Baryang dalawang-piso ng Pilipinas

barya ng Pilipinas na ginawa mula 1861 hanggang 1868 at noong 1983 hanggang 1994

Ang dalawang-pisong barya ng Pilipinas (₱2) ay isang denominasyon ng piso ng Pilipinas. Ito ay ginawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula noong 1983 hanggang 1994, at nawala na ng halaga noong taong 1998.[1]

Dalawang piso
Pilipinas
Halaga2.00 piso ng Pilipinas
Timbang5.00 g
Diyametro23.50 mm
GilidMakinis (Seryeng Flora at Fauna)
Malatinubuan ng tambo (Seryeng Pinahusay na Flora at Fauna)
KomposisyonTanso-nikel (1983–1991)
Hindi kinakalawang na bakal (1991–1994)
Taon ng paggawa1861–1868
1983–1994
Obverse
1994phil2pisorev.jpg
DisenyoCocos nucifera (puno ng buko/niyog), halaga
Petsa ng pagkadisenyo1991
Reverse
1994phil2pisoobv.jpg
DisenyoPangalan ng republika, Andrés Bonifacio, taon ng paggawa.
Petsa ng pagkadisenyo1991

KasaysayanBaguhin

Panahon ng EspanyolBaguhin

Ipinakilala noong taong 1861 ang baryang gintong dalawang-piso noong panahon ng Espanyol, na naglalaman ng 3.38 gramo ng 87.5% pinong ginto. Makikita si Isabel II sa harapan, at ang sagisag ng Espanya na may nakasulat na “REINA DE LAS ESPAÑAS” sa likuran.[2]

KalayaanBaguhin

  • Seryeng Flora at Fauna; Ipinakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 1983 ang baryang dalawang piso na bahagi ng seryeng iyon. Sampunsulok ang hugis ng baryang iyon, mayroong diyametro na 31.0 milimetro at timbang na 12.0 gramo. Makikita sa harapan si Andrés Bonifacio at ang buko/niyog sa likurang bahagi.
  • Seryeng Pinahusay na Flora at Fauna; Makikita pa rin ang parehong disenyo sa harapan at likuran ng baryang iyon, ngunit pinaliit ang diyametro nito sa 23.5 milimetro, at pinagaan ang timbang nito sa 5.0 gramo. Naging bilog ang hugis nito ay gawa sa hindi kinakalawang na bakal sa halip na tanso-nikel.
  • Seryeng BSP; Hindi na isinama ang denominasyong iyon sa seryeng BSP na inilabas noong taong 1995. Tinanggal sa sirkulasyon noong ika-2 ng Enero 1998 ang mga baryang dalawang piso noong seryeng Flora at Fauna at Pinahusay na Flora at Fauna.[1]
Seryeng Flora at Fauna
(1983–1990, 1991–1994)
Harapan
Likuran

Mga sanggunianBaguhin

  1. 1.0 1.1 "Bangko Sentral ng Pilipinas - BSP Notes and Coins - History of Philippine Currency - Demonetized Coins - Improved Flora and Fauna Series". www.bsp.gov.ph (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2021. Nakuha noong 4 Oktubre 2021.
  2. "2 Pesos - Isabella II, Philippines". en.numista.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Oktubre 2021.