Araw ng Paggawa
Ang Pandaigdigang Araw ng Manggagawa ay isang taunang pista na pinagdidiriwang ang pang-ekonomika at panlipunang ambag ng mga manggagawa. Nagsimula ang Araw ng Paggawa sa mga kilusang unyon, partikular ang "walong-oras na araw" na kilusan, na sinusulong ang walong oras para sa trabaho, walong oras para sa libangan, at walong oras para sa pahinga.