Béjaïa
Ang Béjaïa (Kabyle: Bgayet, ⴱⴳⴰⵢⴻⵜ), dating Bougie at Bugia, ay isang Mediteraneong daungang lungsod sa Golpo ng Béjaïa sa Algeria. Ito ay kabisera ng Lalawigan ng Béjaïa. Ito ang pinakamalaking lungsod na pangkaramiha'y nagsasalita ng Wikang Kabil sa rehiyong Kabil ng Algeria. Karamihan sa mga nakatira rito ay mga Berber. Ang populasyon nito ay 177,988 katao, ayon sa senso noong 2008.
Béjaïa Bgayet | |
---|---|
commune of Algeria, lungsod, big city | |
Mga koordinado: 36°45′04″N 5°03′51″E / 36.7511°N 5.0642°E | |
Bansa | Algeria |
Lokasyon | Béjaïa District, Lalawigan ng Béjaïa, Algeria |
Lawak | |
• Kabuuan | 120.22 km2 (46.42 milya kuwadrado) |
Populasyon (2008, Senso)[1] | |
• Kabuuan | 176,139 |
• Kapal | 1,500/km2 (3,800/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+01:00 |
Websayt | http://www.communedebejaia.org |
Ang Béjaïa ay pangunahing pantalan ng langis sa kanlurang Mediteraneo; ito ang hilagang dulo ng Hassi Messaoud oil pipeline mula Sahara. Maliban sa krudong langis, kabilang sa mga iniluluwas ay bakal, phosphates, alak, tuyong igos, at plum. May mga industriya rin ng tela at tapon (cork) ang lungsod. Matatagpuan ang punong-tanggapan ng kompanyang conglomerate na Cevital sa lungsod.[2]
Sa ilalim ng pamumuno ng mga Pranses, kilala noon ang Béjaïa sa ilang pangalang Europeo, tulad ng Budschaja sa Aleman, Bugia sa Italyano, at Bougie [buˈʒi] (ang huling dalawa ay mga salita sa salitang "kandila", at nagmumula sa pangalan ng bayan dahil sa kalakal na pagkit nito).[3]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ https://www.citypopulation.de/en/algeria/cities/; hinango: 4 Oktubre 2019.
- ↑ "Cevital & vous Naka-arkibo 12 September 2011 sa Wayback Machine.." Cevital. Retrieved on 26 August 2011. "Adresse : Nouveau Qaui Port de -Béjaïa - Algérie"
- ↑ "Bougie (n)". Oxford English Dictionary. Oxford University Press. Nakuha noong 29 Nobyembre 2012.
Etymology: < French bougie wax candle, < Bougie (Arabic Bijiyah), a town in Algeria which carried on a trade in wax
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Available online to subscribers