Mapapanatili ang kasariwaan ng mga bakalaw sa pamamagitan ng pagaasin, pagtutuyo, o pinagsamahang pagaasin at pagtutuyo. Sa wikang Ingles, kadalasang tinatawag na salt cod ang inasnan at tinuyong bakalaw, samantalang ang mga pinatuyo naman na walang asin ay tinatawag na stockfish, o isdang-imbak. Mabibili ang mga ito mula sa mga tindahang Kastila at Portuges.[1]

Inasnan at pinatuyong bakalaw sa Norway.
Pagpapatuyo ng inasnang bakalaw noong ika-19 dantaon sa Iceland.

Ginagawa ang inasnang bakalaw sa Canada, Iceland, at Norway. Ipinagbibili ito ng buo o bahagi lamang, na meron o walang tinik at buto.

Ang paggawa ng mga bakalaw ay umaabot noon pa mang mga 500 taon na ang nakararaan hanggang sa panahon ng pagkakatagpo sa Grand Banks na malapit sa pulo ng Newfoundland. Isa itong mahalagang bilihin sa kalakalang pandaigdig sa pagitan ng Bagong Mundo at Matandang Mundo, at naging pinakapaa ng tinatawag na tatlusok na kalakalan. Samakatuwid, kumalat ito sa paligid ng Atlantiko at naging isang nakaugaliang sahog hindi lamang sa mga lutuin sa Hilagang Europa kundi sa mga lutuin sa Mediteranyo, Hilagang Aprika, Caribbean, at Brazil. Umaayon sa mga kalinangan sa paglulutong ito ang mga katawagan sa mga putahe: halimbawa na ang baccalà (Italyano), bacalhau (Portuges), bacalao (Kastila), bacallà (Katalan), morue (Pranses), klippfisk o clipfish [salin sa Ingles]) (Scandinavian), at saltfiskur (Icelandic).

Bilang kaugalian, ang inasnang bakalawa ay tinutuyo lamang sa pamamagitan ng hangin at araw, habang nakabitin sa mga balangkas ng kahoy, at nakabilad sa may tabing-dagat. Sa ngayon, ito ang iba pang mga isda katulad ng mga inimbak na bakalaw (stockfish) ay napatutuyo na sa loob ng gusali sa pamamagitan ng init na nagmumula sa kuryente.

Mga talabanggitan

baguhin

Mga talababa

baguhin
  1. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Bacalao". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

baguhin
  • Davidson, Alan (1979). North Atlantic Seafood (Pagkaing Laman-dagat ng Hilagang Atlantiko). ISBN 0-670-51524-8.
  • Kurlansky, Mark (1997). Cod: A Biography of the Fish That Changed the World (Bakalaw: Isang Kasaysayan ng Isdang Nakapagpabago sa Mundo). New York: Walker. ISBN 0-8027-1326-2.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.