Ang Baki the Grappler ay isang manga na likha ni Keisuke Itagaki. Ito ay isina-telebisyon bilang isang programang anime na pinalabas sa Japan sa TV Tokyo mula noong ika-8 ng Enero, 2001 hanggang ika-25 ng Hunyo, 2001. Ipinalabas ang Baki the Grappler sa Pilipinas sa GMA Network.

Baki the Grappler
Grappler Baki
グラップラー刃牙
DyanraAction, Martial arts, Sports
Manga
KuwentoKeisuke Itagaki
NaglathalaAkita Shoten
Takbo19911999
Bolyum42
Teleseryeng anime
DirektorHitoshi Nanba
Inere saTV Tokyo
GMA Network
 Portada ng Anime at Manga

Kuwento

baguhin

Ang Baki the Gappler ay tungkol sa isang lalaking nagngangalang Baki Hanma at ang hangad niyang makuha ang korona ng "grappling" (isang uri ng pagligsahan sa pagbubuno) mula sa ama niyang si Yujirou.

Mga Tauhan

baguhin
  • Baki Hanma: Anak siya ng batikang "grappler" na si Yujirou Hanma. Nag-umpisang magsanay si Baki sa pagiging "grappler" noong tatlong taon pa lamang siya sa pamamahala ng iba't ibang guro. Noong labing-tatlong gulang siya, iniwan niya ang kanyang mga guro upang magsanay ng mag-isa at sumunod sa yapak ng kanyang ama. Noong labing-pitong taong gulang si Baki, bihasa na siya sa iba't ibang uri ng pakikipaglaban at matapos nito ay nakipagsapalaran siya sa mga lihim na paligsahan na pinangangasiwaaan ni Mitsunari Tokugawa.
  • Yujirou Hanma: Ama siya nina Baki Hanma at Jack Hammer (o Jack Hanma). Siya ang tinaguriang pinakamalakas na "grappler" sa buong mundo at gumagamit siya ng iba't-ibang pamamaraan ng paglaban na natutunan niya noong lumaban siya sa Digmaang Biyetnam. Nakaguhit sa likod niya ang larawan ng diablo kaya ginamit niya ang balatkayong pangalan na "Ogre". Nakapatay siya ng oso gamit lamang ang sarili niyang kamay at kaya niyang talunin ang isa o dalawang lupon ng sundalo. Hango ang katauhan niya sa artistang si Matt Dillon at ang pangalan niya ay hango sa Hapones na boksingerong si Yujirou Watanabe.
  • Mitsunari Tokugawa: Siya ang tagapangasiwa ng mga lihim na paligsahan. Marami siyang nalalaman tungkol sa mga manlalaro sa buong mundo at alam niya kung sino ang pinakamalakas. Marahil ito ay dahil sa ang ninuno niya ay si Mitsukuni Tokugawa na siyang nangasiwa din ng mga paligsahang palakasan 300 taon na ang nakalilipas.
  • Doppo Orochi: Siya ay isang dalubhasa sa karate at isa siya sa iilan lang tao na kasinlakas ni Yujirou Hanma sa paglaban. Siya ay sinasabing kumakain ng tao at dahil dito, binansagan siyang "Jinkui Orochi". Siya ay pinuno ng grupo ng Kyodai Karate Dantai na tinatawag na "Shinshinkai". Hango ang katauhan niya kay Hideo Nakamura, isa ring dalubhasa sa karate.
  • Natsue Orochi: Asawa ni Doppo. Sa limangpung taon nilang pagsasama, hindi sila nagkaanak kaya inampon nila ang batang si Katsuki. Ito ay tinagurian ni Natsue bilang kanyang sariling "Super Doppo".
  • Kiyosumi Katou: Kabilang siya sa Shinshinkai at tinagurian siya ng grupong ito bilang "Dangerous Lion". Ito ay dahil hindi siya lubos na sumusunod sa mga batas ng Shinshinkai...lalo na ang paggamit ng baril at tabak na pinagbabawal sa karate. Inanyayahan siya ni Orochi na sumali sa mga lihim na paligsahan at sa unang laro niya, natalo niya si Saru Yasha Jr. Hango ang katauhan niya kay Kiyoshi Katou, isang daluhasa sa karate.
  • Atsuji Suedo: Isa siyang manlalaro na nanalo ng tatlong sunod-sunod na titulo sa Full Contact Karate "Real Fight Tournament Karate-do Championship Series" na ginanap sa Budokan. Sa huling laban ay nakatunggali niya si Baki habang nanonood sina Yujirou at Doppo. Pinahintulutan si Atsuji na gumamit ng kalasag ngunit siya ay natalo.
  • Koujou Shinogi: Isa siyang dalubhasa sa karate at ang pangunahing panlaban niya ay ang kanyang mga daliri na ginagamit niya para lagutin ang ugat sa mata ng kanyang mga kalaban. Dahil dito, binansagan siyang "Himokiri Kojou". Sa pista ng San Fermin siya nakilala ni Tokugawa at inanyayahan siya sa kanyang mga lihim na palighsahan. Sa unang laban niya, siya ay tinalo ni Baki, ngunit nangako siyang palalawigin niya ang kanyang paraan ng paglaban. At nang matutunan niya ang "ganteisai", sinikap niyang hamunin muli si Baki.
  • Kureha Shinogi: Siya ay isang mangagamot at tinagurian siyang "Super Doctor". Mayroon siyang malaking katawan na maituturing isang "Muscle Fortress". Ito ay may lakas ng isang heavyweight boxer, tulin ng isang "sprinter", galaw ng isang "amateur wrestler" at konstitusyon ng isang "marathon runner". Ngunit dahil sa pag-eeksperimento niya sa katawan, napinsala ito at nagkaroon si Kureha ng kanser. Dahil dito, siya ay umiinom ng gamot sa tuwing siya ay lumalaban sa mga lihim na paligsahan. Hango ang katauhan niya kay Seishi Horibe.
  • Izou Motobe: Siya ay isang dalubhasa sa judo ngunit hindi siya kaanib sa isang grupo. Ito ay dahil sa nagkipaglaban siya dati kay Yujirou at siya ay natalo nito. Nangako si Izou na tatalunin niya si Yujirou kaya't nag-aral siya ng iba't ibang pamamaraan ng paglaban. Dahil dito, nakalikha siya ng sarili niyang uri ng judo.
  • Mount Toba: Tatalong-pung taon na siyang "professional wrestler" at kakaiba ang pamamaraan niya ng pagdaloy ng kanyang dugo sa kanyang katawan. Sinasabi niya na kaya niyang kitilin ang buhay ni Yujirou Hanma sa loob lamang ng 10 segundo. Sa una niyang laban, natalo niya si Hanada. Sumali siya sa paligsahan ng "Motona"...ngunit bilang isang "reserver" (pampalit na manlalaro) lamang. Nang sumali siya sa "free-weight class", siya ay tinalo ni Baki. Hango ang katauhan niya kay Giant Umageki.
  • Captain Strydum: Siya ay isang koronel ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos noong bata pa siya. Noong Vietman War niya nakilala si Yujirou at mula noon, sila ay naging matalik na magkaibigan. Palagi niyang tinutulungan si Yujirou kapag nangangailangan ito ng sasakyang panlupa o pamhimpapawid. Kapangalan niya ang bandang Hapones na "Captain Strydum".
  • Kozue Matsumoto: Anak siya ng isa sa guro ni Baki at pareho sila ng pinapasukang paaralan. May gusto sina Kozue at Baki sa isa't isa. Noong una ay tahimik na tao si Kozue. Ngunit nag-iba siya noong naglaban-laban ang pamilya niya at ang pamilya nina Baki.
  • Kinuyo Matsumoto: Siya ang ina ni Kozue. Wari'y nakikita ni Kinuyo ang anino ng yumao niyang asawa sa katauhan ni Baki.
  • Junichi Hanada: Isa siyang "professional wrestler" at sinasabing kaya niyang talunin ang maraming tulad niya. Mahilig siya sa mga babae. Nakatakda niya sanang labanan si Baki...ngunit natalo siya ni Mount Toba bago niya magawa ito.
  • Kouhei Kuzumi: Isa siyang "professional wrestler". Noong nakalaban niya ni Koujou Shinogi, napinsala ang mga mata niya at dahil dito, napilitan siyang magsuot ng salamin. Naging pangalawa lang siya sa laban na iyon. Hango ang katauhan niya sa "professional wrestler" na si Ryuu Chosu.
  • Kaoru Hanayama: Siya ay isang taga-ayos ng mga gusot sa mga pamilya. Malalakas ang kanyang mga kamay at kaya nitong tupiin ang ¥ 500 na barya at hatiin ang isang salansan ng baraha. Kapag hinahawakan ni Kaoru ang kanyang mga kalaban, pumuputok ang mga ugat nito. Hango ang katauhan niya kay Kei Hanagata, isang tauhan sa kasaysayan ng bansang Hapon.
  • Yuri Tschaikovsky: Isa siyang kampeon na "junior welterwight" na boksingero. Ninuno niya ang mga Chigir...mga taga-Mongolia na mandirigma na gumagala sa Rusya. Kahit na isang "junior welterwight" lang si Yuri, kaya niyang tumbasan ang lakas ng isang "heayweight" na boksingero. Noong bata pa siya, ninais na niyang kalabanin si Baki. Ngunit napinsala ang kanyang mga braso sa laban nila nina Hanayama. Nakakatandang kapatid siya ni Nina. Hango ang katauhan niya sa "professional boxer" na si Arbachakov.
  • Reiichi Andou: Siya ay isang "professional wrestler" at hango ang katauhan niya sa yumaong "wretsler" na si Andre the Giant dahil sa taas niyang mahigit na dalawang metro...ang taas din ni Saru Yasha. Kaibigan niya si Yujirou at kakilala niya si Baki. Noong niligtas niya si Baki mula sa kampo ng mga Yasha, kinagat ni Saru ang apat na daliri sa kanang kamay niya. At bago maitakas ni Reiichi si Baki, nakuha pa ni Saru na pinsalain pa ang bituka nito. Ginamot siya ni Baki at dahil dito, naging malapit siya dito.
  • Saru Yasha: Siya ay isang kakaibang unggoy na nakatira sa Okuyama. Tinatayang 150 taong gulang na siya pero malakas pa rin ang kanyang pangangatawan. Hango ang katauhan ni Saru sa isang Giganpithecus na umaabot ng taas na tatlong metro. Naglalakad siya gamit ang dalawang paa tulad ng tao. Marunong mangaso si Saru at kinakain niya ang lahat ng kinakian ng mga tao. Nakatunggali ni Saru si Yujirou at sa huli, napatay ni Yujirou ang asawa niya.
  • Gaia: Pinuno siya ng isang hukbo ng mga natatanging kawal ng Self-Defense Forces ng bansang Hapon at nakadestino siya sa Daisetsuzan sa Hokkaido. Kasing-lakas siya ni Yujirou at mayroon siyang kakaibang kakayahan ng pagtuklas ng mga panganib sa paligid niya. Ang mga pangunahin niyang pamamaraan ng paglaban ay ang paggamit ng mga baging bilang mga lubid, ang paggamit ng tubig bilang bala at ang kanyang napakalakas na sigaw na maaring makapinsala sa pandinig ng isang tao. Ang mga ito ay nagagawa niya dahil kaya niyang pataasin ang antas ng adrenaline niya.
  • Gouki Shibakuwa: Siya ay isang dalubhasa sa judo. Pinanganak siya noong taong 1926. Hango ang katauhan niya kay Kozo Shiota...kapatid ni Morihei Ueshiba.
  • Kanji Igari: Isa siyang "professional wrestler". Hango ang katauhan niya sa Hapones na "wrestler" na si Antonio Igi kaya ang "ring name" ni Kanji ay "Antonio Igi" din. Sila ni Mount Toba ay ang sinasabing may pinakamalaking ulo sa mundo ng "wrestling" ngunit sa totoo lang, si Kanji ay siyang duwag.
  • Katsumi Orochi: Ampon siya ni Doppo. Kasama siya sa pangkat na Shinshinkai at sinasabing siya ang pinakamalakas na kasapi dito. Noong bata pa siya ay nagtrabaho siya sa isang sirko kasama ang tunay niyang ama. At sa gulang na limang taon, kaya niyang hilahin at ihagis ang isang elepante sa ere. Namatay ang kanyang tunay na ama nang ito ay paslangin ng isang leon sa sirko at mula noon, nasa ilalim na siya ng pangangalaga ni Doppo.
  • Jack Hammer: Isa siyang dalubhasa sa "pit fighting". Kapatid niya si Baki at anak siya ni Yujirou at ng isang nagngangalang "Jane". Nagkilala sina Yujirou at Jane noong Vietnam War at si Jack ay isinilang ni Jane sa loob ng kulungan. Ang tunay na pangalan niya ay Jack Hanma. Nagtatalo sina Baki at Jack dahil sa paggamit ng steroids. Hango ang katauhan niya sa Hapones na "professional wrestler" na si Dynamite Kid.
  • Kaiou Retsu: Isa siyang dalubhasa sa quan fa at ang totoo niyang pangalan ay Shaoron Retsu. Galing siya sa Hong Kong na kung saan siya nagsanay ng paglalaban. Siya ang unang taong ginawaran ng titulong "Kaioh". Kaya niyang wasakin ang isang piraso ng obsidian gamit lamang ang paa. Nakawasak rin siya ng ang isang dambana na may bigat na 1.8 tonelada.
  • Andreas Regan: (Artemis Regan sa anime.) Isa siyang professional wrestler at may taas siyang 2.4 metro. Natalo siya ni Baki sa pamamagitan ng isang "knock out". Ngunit hindi siya naghihinayang sa pagkatalo niya dahil tanggap niyang tunay na malakas si Baki. Napinsala ang braso niya sa laban nila ni Taktarov. Hango ang katauhan niya sa mga "professional wrestler" na sina Andre the Giant at El Gigante.
  • Alexander Garlen: (Andreanov Garland sa anime.) Isa siyang "amateur wrestler" at siya ang pinakamalakas na "amateur wrestler" sa Rusya. Hango ang katauhan niya sa "wrestler" na si Alexander Karelin. Si Garlen ay tapat sa bansang Rusya at dahil dito, and mga nangangasiwa sa kanya ay mga Ruso. Ngunit hindi siya sumasali sa mga palaro ng walang kapalit na kabayaran.
  • Zul: Dalubhasa siya sa mixed martial arts. Siya ay tubong Brazil at ninuno niya ang mga aliping Negro noong sinaunang panahon. Isa siya sa kakaunting tao na mas malakas kay Baki. Malapit siya sa pamilya niya at nangangaso siya para mabuhay ito. Binansagan siya ni Tokugawa na "ogre" dahil sa dami ng mga hayop na napatay niya. Hango ang katauhan niya kay Ray Zul...karibal ni Rickson Gracie. (Ang "Rickson" ay binibigkas na "Hickson".)
  • Dentrani Sidpaika: Isa siyang dalubhasa sa Muay Thai at hango ang katauhan niya kina Yoji Anjo at Champua Kesonrit. Natalo siya ni Zul sa pamamagitan ng "knock out".
  • Saru Yasha Jr.: Tulad ng ama niya, si Saru Jr. ay kakaibang nilalang ngunit sinasabing mas malakas siya sa ama niya. Layunin niyang paghigantihan ang kanyang mga magulang na pinaslang ni Yujirou. Sumali siya sa mga lihim na palugsahan bilang isang "reserver" at doon niya nakalaban si Kiyosumi Katou.
  • Rob Robinson: Siya ang tinuturing na hari sa larangan ng "kickboxing". Masayahin siyang tao ngunit masyado siyang kampante sa sarili. Dahil dito, natalo siya ni Kanji Igari. Napinsala ang kanyang buto sa hita nang maglaban sila ni Yujirou.
  • Sergei Taktarov: Siya ang tinuturing na kampeon sa larangan ng Sambo. Kaya niyang tumunaw ng yelo at mamalagi sa mga lugar na may lamig na -25 °C. Nakasagupa niya si Regan at pininsala niya ang braso nito. Ngunit napinsala naman ang leeg ni Taktarov noong maglaban sila ni Kaiou Retsu. Hango ang katauhan ni Taktarov kay Pancras...isang manlalaro sa UFC: Ultimate Fighting Championship. Siya rin ay hango kay Oleg Taktarov...isang manlalaro ng Sambo at aktor na gumanap sa mga pelikulang Bad Boys II, National Treasure at Miami Vice.
  • Anaconda: Siya ay isang napakalaking ahas na may habang 25 metro. Noong lumaban si Anaconda kay Garlen, nagwala siya at kinain niya ang isang pari. Matapos nito ay tinalo siya ni Garlen. Siya ay isinali sa mga laro dahil ang pag-iisip niya ay halos tulad ng sa mga tao.
  • Kinryuzan: Siya ay isang "sumo wretsler". Sumali siya sa mga lihim na paligsahan upang ipakita niya ang kanyang lakas. Ngunit natalo siya ni Kanji Igari noong binali nito ang braso niya sa pamamagitan ng "double arm suplex". Hango ang katauhan niya kay Koji Daihana.
  • Chiharu Shiba: Isa siyang pinuno ng "Gandamu", isang grupo ng Bakusouzoku. Hindi siya gaanong magaling sa labanan at napatunayan ito sa laban nila ni Kouhei Hatanaka. Ngunit kahit napinsala ang braso niya, nagawa pa rin niyang talunin si Hatanaka. Tinalo rin niya si Ian Michael sa Sarashi Death Match noong basagin niya ang mga kamay nito.
  • Ian Michael: (Ian McGregor sa anime) Isa siyang "heavyweight" na kampeon sa "boxing" at layon niyang patunayan na ang "boxing" ang tunay na larong pakikipaglaban sa buong mundo. Hango ang katauhan niya kay Constantine Cus d'Amato, isang tagapangasiwa ng "boxing". Natalo siya sa Sarashi Death Match ngunit nakumbinsi siyang lumaban muli ng makita niya ang multo ni John L. Sullivan, ang tinaguriang pinaka-unang kampeon sa larangan ng "world heavyweight boxing". Hango din ang katauhan niya sa sikat na boksingerong si Mike Tyson.
  • Yuu Amanai: Dati siyang tagabantay ng pangulo bago siya inanayahan ni Yujirou na sumali sa mga lihim na laro. Ayon kay Yuu, lumalaban siya para sa pag-ibig. Ang pangunahin niyang pamamaraaan ng paglaban ay ang tinatawag na "no motion jump" na kung saan ginugulat niya ang kanyang kalaban gamit ang lakas niya sa pagtalon. Ito ang ginamit niya noong talunin niya si Yamamoto. Hango ang katauhan niya kay Yuki Amaumi ng Takaraduka Opera Group.
  • Sergio Silva: Isa siyang dalubhasa siya sa "Brazilian judo". Nanalo siya sa Judo Brazil Championship ng tatlong beses ngunit natalo siya ng buntal ni Jack Hammer.
  • Mike Cane: Isa siyang Amerikanong "professional wrestler" na binansagang "Iron Man of New York". Hango ang katauhan niya sa kampeon ng World Wresting Federation na si Ultimate Warrior. Dalubhasa din siya sa larangan ng "boxing".
  • Bunnoshin Inagi: Isa siyang bihasa sa kenpo. Ang tunay na lakas niya ay ang pagwasak sa tabak gamit lang ang kanyang kamao. Nakalaban niya si Hanayama at sa labang ito napinsala ang buto sa likod Inagi. Hango ang katauhan niya kay Motohide Ikari, dating kampeon ng "kickboxing" at ngayo'y referee ng K-1.
  • Minoru Yamamoto: Isa siyang dalubhasa sa shoot wrestling. Bagama't kasinglakas niya si Baki, minamaliit siya ni Yujirou. Natalo siya ni Amanai. Hango ang katauhan niya sa "professional wrestler" na si Masakatsu Funaki.
  • Jagata Shaman: Siya ay isang "Muay Catcher". Ang ibig sabihin nito ay kaya niyang saluhin ang sipa ng kalaban gamit ang kamay lamang.
  • Roger Haron: Isa siyang "amateur wrestler" na sumali sa Olympics. Nakalaban niya si Shibukawa at bagama't matanda na ito ay natalo pa rin niya si Haron.
  • Roland Istas: (Roland Gustav sa anime) Isa siyang dalubhasa sa "wrestling" na binansagang "Joint Fetch" dahil sa kakayahang niyang makapinsala ng kasu-kasuan ng kalaban niya. Natalo siya ni Katsumi Orochi sa pamamagitan ng pagpinsala sa kanang mata niya.
  • Richard Phils: Isa siyang "bouncer" at tinagurian siyang pinaka-natatanging maton sa buong mundo. Hango ang katauhan niya kay Tank Abbott, isang dalubhasa sa mixed martial arts. Palagi siyang nakasuot ng tuxedo. Ang laban nila ni Doppo, na maihahambing sa labanan ng dalawang cowboy, ay nauwi sa pagkatalo ni Phils.
  • Taku Kuruki: Dalubhasa siya sa sali't-saling uri ng karate at isa siyang "reserver". Nakalaban niya si Saru Yasha...ngunit sa "waiting room" lamang. Naguluhan at natakot si Saru Yasha kaya ito ay tumakas mula sa lihim na laro. Marami tagahanga si Taku Kuruki.
  • Speck: Isa siyang Amerikanong salarin na hinatulan ng kamatayan. Malakas ang pangangatawan niya at matindi ang karahasan at kalupitan niya. Inilagay ang kulungan niya 700 metro sa ilalim ng dagat pero nakatakas pa rin siya dahil sa malakas na pulmon niya. Sumali si Speck sa lihim na laro at nilabanan niya si Kaoru Hanayama. Sa laban na ito, tinangkang barilin ni Speck si Hanayama ngunit natalo siya nito. Laking gulat ng lahat nang maging buto't balat si Speck sa harapin nila. Iyon ay dahil ang katotohanan ay 97 taong gulang na siya. Ang katauhan ni Speck ay hango sa salarin na si Andre Chikachiro. Mayroon ding totoong salarin na nagngangalang "Speck".
  • Dorian: Isa siyang Amerikanong salarin na hinatulan ng pagbitay. Ngunit nalampasan niya ito dahil sa malakas niyang leeg. Isa siyang dalubhasa sa quan fa ay bagamat siya ang tinuturing na pinakamagaling sa larangang ito, lumalaban siya ng palihim na gumagamit ng sandata at hipnotismo. Nasugatan siya ng husto nang makalaban niya sina Katsumi Orochi, Kiyosumi Katou at Matsudou.
  • Hector Doyle: Isa siyang salaring mula sa Inglatera na hinatulan ng kamatayan. Ngunit nalampasan niya ang pagbitay sa kanya na gamit ang "electric chair". Ginagamit niyang sandata and bawat bahagi ng katawan niya. Ang kamay at siko niya ay parang tabak, ang braso niya ay parang "spring" at malakas ang dibdib niya. Napatay niya si Rob Robinson at si Biscuit Oriba. Napinsala naman niya ng husto si Kaioh Retsu. Naging kaibigan siya ni Katsumi Orochi noong tinulungan niya itong tumakas papuntang Gitnang Silangang Asia sakay ng barko.
  • Sikorsky: Isa siyang salaring mula sa Rusya na hinatulan ng kamatayan. Napakalakas ang mga daliri niya na ginagamit niya sa "rock climbing". Ito ang pamamaraan niya para makatakas siya at ang mga daliri rin ang gamit niya para masugatan niya ng husto si Alexander Garlen. Malakas din ang pangangatawan niya at natalo niya si Kanji Igari sa pamamagitan ng pagpinsala sa muhka nito. Natalo din niya sina Kozue at Yujirou pero natalo naman siya nina Baki at Biscuit Oriba.
  • Ryuukou Yanagi: Isa siyang salaring mula sa bansang Hapon na hinatulan ng kamatayan. Binansagan siyang "Moudoku Yanagi" ("Makamandag na Yanagi"), "Dokute" ("Makamandag na kamay") at "Kagete" ("Madilim na kamay"). Nakatakas siya sa bilangguan sa pamamagitan ng pagbuntal sa tainga ng bantay niya na kung saan napinsala ang utak nito. Natalo niya si Baki sa pamamagitan ng "knock out". Ngunit natalo siya ng magsanib ng lakas sina Baki at Sikorsky.
  • Biscuit Oriba: Isa siyang manlalaro na tubong Cuba. Binansagan siyang "Mister Anchain" at bagamat isa siyang preso, siya ay binigyan ng trabaho na humuli ng kapwa niya preso. Kaibigan niya si Yujirou kahit na magkaiba sila ng ugali. Siya ay malakas at madali niyang napapagaling ang kanyang mga sugat. Hango ang katauhan niya sa "body builder" na si Sergio Oliver.
  • Kaiou Kaku: Isa siyang dalubhasa sa quan fa. Siya ang pinakamalakas sa lahat ng mga "Kaiou". Mahigit na 100 taon na siyang lumalaban at noong bata pa siya, kasintigas ng bakal ang katawan niya. Noong panahong iyon, tinagurian siyang isang "power fighter". Pero ngayon, madalas siyang nakikitang nakasakay sa "wheelchair" dahil hindi na gaanong malakas ang kanyang mga kalamnan. Dahil dito, ang ginagamit ni Kaiou Kaku sa pakikipaglaban ay ang kanyang bilis.
  • Kaiou Ryuu: Isa rin siyang dalubhasa sa quan fa at mas matanda siya kay Kaiou Kaku.
  • Shobun Ron: Dalubasa siya ng "I-awa seru kenpo" at kaibigan niya si Kaiou Kaku. Ang pangalan niya ay hango sa pangalan ni Shobun Ri at ang mukha niya ay hango kay Akira Sakurai. Nanalo siya sa mga paligsahan noong 15 hanggang 19 na taong gulang at noong 25 na taong gulang siya, nag-umpisa siya sa mixed martial arts. Siya ay tinatawag ding "Shobun Kyojin".
  • Shunsei Kaku: Isa siyang dalubhasa sa quan fa na anak ni Kaiou Kaku. Ginagamit niya ang balatkayong pangalan na "Kyouju Harunari". Maitim ang balat niya at mahaba ang buhok niya. Palagi siyang nakasuot ng mga magagarang maskara.
  • Kaiou Han: Isa siyang dalubhasa sa quan fa at kapatid siya ni Kaiou Ri. Gumagamit din siya ng "makamandag na kamao" tulad ni Ryuukou Yanagi ngunit mayroon din siyang kakaibang pamamaraan ng paglaban: ang tinatawag na "Youte" ("Kamay ng araw"). Ginamit ni Kaiou Han ang "makamandg na kamao" kay Baki ngunit natalo din siya.
  • Kaioh Samuwan: Isa siyang dalubhasa sa pinagsamang kaalaman sa quan fa at Muay Thai. Inanyayahan siyang mag-aral ng quan fa noong bata pa siya nang makita siya ng isang guro na nakikipaglaro sa isang higanteng cobra. Bagamat naging "Kaiou" si Samuwan, natanggal siya ng nakatunggali niya si Kaiou Ri.
  • Mahomed Arai: Isa siyang boksingerong Amerikano at hango ang katauhan niya sa kapwa Amerikanoing boksingero: ang dating Cassius Clay na ngayo'y nagngangalang Muhammad Ali. Ipinagmamalaki niya ang Amerika at ang pagiging boksingero niya kaya nirerespeto siya ni Yujirou. Napinsala ang katawan niya ng makipagbuno siya sa anak niyang si Mahomed Jr. Dahil dito, napilitang magretiro si Arai.
  • Mahomed Arai Jr.: Anak siya ni Mahomed Arai at hango ang katauhan niya kay Leila Ali. Kahit na iba ng kasarian nina Mahomed Jr. at Leila Ali, pareho sila ng timbang. Sumali siya sa mga lihim na laro para maitalaga ang layon ng kanyang ama at para makamtan niya ang pagkapanalo bilang isang Hapones at Amerikano. Dahil dito, nagtungo siya ng bansang Hapon para hamunin ng laban sina Baki at Kozue Matsumoto.
  • Rumina Ayukawa: Ang maton sa paaralan ni Baki. Bagamat marunong siya ng boksing, natalo siya ni Baki. Hango ang katauhan niya kay Rumina Satou, isang dalubhasa sa mixed martial arts.
  • Kamakiri: Ito ang pangalan ng insektong "praying mantis" na naging guniguni ni Baki. Sa guniguning iyon, may bigat na 100 kilogram si Kamakiri.
  • George Bosh: Sa mundo ni Baki, siya ang pangulo ng Estados Unidos. Hango ang katauhan niya kay George Bush. Tulad ng yumaong pangulo ng Estados Unidos na si John F. Kennedy, si George Bosh ay pinagtangkaan din ng buhay. Dahil dito, napagbintangan at dinakip si Baki. Pinagbantaang ipapadala sa isang kulungan sa Arizona.
  • Jun Gebaru: Isang siyang preso na nakakulong sa Arizona dahil sumali siya sa isang pagaaklas sa isang bansa sa Timog Amerika. Sa loob ng kulungan niya nakilala si Biscuit Oriba at dito siya binansagang "Mister 2 (Second)" ni Oriba. Dito rin siya natuto ng karate. Hango ang katauhan niya sa rebolusionaryong si Che Guevarra.
  • Rip • Toss • Dunk: Silang tatlo ay mga preso na nakakulong sa Arizona. Hindi sila gaanong malakas kaya't pinagsasama nila ang kanilang lakas kapag sila ay lumalaban. Hiningi nila sa mga bantay nila na makalaban nila si Ian Michael ngunit ito ay tinutulan ni Gebaru.
  • Maria: Ang kasintahan ni Biscuit Oriba. Iniisip ni Gebaru na gawa-gawa lamang ni Oriba si Maria...ngunit tunay na tao ito. May katabaan si Maria at ang leeg niya ay mas malapad pa sa mukha niya. Ngunit para kay Oriba, maganda si Maria.
  • Hiroshi: Isa siyang mag-aaral sa paaralan ni Baki. Sinugatan ni Kaoru Hanayama ang baba ni Hiroshi. Dahil dito, tatlong taon siyag nag-ensayo para makalaban muli si Hanayama. At nang sila ay muling nagkatunggali, ang ngipin naman ni Hiroshi ang napinasala.
  • Mitsuteru Ueda: Pangarap niyang makabilang sa Yakuza kaya sumanib siya sa grupo ni Kaoru Hanayama. At nang magkakilala sila, pinakita ni Hanayama ang kakayahan niyang humati ng bote, "telephone directory" at ang kakayahan niyang tumupi ng ¥ 10 na barya na gamit ang kamay lamang.
  • Ken Tanaka: Kaanib siya ng grupo ni Kaoru Hanayama pero mas mababa ang rango niya kaysa kay Mitsuteru Ueda. Labing-pitong taong gulang siya at humihithit na siya ng sigarilyo noong bata pa lamang siya. Kamag-aral niya sina Yoshiharu Horio at si Lex.
  • Yoshiharu Horio: Labing-pitong taong gulang siya at kaibigan siya nina Ken Tanaka at Lex noong batang-bata pa sila. Nagtungo siya sa Tokyo para gamutin ang rayuma ni Lex.
  • Inu: Siya ay ang asong pinapakain ni Yoshiharu Horio. Kakaiba ang kilos niya kapag kaharap ang mga malalakas na tao.
  • Ryuuji Tokura: Pitong taong gulang siya at mas kilala siya sa pangalang "Lex". Mayroon siyang malalaking sugat sa mukha niya at mayroon siyang matinding rayuma mula noong 13 taon pa siya. Mabuting tao si Lex ngunit naiibsan lamang ang kanyang sakit sa pakikipaglaban.
  • Hohojirozame: Isa siyang megalodon, isang higanteng pating na natagpuan ng isang mangigisda. Siya na marahil ang pinakamalakas na nilalang sa buong mundo ngunit natalo siya ng mapinsala ang kanyang utak.
  • Keizou Hanayama: Ama siya ni Kaoru Hanayama. Nagtunggali sila ng anak niya nang ayaw bigyan ni Kezou ng salapi ang asawa niya. Dahil dito, dinurog ni Kaoru ang braso ni Keizou. Ngunit hindi nagalit si Keizou. Bagkus ay natuwa pa ito sa lakas ni Kaoru. Umalis siya para labanan ang grupong "Gen-ou-kai"...at hindi na siya bumalik. Namatay siya sa gulang na 41 taon.
  • Jirou Shimizu: Pinuno siya ng grupong Fujiki. 75 taong gulang siya. Gumagamit siya ng katana.
  • Taro Akida: Siya ang pinuno ng "Gen-ou-kai" na pumaslang kay Keizou Hanayama. Bagamat may tsismis na si Taro Akida ay bakla dahil sa kasama niyang batang lalake, siya ay tinuturing pa rin na isang malakas na pinuno at mamamaslang ng tao. Malakas ang kanyang mga kamay at marunong siya sa pamamaraan ng hipnotismo na gamit ang mga daliri at palad. Kinakain niya ang mga alaga niyang hayop. Wala siyang ngipin at ang buhok niya ay hawig sa "Japanese Judas Tree".

Mga Gumaganap

baguhin

Mga Katulad na Pahina

baguhin

Mga Pahinang Paguugnay

baguhin