Ang Azuki-chan ay isang manga na likha ni Chika Kimura na nailimbag ng kompanyang Kodansha at ginawa itong isang pantelebisiyoing programang anime ng NHK. Nagsimula ang manga na Azuki-chan sa mga pahina ng Nakayoshi noong Pebrero ng taong 1993 at ito ay tuloy-tuloy na nilimbag hanggang Abril ng taong 1997. Ang anime na Azuki-chan naman ay ipinalabas as programa ng NHK na pinamagatang Eisei Anime Gekijo mula 4 Abril 1995 hanggang 17 Marso 1998 na kung saan, ito ay napapanood sa Pilipinas bawat Biyernes mula alas-5:30 ng hapon hanggang alas-sais ng gabi.

Kuwento

baguhin

Ang Azuki-chan ay tungkol sa buhay ng isang batang babaeng Azusa Noyama (na binansagang "Azuki-chan") at ang kanyang mga kamag-aral sa antas na 5 sa mababang paaaralan na pinapasukan niya.

Mga Tauhan

baguhin
  • Azusa (Azuki-chan) Noyama: Siya ay isang pangkaraniwang mag-aaral na babae. Nang tumuntong siya ng ika-5 antas, napaibig siya sa kapwa niya mag-aaral na si Yuunosuke. Noong una ay malimit pansinin ni Yuunosuke si Azuki-chan ngunit di kalaunan ay naging malapit din ito sa kanya. Pero hindi alam ni Azuki-chan kung gusto siya talaga ni Yuunosuke at ang tanong na ito ay laging bumabagabag sa isip niya. Nagseselos siya kapag iba ang kasama ni Yuunosuke.
  • Daizu Noyama: Siya ang nakababatang kapatid ni Azuki-chan. Lagi siyang napapagalitan ni Azuki-chan dahil sa pagtukso dito at sa pagpasok sa kuwarto nito nang hindi kumakatok.
  • Yuunosuke Ogasawara: Bagong kamag-aral ni Azuki-chan na kalilipat lang ng paaralan. Mahilig siyang manood larong soccer sa telebisyon. Matangkad, matipuno at mabait si Yuunosuke at dahil dito, naaakit ang mga babaeng kamag-aral niya sa kanya. Ang problema ay hindi siya gaanong nakakaintindi sa damdamin ng mga babae.
  • Kaoru Nishino: Siya ay kamag-aral ni Azuki-chan ngunit siya ay mahiyain at mapag-isa. Ang ina niya ay nagtratrabaho sa isang beauty salon kaya laging natutukso si Kaoru at madalas na itong umiyak. Matalik niyang kaibigan sina Azuki-chan at ang isa pang mag-aaral na si Midori Kodama...na tinatawag ding "Jidama".
  • Midori (Jidama) Kodama: Kaibigan siya ni Azuki-chan. Isang "working mother" ang kanyang ina kaya madalas siyang maiwan sa pangangalaga ng lola niya. Malakas ang pangangatawan niya at mahilig siya sa mga larong palakasan. Dahil sa pagka-tomboy niya, galit siya sa mga lalaki at ayaw niyang mag-suot ng palda.
  • Tomomi Takahashi: Kaibigan din siya ni Azuki-chan. Ang palayaw niya ay "Tomo-chan". Naaakit siya sa kapwa mag-aaral na si Makoto Sakaguchi at sina Azuki-chan at Kaoru lang ang nakakaalam nito. Dahil sa lihim nila, binansagan ng tatlo ang sarili nila bilang "KTK".
  • Ken Takayanagi: Kamag-aral siya ni Azuki-chan. Ang mga magulang niya ay may-ari ng isang kainan ng ramen at mahilig siya sa larong baseball. Sinasabi ng mga kamag-aral niya na wala siyang gaanong kamuwang-muwang sa mundo dahil tahimik at mahiyain ito.
  • Makoto Sakaguchi: Kaibigan siya ni Ken. Hindi niya maintindihan ang pag-iisip at pag-uugali ng kanyang mga kamag-aral kaya ibinabaling na lang niya ang kanyang pansin sa mga laro...lalo na ang mga video games.
  • Yoko Sakakibara: Kamag-aral siya nina Azuki-chan...at kalabang mortal siya ni Jidama. Maganda siya ngunit mapagmataas. Lagi niyang iniisip na siya ang dapat na makatambal ni Yuunosuke.

Mga Gumaganap

baguhin
  • Azusa (Azuki) Noyama: Yukana (buong pangalan: Yukana Nogami)
  • Daizu Noyama: Etsuko Kozakura
  • Yuunosuke Ogasawara: Issei Miyazaki
  • Kaoru Nishino: Taeko Kawata
  • Midori (Jidama) Kodama: Rika Matsumoto ng JAM Project
  • Tomomi (Tomo-chan) Takahashi: Yukiji
  • Ken (Ken-chan) Takayanagi: Mitsuaki Madono
  • Makoto Sakaguchi: Kyousei Tsukui
  • Yoko Sakakibara: Rei Sakuma ng Doco Ranma ½

Mga Pahinang Pag-uugnay

baguhin