Bagyong Pablo
Ang Bagyong Pablo, (Pagtatalagang pandaigdig ng Bagyong Bopha), ay isang napakalakas na bagyo na tumama sa Rehiyon ng Dabaw, matinding pinuruhan nito ang mga probinsya ang Davao Oriental at Compostela Valley, Nagdulot ito nang malawakang pagkasira nang mga bahay dahil sa taglay nitong malakas na hangin, nagpaulan rin ito sa mga probinsya nang Bukidnon at Misamis Oriental, kabilang na rin rito ang Palawan sa Luzon na inulan rin. Maihahalintulad ang Bagyong Pablo, sa mga Bagyong Ruby, Bagyong Nina, at Super Bagyong Lawin. Si Pablo rin ang pangalawang bagyong nanalasa sa loob ng Millemium 21st century, una rito si Bagyong Sendong. Ito ay nag landfall sa mga bayan ng: Cateel, Davao Oriental, Tangub at Taytay, Palawan.
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 5 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Nobyembre 25, 2012 |
Nalusaw | Disyembre 9, 2012 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 185 km/h (115 mph) Sa loob ng 1 minuto: 285 km/h (175 mph) |
Pinakamababang presyur | 930 hPa (mbar); 27.46 inHg |
Namatay | 1, 069 (kumpirmado), 834 (nawawala) |
Napinsala | $1.04 bilyon (2012 USD) |
Apektado | Micronesia, Palau, Pilipinas |
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2012 |
Pinsala
baguhinNagdulot ito nang malawakang pagkasira nang pangkabuhayan, pang ekonomiya at iba pa, dahil rito natangay nang baha ang palay iba pang mga pananim nang mga magsasaka, dahil na rin sa pag apaw at pag taas nang mga ilog galing sa ibang probinsya, Pagkawala nang mga tirahan, Pagwala at pagkaanod nang mga alagang hayop at agarang pagputol ng komunikasyon at kuryente sa rehiyon.
Typhoon Warning Signal
baguhinPSWS | BISAYAS | MINDANAO |
---|---|---|
PSWS #4 | WALA | Lambak ng Compostela, Davao del Norte, Davao Oriental, Surigao del Sur |
PSWS #3 | WALA | Agusan del Norte, Bukidnon, Hilagang Cotabato, Lungsod ng Dabaw |
PSWS #2 | Bohol, Siquijor, Negros Oriental, Cebu, Timog Leyte | Camiguin, Dinagat Islands, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Lungsod ng Cagayan de Oro, Misamis Oriental, Surigao del Norte, Timog Cotabato at Heneral Santos |
PSWS #1 | Negros Occidental | Basilan, Maguindanao, Sarangani, Sultan Kudarat, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay |
Sinundan: Ofel |
Kapalitan Pepito |
Susunod: Quinta |