Balite
Ang balete, balite o baliti (Ingles: fig tree o banyan tree)[1] ay isang igos na nagsimula ang buhay bilang isang epipitas (epiphyte) kapag sumibol ang buto nito sa mga bitak at siwang sa ng isang puno (o sa estruktura tulad ng mga gusali at tulay).
Balite | |
---|---|
Larawan ng Ficus benghalensis | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Subgenus: | Urostigma
|
Uri | |
Maraming uri, kabilang:
|
Mga gamit
baguhinSa Pilipinas, itinanim ang mga balite bilang mga magandang puno sa kahabaan ng mga lansangan sa Kalakhang Maynila at iba pang mga lungsod, at mahusay rin ang mga ito bilang mga punong silongan (shade trees).[2] Ilan sa mga uri ng punong ito ay ginagamit din sa paggawa ng bonsai sa bansa.[3][4]
Ginagamit din ang mga balite bilang mga halamang pambahay;[5] subalit, ito ang pinagmumulan ng mga panloob na household allergen na nagdudulot ng alerhiya sa paghinga (respiratory allergy).[6]
Sa kultura
baguhinSa alamat, kasabihan, at mitolohiyang Pilipino, pinaniniwalaang may maraming enkanto iniuugnay dito tulad ng kapre, tikbalang, babaeng nakaputi, aswang, duwende at iba pa. Gayundin, may ilang naniniwala na sa loob ng mga siwang sa puno isinasagawa ang mga rituwal ng pangungulam.[7] Dagdag pa riyan, nagmumungkahi ang ilang mga matatanda na huwag gawing halamang palamuti sa loob ng bahay ang balete sapagkat nangaakit daw ito ng mga multo.[6] Dahil sa mga paniniwalang ito, kadalasang ginagamit ang balete bilang balangkas sa mga pelikulang Pilipino katatakutan.
Ang Kalye Balete sa distrito ng New Manila, Lungsod Quezon ay ipinangalan mula sa isang higanteng punong balete na dating nakatayo sa gitna ng nasabing lansangan. Sinasabing isa ito sa mga pinakaminumultong pook ng Kamaynilaan. Mula dekada-1950, lumaganap ang mga kuwento ukol sa isang babaeng nakaputi na tumatawag sa mga kotse na dumadaan diyan paggabi.[8]
Mga imahe
baguhin-
Isang balite sa Tagkawayan, Quezon.
-
Sa Costa Rica.
-
Sa Fiji.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ "Ficus benjamina Linn" (PDF). Philippine Bureau of Plant Industry. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-08-12. Nakuha noong 27 Abril 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bonsai Database". Bonsai Kingdom. 4 Pebrero 2010. Nakuha noong 27 Abril 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Bonsai in the Philippines". Bonsai in Asia Guidebook. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Septiyembre 2011. Nakuha noong 27 Abril 2011.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "Ficus Plants—How to Grow Healthy Ficus Trees". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-29. Nakuha noong 2017-02-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Stuart, Godofredo. "Balete". Philippine Medicinal Plants. Nakuha noong 25 Abril 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brillantes, RC (5 Pebrero 2009). "The Mysterious Balete Tree"". the green cloud. Nakuha noong 27 Abril 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Myths Surrounding Balete Drive". Philippine Insider. Nakuha noong 27 Abril 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sightseeing - Nature Areas and Beaches". Discover Aurora. Nakuha noong 29 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.