Araling pangkultura
Ang araling pangkalinangan o araling pangkultura (Ingles: cultural studies) ay isang larangang pang-akademiya na itinatag sa teoriyang kritikal at kritisismong pampanitikan. Mayroong katangiang interdisiplinaryo, ang araling kultural ay nagbibigay ng isang repleksibong network ng mga intelektuwal na nagtatangkang ilagay ang mga puwersang bumubuo sa mga buhay sa araw-araw. Nakatuon ito sa pampolitikang dinamika ng kulturang kontemporaryo, pati na sa mga pundasyong pangkasaysayan nito, mga salungatan at mga katangiang panlarawan nito. Ikinakaiba ito mula sa antropolohiyang pangkultura at araling etniko na kapwa sa obhektibo at metodolohiya. Nakatuon ang mga mananaliksik ng araling pangkalinangan sa kung paanong ang isang partikular na midyum o mensaheng ay nagkakaroon ng kaugnayan sa ideolohiya, klaseng panlipunan, kabansaan, etnisidad, seksuwalidad, at/o kasarian, sa halip na mag-imbistiga ng isang partikular na kultura o pook ng mundo.
Sa isang maluwag na may kaugnayan ngunit nakahiwalay na paggamit, ang pariralang "araling pangkultura" ay paminsan-minsang nagsisilbi bilang isang magaspang na singkahulugan ng araling pampook, bilang isang pangkalatahang kataga na tumutukoy sa pang-akademiyang pag-aaral ng partikular na mga kultura sa loob ng mga kagawaran at mga programang katulad ng araling pang-Islam, araling pang-Asya, araling pang-Aprikanong Amerikano, at iba pa. Subalit, sa mahigpit na pananalita, ang mga programa ng araling pangkultura ay hindi tumutuon sa partikular na mga pook ng mundo at kahit na sa espesipikong mga gawaing pangkultura.
Hinaharap ng araling pangkultura ang mga paksa sa paraang buo, na pinagsasama-sama ang teoriyang peminista, teoriyang panlipunan, teoriyang pampolitika, kasaysayan, pilosopiya, teoriyang literaryo, teoriya ng midya, araling pampelikula/araling pambidyo, araling pangkomunikasyon, ekonomiyang pampolitika, araling pangtranslasyon, araling pangmuseo at kasaysayang pangsining at kritisismo upang pag-aralan ang kababalaghang pangkultura sa loob ng sari-saring mga lipunan. Kung gayon, ang araling pangkultura ay naglalayong umunawa sa mga paraan kung saan ang kahulugan ay nalilikha, naipamumudmod, at nagagawa sa pamamagitan ng samu't saring mga gawain, mga paniniwala at mga panimulaan o institusyon. Pati na ang pampolitika, pang-ekonomiya at kahit na mga kayariang pangpakikipagkapuwa sa loob ng isang ibinigay na kalinangan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.