Ang bahay ng Ifugao ay isang klase ng tradisyunal na bahay ng isang etnikong grupo ng mga Pilipino. Mayroon itong natatanging disenyong pang-arkitektura na sumasagot sa mga pangangailangan ng karaniwang Ifugao. Matatagpuan ang mga Ifugao sa mga kabundukan na nasa hilagang bahagi ng Luzon, at alin sa mga pinaka tanyag na lugar na kanilang kinabibilangan ay ang hagdan-hagdang palayan sa Cordillera.

May iba't ibang klase ng bahay ng Ifugao at alin dito ay: ang abong, ang bale, ang inappal at ang alang.

Mga uri ng bahay ng Ifugao

baguhin

Ang abong ay ang bahay ng karaniwang Ifugao na walang tanyag na katayuan sa tribo ng Ifugao. Madalas ito ay maliit lamang at simple ang disenyo at pagkakagawa. Diretso itong nakatayo sa lupa.

Ang inappal ay may pagkakahawig sa abong, ngunit imbis na direktang nakatayo sa lupa ay naka-angat ng konti sa pamamagitan ng mga kahoy na poste. Ginagamit ito upang mapagbahayan ng mga nagsasaka malapit sa mga palayan.

Ang bale ay ang mas magandang uri ng bahay ng Ifugao, naka-angat ito mula sa lupa ng mga sampung talampakan ang taas at sapat ang laki upang bubungan ang isang buong pamilya at ang kanilang kagamitan. Karaniwan itong isang malaking kwarto lamang na nagsisilbing tulugan at kainan ng pamilya.

Ang alang ang nagsisisilbing imbakan ng palay ng mga Ifugao.

Mga elemento ng bahay ng Ifugao

baguhin

Karaniwang parisukat ang hugis ng mga bahay ng Ifugao, walang durungawan, mayroong matulis na bubong at apat namatibay na mga poste sa bawat sulok upang hindi masira kapag may bagyo at lindol.

Ang bawat bahay ng ifugao ay may piling katangian at binubuo ng ilang elemento tulad ng: tukud, lidi, kuling, mundilig, gawaan, hakpo, bagat, dotal, wanan, pamadingan, huklub, gaob, patye, pumpitolan, taknang, ambubullan, palah, atag, kaho, ibat, atop, pamalakngan, pundapulan, pala-an, panto at tete.

Mga sanggunian

baguhin