Pagbububuyog

(Idinirekta mula sa Apikultura)

Ang pagbububuyog o apikultura (Ingles: beekeeping, apiculture, mula sa Latin na apis = bubuyog) ay ang pag-aalaga ng mga bubuyog na pukyutan. Ang apiarista, mambububuyog, o tagapangasiwa ng alagaan ng pukyutan ay ang nag-aalaga ng mga bubuyog na pukyutan upang makapag-ani ng pulot-pukyutan at pagkit na galing sa bahay ng pukyutan, upang dumaan sa proseso ng polinasyon ang mga pananim, o upang makapagparami ng mga bubuyog na maipagbibili sa ibang mga tagapag-alaga ng mga bubuyog na pukyutan. Tinatawag na apiyaryo o bakurang pambubuyog ang lokasyon kung saan inaalagaan ang mga bubuyog. Sa malawak na kahulugan, ang apikultura ay ang maka-agham na paraan ng pag-aalaga ng mga kulisap na makagagawa ng pulut-pukyutan at pagkit.

Larawan ng pag-aalaga ng bubuyog mula sa tacuinum sanitatis casanatensis (ika-14 na siglo).

Ang pag-aalaga ng mga bubuyog sa mga tao, lalo sa lahat para sa produksiyong pulot-pukyutan, ay nagsimula mga 10,000 taon na ang nakalilipas. Heorhiya (ang bansa, hindi ang estado ng EU) ay tinatawag na "kuna ng pagbububuyog" at pinakamatandang pulot-pukyutan na natagpuan ay taga-bansang ito. Hinukay ng 5,500-taong gulang na pulot-pukyutan ay sa puntod ng maharlikang babae habang mga arkeolohikong paghuhukay noong 2003 sa may bayang Borjomi.[1] Nakikita rin ang itong domestikasyon sa sinaunang Ehiptong sining mga 4,500 taon naang nakalilipas. At saka may ebidensiyang pagbububuyog sa sinaunang Tsina, Gresya, at Maya.

Sa modernong panahon, madalas na ginagamit ng pagbububuyog para sa pambubulo ng mga pananim at produksiyon ng ibang mga produkto, halimbawa pagkit at propolis. Ang napakamalalaking ganyang operasyon ay mga agrikultural na negosyo pero ang maraming tao ay nagpapraktis ng pagbububuyog bilang maliliit na negosyo o libangan. Hagang nagpapabuti ang teknolohiya, dumadami ang pagbububuyog, at noong 2010 inilarawan ng pagbububuyog panlungsod bilang na lumalaki. Nadiskubre ng ilang mga pagsusuri na mga bubuyog na napapalaki sa mga lungsod ay mas malulusog kaysa sa kanilang magpinsan sa mga pook na rural, kasi sa mga lungsod may mas kaunting mga pestisidyo at mas biodibersidad.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "What's the Oldest Honey Ever Found?" (sa wikang Ingles). 28 Enero 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hunyo 2023. Nakuha noong 11 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Tanguy, Marion (23 Hunyo 2010). "Can cities save our bees? - Marion Tanguy". The Guardian (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng www.theguardian.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.