Ang Lumang Simbahan

Ang Ang Lumang Simbahan ay isang pelikula sa Pilipinas noong mga 1949. Binigyang buhay nina Leopoldo Salcedo at Leila Morena ang isang kuwento tungkol sa dalaw pusong nag-iibigan at nagsumpaan sa harap ng dambanang nasa ng isang lumang simbahan. May mga tagpong aksiyon ito at makapigil-hiningang pakikipagsapalaran dahil sa nalamang mayroong nakabaong kayamanan sa loob ng simbahan. Kasama ring nagsiganap sa pelikula, bilang kontrabida si Rosa Rosal na hindi pa noon nakakontrata sa LVN Pictures, at maging si Pilar Padilla. Kasama rin sina Alma Bella, bilang isang ina, at ang baguha noong si Eduardo del Mar (isang artistang napunta sa Sampaguita Pictures).

Batay ang pelikula sa isang tradisyunal na tulang likha ni Florentino Collantes.

Ginawa ito ng Nolasco Brothers Production at ipinalabas sa mga sinehan noong 2 Marso 1949


Pelikula-Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.