Hagonoy, Taguig
Ang Barangay Hagonoy (PSGC: 137607005) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Barangay Hagonoy, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
| ||
Rehiyon | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | Renato O. Gutierrez | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Zip Code | 1632 | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Kasaysayan
baguhinAng kinalalagyan ng nayon ay sa gawing silangan at timog at malapit sa baybayin ng Lawa ng Laguna, kung kaya’t kapag nagkakaroon ng baha, ang tubig ay napapalapit sa mga bahayan, bagama’t ang mga ito ay hingi lumulubog.
Sa mga lumang kasaysayan at sangayon din sa mga matatandang naninirahan sa nayon, ang Hagonoy ay maaaring natigilan ng mga Tsino noong mga unang panahon, bago pa dumating ang mga kastila sa Pilipinas. Itong bagay na ito ay napapatunayan sa mga paghuhukay at mayroong mga nakukuhang kagamitan sa pagkain, gaya ng mga mangkok, plato, baso, kopa at iba pa na mayroong tatak Tsino. Tinatayang ang mga kagamitang ito ay sa panahon pa ng Emperador na Intsik na si Ming.
Noong unang Panahon, sinasabing may isang napakalago at naiibang halaman sa nayon na ang pangalan ay “Hagunoy”, kung kaya’t ang nayon ay binigyan ng pangalan sa Hagunoy. Ang laki ng Hagunoy sang-ayon sa senso na ginanap noong unang bahagi ng taon 1980 ay tinatayang isang daan at animnapung (160) ektarya.
Noong unang panahon, ang uri ng mga kabuhayan ng karamihan ng mga tao ay pangingisda dahilan sa malapit sa Laguna de Bay at pagsasaka ng mga bukid kung panahon ng tag-ulan. Sa panahon naman ng tag-araw, kapag ang tubig ng Laguna de Bay, ay umuurong na, maraming mga tao ang nagtatanim ng mga mais, munggo, melon at pakwan. Mayroon din mga naninirahan sa nayon na nagtratrabaho sa kawanihan ng pamahalaan at mga pribadong tanggapan.
Sa kasalukuyan, ang Hagonoy ay marami nang mga propesyonal, gaya ng mga doctor, abogado, inhinyero, kimiko, CPA, parmasyotika, guro, narses, at iba pang propesyon.
Mayroong mga taga Hagonoy na natanyag sa larangan ng pampalakasan, military, at politika tulad ng ating butihing kongressman o mambabatas na si Kgg. Dante Osorio Tiñga na nasa hanay ng isa sa “Ten Outstanding Representative ng 1989” at naging chairman of the House of Committee on Corporation and Franchises. Gayundin po ang ating butihing Alkalde na si Rodolfo P. de Guzman na ang nasa isipan ay mapaunlad ang Taguig.
Sa larangan ng pananampalataya, ang karamihan at tinatayang walumpung porsiyento (80%) ay mga katoliko. Mayroon ding mga Iglesia ni Kristo, Protestante, Aglipay at iba pa.
Edukasyon
baguhin- Fisher Valley School
- Eusebio C. Santos Elementary School
- Ciriaco P. Tiñga Elementary School
- Learning Center of San Miguel
- Taguig Science High School
- East Asia Computer Center
Pamahalaan
baguhinSangguniang Barangay
baguhin- Kapitan: Renato Olazo Gutierrez
- Kagawad ng Barangay:
- Lilibeth G. Bautista
- Armand P. Franco
- Gem Pauline R. Santos
- Armando O. Parce
- Joseph Ryan N. Balagtas
- Rommel R. Olazo
- Donn Kenneth P. Joaquin
- Kalihim: Niño Rudolf C. Pineda
- Ingat-Yaman: Reynaldo J. Austria
Tingnan rin
baguhinMga Sanggunian
baguhin- Barangay Hagonoy, Lungsod ng Taguig Naka-arkibo 2010-01-07 sa Wayback Machine.