Anime at manga na kodomo

pambatang anime at manga

Ang manga na kodomo (子供向け漫画, Kodomo-muke manga) at anime na kodomo (子供向けアニメ, Kodomo-muke anime) ay tumutukoy sa manga at anime na tinatarget ang mga bata sampung gulang pababa.[1] Moralistiko kadalasan ang mga seryeng ito, at kadalasang tinuturuan ang mga bata na manatili sa tamang landas ng buhay. Ilan sa mga kilalang halimbawa ang Doraemon, Pokémon at Hello Kitty.

Kasaysayan

baguhin

Nagsimula ang manga na kodomo noong huling bahagi ng ika-19 na siglo kasama ang produksyon ng maikling manga, tinatayang 15 pahina ang haba, na nakaimprenta sa mga magasin. Nailikha ang mga maikling manga na ito bilang bahagi ng pagsubok noong panahon ng Meiji na himukin ang literasiya sa mga kabataang Hapon. Isang mahalagang kaganapan sa kasikatan ng anime ay ang paglikha ng Astro Boy, ni Osamu Tezuka, na tinuturing na ama ng anime. [2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Kodomo" (sa wikang Ingles). Anime News Network. Nakuha noong Setyembre 2, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Zagzoug, Marwah. "The History of Anime & Manga". nova online (sa wikang Ingles). C.T. Evans. Nakuha noong Marso 2, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)