Arturo Tanco

pulitikong Pilipino

Si Arturo Roxas Tanco, Jr. (Agosto 22, 1933 - Abril 18, 1985 Maynila) ay isang dating ministro ng pagsasaka at pangulo ng Pandaigdigang Konseho ng Pagkain ng Nagkakaisang Bansa.


Arturo R. Tanco Jr.
Ministro ng Agrikultura
Nasa puwesto
1974 – Hunyo 1984
Sinundan niSalvador H. Escudero III
Kasapi ng Batasang Pambansa mula sa Rehiyon IV-A
Nasa puwesto
Hunyo 12, 1978 – Hunyo 5, 1984
Kalihim ng Agrikultura at Likas na Yaman
Nasa puwesto
1971–1974
Nakaraang sinundanFernando López
Personal na detalye
Isinilang22 Agosto 1933(1933-08-22)[1]
Yumao18 Abril 1985(1985-04-18) (edad 51)
Maynila
KabansaanPilipino
AsawaPatricia Picket[1]

Talambuhay

baguhin

Unang nag-aral si Tanco sa Pamantasang De La Salle[1] at Pamantasang Ateneo de Manila[2] sa Pilipinas at kalaunan ay nakatapos ng postgraduate na pag-aaral sa pamamahala sa Pamantasang Cornell at Pamantasang Harvard. Tumulong din siya sa pagtatatag ng Southeast Asia Research Center for Agriculture at nagsilbi bilang direktor ng Pandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay sa Los Baños.[3]

Pumasok si Tanco sa pamahalaan noong 1970 at ay hinirang ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang Kalihim ng Agrikultura at Likas na Yaman noong 1971 bilang kapalit kay dating Bise Presidente Fernando López. Nanatili siyang Ministro ng Agrikultura pagkatapos ng pagkakabuo ng Ministro ng Kapaligiran at Likas na Yaman noong Mayo 1974.[4] Sa kanyang panunungkulan, na tumagal hanggang 1984, siya ang partikular na may pananagutan sa pagpapalago ng produksyon ng palay, mais at gulay. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nagtagumpay ang Pilipinas na malampasan ang talamak na kakapusan sa bigas at naging isang bansang nagluluwas ng bigas mismo sa pamamagitan ng programang Masagana 99.[5] Ipinakilala rin niya ang isang katulad na programa sa paggawa ng mais. Ginamit din ni Tanco ang pagpapalatastas sa press at elektronikong media para hikayatin ang mga magsasaka na paigtingin ang pagtatanim.

Noong 1977, siya ay nahalal na pangulo ng Pandaigdigang Konseho ng Pagkain at nanatili sa nasabing posisyon hanggang 1981. Nakita rin sa kanyang termino ang pagtatatag ng Pandaigdigang Pondo para sa Kaunlarang Agrikultural noong Nobyembre 30, 1977 na kanyang sinuportahan bilang tugon sa paikot-ikot na kakulangan sa pagkain.[3] Noong 1978, ang Kagawaran ng Agrikultura ay nagtatag ng labindalawang tanggapan sa mga rehiyon ng Pilipinas.

Noong Hunyo 1984, nagbitiw siya sa kanyang puwestong ministeryal matapos na matalo sa halalan at hindi na muling nahalal bilang miyembro ng Batasang Pambansa. Siya ay hinalinhan bilang ministro ni dating Bise Ministro Salvador H. Escudero III.

Mga tala at sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Pablo P. Liwanag, pat. (1985). Record of the Batasan, Volume Five (sa wikang Ingles). Batasang Pambansa. p. 112.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "In Memoriam T" (sa wikang Ingles). Pamantasang Ateneo de Manila. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-13. Nakuha noong Nobyembre 13, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Arturo Tanco Jr., 51; A Former Filipino Aide". The New York Times (sa wikang Ingles). 1985-04-19. Nakuha noong 2021-10-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "From roots to fruits: The Agriculture Department history". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-15. Nakuha noong 2021-11-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Meet Arturo Tanco, a technocrat who tends the vital farming front". The Christian Science Monitor (sa wikang Ingles). 1980-09-19. Nakuha noong 2021-11-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panitikan

baguhin
  • Maurice F. Strong: Ending hunger through sustainable development (Arturo Tanco Memorial Lecture Publication/The Hunger Project), 1989