Amado V. Hernandez
Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwkas.
Amado V. Hernandez | |
---|---|
Kapanganakan | Amado Vera Hernandez 13 Setyembre 1903 |
Kamatayan | 24 Marso 1970 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Larangan | Panitikan |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Panitikan 1973 |
Sariling buhay
baguhinIpinanganak siya sa Sagrada Familia sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Siya ay batang ama at nag ka anak sa maagang idad. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng Sining si Hernandez para sa Panitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.
Bilang manunulat
baguhinNoong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si Hernandez ng samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.
Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula.
Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik.
Mga gantimpala at parangal
baguhinNoong 1973, limang taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si “Ka Amado” ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Bagama’t matagal-tagal na rin mula nang pumanaw ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mga rali sa lansangan ang kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo na ang mga salita ng tulang "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan."
Pamana at paggunita
baguhinBawat taon ay ginugunita at ipinagkakaloob ang Gawad Ka Amado sa mga makata, manunulat, mandudula, mang-aawit at mga may-akda ng mga likhang-biswal na gumagawa ng mga sulating tumatalakay sa mga karanasan ng liping manggagawa.[1]
Mga gawa
baguhinMga nobela
baguhinAng mga nobelang pangsosyopolitika ni Hernandez ay ayon sa kaniyang mga karanasan bilang isang gerilya, obrero ng manggagawa at prisonerong pampolitika.
- Mga Ibong Mandaragit ,1969
- Luha Ng Buwaya, 1972
Mga tula
baguhin- Isang Dipang Langit
- Panata sa Kalayaan
- Ang Mga Kayamanan ng Tao
- Ang Dalaw
- Bartolina
- Kung Tuyo Na ang Luha Mo Aking Bayan
- Bayang Pilipinas
- Ang Taong kapos
- Bayani
- Sa Batang Walang Bagong Damit
- Isang Sining ng Pagbigkas
- Ang Panday
- Inang Wika
- Ang Tao
- Pamana
- Ang Aklasan
- Mahatma Gandhi
- Ang Uod
- Ang Buhay
Mga maikling kuwento
baguhin- Wala nang gamot si Nene
- Kulang sa Dilig
- Langaw sa Isang basong Gatas
- Dalawang kiloMetro sa Lupang Di-Malipad ng uwak
- Ipinanganak ang Isang daliri sa Sosyaledad
- Limang Alas, Tatlong Santo
- Isang Aral para kay Armando
Mga dula
baguhinKaramihan sa kaniyang mga dula ay batay sa kaniyang karanasan habang nasa bilangguan:
- Munting lupa , 1957
- Hagdan sa Bahaghari, 1958
- Ang Mga Kagalang-galang, 1959
- Magkabilang Mukha ng Isang Bagon, 1960
Mga sanaysay
baguhin- Si Atang at ang Dulaan
- Si Jose Corazon de Jesus at ang Ating Panulaan
- Pilipinismo: Susi sa Bayang Tagumpay
Mga talabanggitan
baguhinMga talababa
baguhin- ↑ "Remollino, Alexander Martin. Kaaway ng mga Ibong Mandaragit, Tinig.com, 2003". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-05. Nakuha noong 2008-03-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga sanggunian
baguhin- National Historical Institute, Filipinos in History 5 vols. (Manila: National Historical Institute, 1995)
- Amado V. Hernandez mula sa panitikan.com Naka-arkibo 2008-01-27 sa Wayback Machine.