Bagyong Henry (2022)
Ang Super Bagyong Henry, (Pagtatalagang Pandaigdig: Super Bagyong Hinnamnor) ay isang malakas na bagyong nakaapekto sa Pilipinas.[1][2]Ang bagyong Hinnamnor ay nabuo noong ika Agosto 27 sa timog bahagi ng Okinawa, Bago nabuo bilang bagyo kita mula sa International Satellite ang maliit na mata ng bagyo habang kumikilos pa kanluran timog-kanluran mula Kategoryang 1 at 2, Naglabas ng abiso ang mga bansang Japan, Tsina at Timog Korea, Sa dalang malalakas na ulan at hangin ng bagyo, 1 ang tao'ng nasawi sa lalawigan ng Ifugao sa Pilipinas dahil sa pagbaha. Kalaunan nag-land-fall ang bagyo sa Busan ika Setyembre 5, Higit 15,000 na mga residente ang lumikas dahil sa pagbaha.
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 5 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Agosto 30 |
Nalusaw | kasalukuyan (Setyembre 7) |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 360 km/h (225 mph) Sa loob ng 1 minuto: 480 km/h (300 mph) |
Pinakamababang presyur | 920 hPa (mbar); 27.17 inHg |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2022 |
Kasaysayan
baguhinAng Super Bagyong Hinnamnor (Henry) ay unang namataan ng Japan Meteorological Agency (JMA) sa katimugan ng Japan habang tinatahak ang direksyong kanluran timog-kanluran na may layong 408 na may lakas na 100 knots (185 km/h; 115 mph), ito ay patungo sa direksyon sa Taiwan, Luzon Strait area at tatagal sa higit na dalawang araw at kikilos sa direksyon hilaga, patungo sa mga bansang Japan at Timog Korea.[3]
Paghahanda
baguhinPilipinas
baguhinIka Agosto 31 ang rehiyong Lambak ng Cagayan maging ang Rehiyon ng Ilokos ay naghanda sa paparating na bagyo at sa paiigtingin na hanging Habagat, Nagbabala ang PAGASA at NDRRMC sa mga bulubunduking lugar na malapit sa landslide at mga bahaing lugar, Sinuspinde ng lokal na pamalahaan ng Batanes at Cagayan ang mga sasakyang pandagat na lumayag, sanhi ng malalakas na alon.
Japan
baguhinApat (4) katao sa Japan ang mga naiulat na sugatan, Ayon sa Okinawa Electric Power Company, 2920 na mga kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente sa bayan ng Miyakojima at 190 sa Ishigaki, 330 sa Tarama at 10 sa Taketomi, Higit na 64 mm (2.5 in) ang buhos ng ulan
Apekatado ang transportasyon na inanunsyo ng West Japan Railway Company ang pagpaplano na pagsuspinde ng San'yō Shinkansen at Mahigit 56 na mga paliparan ang kanselado, higit 3000 katao ang apektado.
Timog Korea
baguhinAng isla ng Jeju ay nakapagtala ng 273.5 mm (10.7 in) na buhos ng ulan mula sa rainbands ng bagyo noong Setyembre 4, kalaunan ang total 273.5 milimetrong (10.7 in) ulan ang bumuhos, At higit 3,463 katao ang apektado ng landslide at mga bahaing lugar malapit sa ilog, At higit 66 mga kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente sa lungsod ng Sejong
Taiwan
baguhinMahigit 207.5 mm (8.1 in) ang ibinuhos na ulan ng bagyong Hinnamnor (Henry) sa Yangmingshan, At may lakas na hangin na 162 km/h (100 mph), at bugsong aabot sa 198 km/h (125 mph). Nagkaroon ng pagguho ng lupa sa lungsod ng Nanzhuang at higit 100 mga puno ang natumba, 600 mga katao sa Bagong Taipei ang inilikas, At nagpakawala ng tubig sa dam sa Ilog Keelung na ang lebel ay umabot sa 446 mm (17.5 in) mula sa ulan noong Setyembre 1.
Epekto ng fujiwara
baguhinIka Agosto 31 habang nasa Dagat Pilipinas sa Karagatang Pasipiko ay napanatili ang lakas ng bagyo ang lakas na hangin na pumapalo sa 115 at may bugso na 105 habang kumikilos pasubsob sa direksyong kanluran timog-kanluran sa pagitan ng Taiwan-Batanes area.
Sanggunian
baguhin- ↑ https://www.philstar.com/headlines/2022/09/02/2206901/ndrrmc-super-typhoon-henry-claims-first-casualty
- ↑ https://www.manilatimes.net/2022/09/02/news/henry-down-to-typhoon-but-signal-no-1-remains-over-batanes-babuyan-islands/1856963
- ↑ https://newsinfo.inquirer.net/1657203/pagasa-says-may-hoist-signal-no-2-as-super-typhoon-henry-to-become-almost-stationary-by-friday
Sinundan: Gardo |
Kapalitan Henry |
Susunod: Inday |