Araling pangmidya
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang araling pangmidya ay isang disiplina at larangan ng pag-aaral na humaharap sa nilalaman, kasaysayan, at mga epekto ng sari-saring midya; partikular na ang 'midyang pangmasa'. Maaaring humango ang araling pangmidya ng mga tradisyon magmula kapwa sa mga agham na panlipunan at araling pantao, subalit karamihang magmula sa pangunahing mga disiplina ng komunikasyong pangmasa, komunikasyon, mga agham na pangkomunikasyon at araling pangkomunikasyon. Ang mga mananaliksik ay maaari ring magpaunlad at gumamit ng mga teoriya at mga metodo magmula sa mga disiplina na kinabibilangan ng araling pangkultura, retoriko, pilosopiya, teoriyang pampanitikan, sikolohiya, agham na pampolitika, ekonomiyang pampolitika, ekonomika, sosyolohiya, antropolohiya, teoriyang panlipunan, kasaysayang pangsining, at kritisismong pangsining, teoriyang pampelikula, teoriyang peminista, at teoriyang pang-impormasyon.
Edukasyong pangmidya
baguhinAng edukasyong pangmidya ay ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto na patungkol sa midya.[kailangan ng sanggunian] Hinggil ito sa pagpapaunlad ng mga kakayahang pangsuri at panlikha ng mga kabataan na nauukol sa midya. Hindi dapat ikalito ang edukasyong pangmidya sa teknolohiyang edukasyunal o sa midyang edukasyunal. Ang mga surbey ay paulit-ulit na nagpapakita na, sa pinaka industriyalisadong mga bansa, ang mga bata ay gumuguol ng masa maraming panahon sa pagpapanood ng telebisyon kaysa sa paaralan, o gayundin sa anumang ibang gawain na bukod sa pagtulog (Livingstone at Bovill, 2001; Rideout et al, 1999). Ang edukasyong pangmidya ay walang nakapirming lokasyon, walang malinaw na ideolohiya at walang tiyak na tagatanggap; nasalalay ito sa mga nasusumpungan ng isang pamilihang pampananalapi na mas malaki kaysa sa sarili nito.[kailangan ng sanggunian]
Literasiyang pangmidya
baguhinAng literasiyang pangmidya ay isang repertoryo ng mga kakayahan o kagalingan na nakapagpapakaya sa mga tao na suriin, siyasatin, at lumikha ng mga mensahe sa loob ng isang malawak na mga modelo ng midya, mga henero, at mga porma o anyo (Wikipedia). Ang isang tao na literato o edukado sa midya ay maalam o nakakabatid. Ang mga mamamayang hindi nakakabatid o kampante ay nakapagpapalakas sa neoliberalismo habang ang mga mamamayang nakakabatid ay nakapagpapahina sa neoliberalismo. Maraming mga dahilan kung bakit ang araling pangmidya ay wala sa kurikulum ng paaralang primaryo at sekundaryo, kabilang na ang mga pagbabawas ng mga laang-gugulin at mga serbisyong panlipunan pati na ang mga talatakdaang labis ang pagkakapuno at mga inaasahan.[kailangan ng sanggunian]