Antiintelektuwalismo

Ang Antiintelektuwalismo ay ang pagkontra at kawalan ng tiwala sa katalinuhan, mga intelktuwal at sa mga mga hangaring pangintelektuwal, na karaniwang ipinapakita sa pagkutya sa edukasyon, pilosopiya, at agham bilang impraktikal at nakakasama. Maaari ring tawaging antiintelektuwal ang mga taong itinatawag ang mga sarili bilang isang intelektuwal na dinadahilang hindi nakapasa sa matinding panuntunan ng pagiging iskolar ngunit ang terminong "intelektuwalismong palsipikado" ay mas karaniwan at maaring mas payak na paglalarawan sa naturing penomeno.

Ang intelektuwal at ang antiintelektuwal: Isang Inilalarawan ni Thomas Nast, isang taggaguhit ng pampulitika kartun, ang kaibahan ng isang matangkad at payat na iskolar sa isang malaking boksingero, isinasalarawan ang paniniwalang populista na ang pagbabasa at pagaaral ay kabaligtaran ng palakasan at atletismo. Pagmasdan ang hindi pagkatimbang ng mga ulo at katawan ng dalawa, na ang laki ng ulo ay kumakatawan sa "mental" na abilidad ng kaisipan, at ang laki ng katawan ay kumakatawan sa talentong pangkatawan at ang "pisikal" na abilidad.

Sa usapang pampubliko, ang mga antiintelektuwal ay tinitingnan ang kanilang mga sarili at ipinapakita sa publiko na sila ay mga kampeon ng masa—mga makamasa laban sa elitismong politikal at akademikong elitismo at ipinapahiwatig na ang mga Ilustrado ay iminumungkahi na ang mga intelektwal ay isang klase ng lipunan na hindi nakakaugnay sa mga pangaraw-araw na mga suliranin ng madla, at sila ay nangunguna sa usaping politikal at sa lalong mataas na edukasyon.

Dahil ang taguriang "antiintelektuwal" ay nakakasira, ang pagtukoy sa ilang kaso ng antiintelektuwalismo ay nakababahala; maaring batikusin ang isa ang ilang bahagi ng intelektuwalismo o ang paggamit nito na hindi itinatanggihan ay mga hangaring pangintelektuwal sa pangkalahatan. Ang mga pagakusaha ng pagiging isang antiintelektuwal ay maari ring maituring panawagan sa awtoridad o panawagang pangkutya na may layon na siraain ang dangal ng isang kalaban kaysa sa pagusapan ang mga bagay na hindi kinasasangayunan sa mga argumento ng kalaban.[1]

Ang antiintelektuwalismo ay isang pangkaraniwang bahagi ng mga diktadurang totalitaryo upang pigilan ang politika na pagtutol.[kailangan ng sanggunian] Maari ang pinakamalabis na anyo nito ay tuwing dekada 1970 sa Cambodia sa ilalim ng pamamahala ni Pol Pot ng Khmer Rouge, kung saan pinagpapatay ang mga tao sa pagiging akademiko at kahit sa kadahilanang nakasuot sila ng mga salamin (dahil ito ay nagpapahiwatig ng pagiging marunong sa pagbabasa) sa Killing Fields.[2]

Noong Digmaang Sibil ng Espanya at ang sumunod na diktadura, ang paglupig ni Heneral Francisco Franco sa mga sibilyan sa kampanyang Puting Sindak, ay nagdulot ng kamatayan ng higit kumulang mga 200,000 na sibilyan at karamihan sa mga pinagpapatay ay mga manunulat, taglikha ng sining, guro at propesyunal.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "It is all too easy for people with more formal schooling to believe they know better than those directly involved [in a particular problem]," ("Napakadali para sa mga taong may mas matagal na nagaral sa pormal na institusyon na mas may alam sila sa mga mas sangkot [sa isang partikular na suliranin]) Sowell, 2001.
  2. "Trial of the Khmer Rogue". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-22. Nakuha noong 2015-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)