Bagyong Florita
Ang Bagyong Florita o (Pagtatalagang pandaigdig: Bagyong Ma-on) ay isang maulang bagyo na tumama sa Pilipinas, China at Vietnam sa ika-apat na linggo sa buwan ng Agosto 2022, na nabuo bilang Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Apolaki sa Dagat Pilipinas na nasa antas na tropikal depresyon.[1][2][3]
Bagyo (JMA) | |
---|---|
Bagyo (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Agosto 20 |
Nalusaw | Agosto 26 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 85 km/h (50 mph) Sa loob ng 1 minuto: 85 km/h (50 mph) |
Pinakamababang presyur | 992 hPa (mbar); 29.29 inHg |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2022 |
Ika Agosto 22 bilang isang mahinang bagyo habang tinatahak ang Lambak ng Cagayan sa Hilagang Luzon ay bahagyang lumakas ang bagyo dahil sa pina-iigting na hanging Habagat o Southwest monsoon, Nag-landfall ang bagyong "Florita" sa Maconacon, Isabela sa kategoryang Malubhang bagyo (severe).
Kasaysayan
baguhinIto ay namataan sa layong 100 kilometro silangan ng Dilasag, Aurora, habang lumalakas ito ay kumikilos sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 90kph, ay may posibilidad na tumama sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan at sa ilang pang lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR) at inaasahang lalabas sa Ilocos Norte hanggang sa tawirin ang Timog Dagat Tsina hanggang Macau, Itinaas mula sa Signal 2 hanggang 3 sa mga lalawigan posibilidad na salantain ni "Florita" sa unang araw ng pasokan ng Face to Face ; ika 22, Agosto ay sinunpinde ang klase bunsod na sama ng panahon.[4][5]
ka Agosto 24 ng lumabas ng PAR ang bagyong Florita na may taglay na lakas na hangin 45 knots (85 km/h; 50 mph) at may bugso na 65 knots (120 km/h; 75 mph).
Paghahanda
baguhinPilipinas
baguhinNakahanda ang lokal na gobyerno ng Isabela maging ang Cagayan sa posibleng pagtama ng bagyong Florita partikular sa bayan ng Maconacon kung saan unang daraanan ng bagyo, Itinaas sa Signal #2 ang lalawigan ng Isabela-Cagayan area dahil sa lapit (vicinity) ng bagyo, suspendido ang mga manlalayag (sasakyang pandagat) sa mga lalawigan ng Aurora, Isabela at Cagayan, Nag aantabay ang NDRRMC sa posibleng pagbaha at pagapaw ng Ilog Cagayan maging sa Cordillera Administrative Region at mga lalawigan sa Ilocos, Nagpakawala ng tubig ang ilang dam sa Hilagang Luzon ang Saplad ng Magat, Dam ng Angat sa Angat, Bulacan. Iniakyat ang antas Signal #3 sa Cagayan at Isabela ng ito ay mag-landfall sa Maconacon, Signal #2, sa ilang bahagi ng Cordillera, Gitnang Luzon at Rehiyon ng Ilocos, Agosto 24, nang ito ay lumabas sa vicinity bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte hanggang nakatawid sa Timog Dagat Tsina.
Pinsala
baguhinPilipinas
baguhinNag-iwan ng mga sirang tahanan sa ilang barangay sa Isabela, Kalinga at Abra dahil sa malakas na ulan ay nag-dulot ng mataas na pag-baha, Binaha rin ang ilang lungsod partikular sa Kalakhang Maynila na-ga tuhod ang baha dahil sa dalawang araw na pag-ulan, iilan rin paaralan sa Bustos, Bulacan ang lubog sa baha.
Tsina
baguhinNang mag-landfall ang bagyo sa Guangdong sa China ay nagdala ng malalakas na pag-ulan na sanhi ng pagbaha habang tinatahak ang Gulpo ng Tongkin sa direksyong pa-kanluran.
Biyetnam
baguhinNag-dulot ng katamtamang pinsala ang bansang Vietnam partikular sa Móng Cái, Quảng Ninh kung saan ay unang nag-landfall.
Sanggunian
baguhin- ↑ https://news.abs-cbn.com/news/08/22/22/some-areas-under-signal-no-2-as-florita-becomes-tropical-storm
- ↑ https://brigadanews.ph/signal-no-1-itinaas-sa-12-probinsiya-dahil-sa-bagyong-florita
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/scitech/weather/842250/lpa-in-cagayan-now-a-tropical-depression-named-florita/story
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/scitech/weather/842306/signal-no-1-up-over-12-areas-in-luzon-due-to-tropical-depression-florita/story
- ↑ https://www.gmanetwork.com/news/scitech/weather/842328/4-areas-under-signal-no-2-as-florita-intensifies-into-tropical-storm/story
Sinundan: Ester |
Kapalitan Francisco (unused) |
Susunod: Gardo |