Antojito

pagkaing kalye ng mga Mehikano

Ang pagkaing kalye ng Mehiko, na tinatawag na antojitos (literal na "munting pagnanasa"), ay inihahanda ng mga magtitinda sa kalye at sa maliliit na tiyangge sa Mehiko. Kabilang sa mga pagkaing kalye ang mga tako, tamales, gordita, quesadilla, empalme, tostada, chalupa, elote, tlayuda, cemita, pambazo, empanada, nacho, chilaquile, fajita torta, kahit hamburger at hotdog, pati na rin mga sariwang prutas, gulay, inumin at mga sabaw tulad ng menudo, pozole at pancita. Makakabili ng karamihan ng ganitong pagkain sa umaga at gabi, dahil tuwing kalagitnaan ng hapon ang pangunahing pormal na kainan ng araw. May isa sa pinakamalawak na kultura ng pagkaing kalye sa Latin America ang Mehiko, at pinangalanan ng Forbes ang Lungsod ng Mehiko bilang isa sa mga pangunahing lungsod sa mundo kung saan dapat kumain sa may kalye.

Pintura noong ika-18 siglo ng isang tindero ng buñuelos sa Mehiko.

Kahulugan

baguhin

Sa Espanyol ng Mehiko, tinatawag na antojitos (literal na "munting pagnanasa") ang mga pangmadaliang pagkain na inihanda sa mga lansangan at sa mga bentahan sa palengke dahil hindi kinakain ang mga ito sa mga pormal na kainan, lalo nang hindi sa pangunahing kainan ng araw, la comida, na inihahain sa kalagitnaan ng hapon. Gayunpaman, may mga eksepsiyon.[1] Pinakamadaling hanapin ang mga pagkaing kalye tuwing umaga at pagkatapos, tuwing gabi pahatinggabi. Mas mahirap hanapin ang mga ito, sa labas ng Lungsod ng Mehiko, sa kalagitnaan ng hapon.[2] Yaring mais ang karamihan sa pagkain.[3] Matatagpuan din ito sa mga pamilihan sa kalye na tinatawag na "mercado sobre ruedas" at tianguis. Kabilang sa mga iba pang lugar sa Lungsod ng Mehiko na kilala para sa pagkaing kalye ang merkado ng San Pedro de los Pinos, Mercado San Juan Arcos de Belen, Calle López sa sentro ng kasaysayan at ang Mercado de Antojitos ("pamilihan ng pagkaing kalye") sa Coyoacán.[4][2]

 
Isang takuhan sa Sevilla, Lungsod ng Mehiko

Ang Mehiko ay may isa sa mga pinakamalawak na kultura sa pagkaing kalye sa Amerikanong Latino. Pinaniniwalaan ng halos 43% ng populasyon na hindi ito nakakasama at kumakain ang halos 58% sa may kalye nang isang beses o higit pa kada linggo.[5] Pinangalanan ang pagkaing Mehikano ng UNESCO bilang di-nahahawakang pamanang kultural ng sangkatauhan,[3] at pinangalanan naman ng Forbes ang Lungsod ng Mehiko bilang isa sa sampung primerong lungsod para sa pagkaing kalye sa mundo.[6] Malaki ang naging epekto ng pagkaing kalye at tiyangge sa haute cuisine sa Mehiko. Inihahain ng maraming sosyal na restoran ang parehong pagkain na matatagpuan sa kalye, minsan minodipika at minsan hindi.[7][8] Naimpluwensiyahan nito ang Estados Unidos, kung saan naglathala sina Hugo Ortega, isang kusinerong taga-Houston, at Rick Bayless, isang kusinerong taga-Chicago, ng mga aklat na nakatuon sa pagkaing kalye ng Mehiko.[8] Pumupunta ang mga kusinero sa Mehiko upang suriin ang mga lutuing lokal dahil mas pinahahalagahan na ngayon ang pagkaing Mehikano. Kabilang dito ang mga pagkaing kalye.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Erika Davila (Setyembre 17, 2004). "La ruta patria de los antojitos mexicanos (I)" [Patrotic route of Mexican street food]. El Norte (sa wikang Kastila). Monterrey, Mehiko. p. 6.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Hursh Graber, Karen (Enero 1, 2006). "Wrap It Up: A Guide To Mexican Street Tacos - Part I" [I-wrap Up: Isang Gabay sa Mga Takong Kalye ng Mehiko - Bahagi I] (sa wikang Ingles). Mexconnect newsletter. ISSN 1028-9089. Nakuha noong Enero 23, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Rappaport, Bianca; Anna Starostinetskaya (Oktubre 16, 2012). "Nervously Enjoying Street Food In Chiapas, Mexico" [Kinakabahang Pagtatamasa ng Mga Pagkaing Kalye Sa Chiapas, Mehiko]. Huffington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 23, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Johnston, John (Setyembre 24, 2012). "The Best Street Food in Mexico City" [Ang Pinakamasarap na Pagkaing Kalye sa Lungsod ng Mehiko] (sa wikang Ingles). Mexico: Secretary of Tourism. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 13, 2013. Nakuha noong Enero 23, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "McCann Worldgroup Unveils "Truth About Street" Discoveries: A study of street food habits of 12,000 consumers in 25 cities in 18 Latin American countries serves up a $127 billion a year missed opportunity for brands" [McCann Worldgroup, Ibinunyag Ang Natuklasan sa "Katotohanan ng Kalye": Isang pag-aaral ng mga gawi sa pagkaing kalye ng 12,000 konsyumer sa 25 lungsod sa 18 bansa sa Amerikanong Latino, $127 bilyon kada taon na pinalalampas ng mga tatak] (sa wikang Ingles). Washington. Hulyo 31, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The World's Top 10 Cities For Street Food". Forbes magazine. Nakuha noong Enero 23, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Garcia-Navarro, Lourdes (Oktubre 4, 2007). "Mexico City: Reinvented Street Food in Posh Digs" [Lungsod ng Mehiko: Mga Reimbentadong Pagkaing Kalye sa mga Marangyang Kainan]. NPR (sa wikang Ingles). Washington. Nakuha noong Enero 23, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Danze, Tina (Setyembre 4, 2012). "Mexican street food is hot. How to do it at home" [Sabik ang pagkaing kalye ng Mehiko. Paano ito gawin sa bahay]. Dallas News (sa wikang Ingles). Dallas, Texas. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 10, 2012. Nakuha noong Enero 23, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Gomez Licon, Adriana (Agosto 23, 2012). "Mexican Street Food And Ingredients Are Latest Muse Of American Star Chefs" [Mga Pagkaing Kalye at Sangkap ng Mehiko, Pinakabagong Musa ng Mga Sikat na Amerikanong Kusinero]. Huffington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 23, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)