Bagyong Hanna (2015)
Nangangailangan po ng karagdagang sanggunian ang talambuhay na ito para masiguro po ang katotohanan nito. (Disyembre 2020)
Malaking tulong po kung mapapabuti niyo po ito sa pamamagitan po ng pagdagdag ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad pong tatanggalin ang mga impormasyong walang kaakibat na sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni, lalo na po kung mapanirang-puri po ito. Binigay na dahilan: wala |
Si Bagyong Hanna, tinawag na Bagyong Soudelor sa labas ng Pilipinas, ay isang namuong sama ng panahon na tumama sa Taiwan at silangang Tsina at kumakailang pinakamalakas na bagyo sa hilagang hemispero sa 2015 at tumama rin sa Kapuluang Mariana.
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 5 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | 29 Hulyo 2015 |
Nalusaw | 11 Agosto 2015 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 215 km/h (130 mph) Sa loob ng 1 minuto: 285 km/h (180 mph) |
Pinakamababang presyur | 900 hPa (mbar); 26.58 inHg |
Namatay | 29 tiyak, 9 nawawala |
Napinsala | ≥ $1.38 bilyon (2015 USD) |
Apektado | Kapuluang Mariana, Hapon, Taiwan, Tsina, Korea |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2015 |
Ang ika-13 pinangalanang bagyo sa Pasipiko ng 2015, si Hanna ay namuo malapit sa Pohnpei noong Hulyo 29. Dahan-dahan muna itong lumakas bago ito
Itinuturing si Hanna na pinakamatinding bagyong tumama sa Saipan sa loob ng 30 taon. Daan-daang kabahayan ang nasira o nawasak at tinatayang aabutin ng isang buwan bago maibalik ang suplay ng kuryente. Sa Taiwan, ang mga pagbuhos ng ulan at lakas ng hangin ay nagdulot ng pagkasira at pagkaputol ng kuryente. Aabot sa 4.85 milyong kabahayan ang nawalan ng kuryente, ang pinakamarami sa kasaysayan. Hindi bababa sa 8 ang namatay at 420 ang nasugatan sa Taiwan. Nakaranas din ng pinakamaraming ulan sa loob 100 taon ang ilang bahagi ng silangang Tsina na nagdulot naman ng mga nakamamatay na pagbaha at pagguho ng lupa. Hindi bababa sa 21 ang namatay sa Tsina at aabot sa may kabuuang halaga ng 8 bilyon yuan (US$1.31 bilyon) ang naging pinsala sa ekonomiya.
Sinundan: Goring |
Pacific typhoon season names Soudelor |
Susunod: Ineng |