kalusugan ang naturang alak.[13]

Mga tradisyon

baguhin

Napakahigpit ng kaugnayan ng tapuy sa kultura at tradisyon ng mga taga-Cordillera at sa mga lugar kung saan nakatira ang mga Igorot, sa partikular, bilang isa sa mga tampok na inumin sa isang kanyaw.[14] Kada taon, sa pistang Ipitik sa lungsod ng Baguio, nagtitipun-tipon ang mga tagagawa ng tapuy sa buong rehiyon upang patampukin ang kanilang pinakamahuhusay na produkto,[15] gayundin sa pistang Begnas ng Mountain Province.[16] Ang mga pistang tulad nito ay puno ng mga patimpalak sa paglililok, pagpapakita ng mga gawang sining, at mga malakihang salu-salo para sa daan-daang tao. Mayroon ding mga tumutugtog ng gong at pagsasayaw.[17]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Tamang, Jyoti Prakash (2012). "Plant-Based Fermented Foods and Beverages of Asia". Sa Hui, Y. H. (pat.). Handbook of Fermented Food and Beverage Technology Two Volume Set. CRC Press. p. 77. ISBN 9781482260700.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Polistico, Edgie (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary. Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9786214200870.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. "Kinnud: A nectar of love". SUNSTAR (sa wikang Ingles). 2013-01-16. Nakuha noong 2023-08-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Tapuy Cookbook & Cocktails, Philippine Rice Research Institute (2011)
  5. Blust, Robert; Trussel, Stephen. "Austronesian Comparative Dictionary: *t". Austronesian Comparative Dictionary. Nakuha noong Hunyo 21, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Fitrisia, Dohra; Widayati, Dwi (2018). "Changes in basic meanings from Proto-Austronesian to Acehnese". Studies in English Language and Education. 5 (1): 114–125. doi:10.24815/siele.v5i1.9431.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Blust, Robert; Trussel, Stephen. "Austronesian Comparative Dictionary: *t". Austronesian Comparative Dictionary. Nakuha noong Hunyo 21, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Fitrisia, Dohra; Widayati, Dwi (2018). "Changes in basic meanings from Proto-Austronesian to Acehnese". Studies in English Language and Education. 5 (1): 114–125. doi:10.24815/siele.v5i1.9431.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Rice Wine Technology Bulletin, Philippine Rice Research Institute (2000)
  10. 10.0 10.1 Media-Based Cultural Documentation: Tapey Wine (Cordillera), nakuha noong 2023-08-18{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Dela Rosa, Jared Gabriel Lopez; Medina, Paul Mark Baco (2021-02-03). "Philippine rice wine (Tapuy) made from Ballatinao black rice and traditional starter culture (Bubod) showed high alcohol content, total phenolic content, and antioxidant activity". Food Science and Technology (sa wikang Ingles). 42: e45120. doi:10.1590/fst.45120. ISSN 0101-2061.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Rice Wine Technology Bulletin, Philippine Rice Research Institute (2000)
  13. www.semanticscholar.org https://www.semanticscholar.org/paper/Antioxidant-potentials-of-indigenously-produced-(-)/5b477ffd8e1208a564dc22b5fd782ba086f6bd91. Nakuha noong 2023-08-18. {{cite web}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Bolinto, Rubylena (2023-08-18). "ICBE". ICBE (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  15. Release, Press (2020-03-04). "Ipitik Festival to officially open on March 28". HERALD EXPRESS | News in Cordillera and Northern Luzon (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Fiar-od, Pamela B. (2023-08-18). "ICBE". ICBE (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  17. Rice Wine Technology Bulletin, Philippine Rice Research Institute (2000)