Labanan ng Qarqar

(Idinirekta mula sa Battle of Qarqar)

Ang Labanan ng Qarqar (o Ḳarḳar) ay naganap noong 853 BCE nang ang hukbo ng Imperyong Neo-Asirya na pinamunuan ni Shalmaneser III ay naengkwentro ang alyansa ng hukbo ng 11 hari sa Qarqar na pinangunahan ni Hadadezer na tinawag sa wikang Asiryo na Adad-idir at posibleng matutukoy kay haring Benhadad II ng Aram-Damasco at Ahab na hari ng Kaharian ng Israel (Samaria). Ang laban ng Qarqar ay naganap nang mula 853 BCE hanggang 846 CE sa pananakop ng Asirya sa Aram. Ito ay nakatala sa Mga monolitang Kurkh.

Labanan ng Qarqar
Bahagi ng pananakop ng Asirya sa Aram

Kurkh stela ni Shalmaneser na nagsasalaysay ng labanan ng Qarqar
Petsa853 BCE - 846 BCE
Lookasyon
Resulta Ayon kay Shalmaneser III ay nagwagi siya
Mga nakipagdigma
Imperyong Neo-Asirya 12 Kings alliance:
Luwian Kaharian ng Ḥamā
Kaharian ng Israel (Samaria)
Kaharian ng Aram-Damasco
Kaharian ng Ammon
Qedariteng Kaharian ng Arabia
Kingdom of Arwad
Syro-Hittite Kingdom of Quwê
Kingdom of Irqanata
Shianu
Mga kumander at pinuno
Shalmaneser III Hadadezer
Ahab
Irhuleni ng Ḥamā
Gindibu ng Qedar
Baʻsa ng Ammon
Kate ng Quwê
Matinu Baal ng Arwad
Adunu Baal ng Ušnatu
Lakas
35,000, including:[1]
20,000 infantry,
12,000 cavalry,
1,200 chariots,[2]
53,000-63,000 infantry,
4,000 karros,
2,000 Kabalyero,
1,000 kabalyerong kamelyo
Mga nasawi at pinsala
Unk Unknown
Kurkh Shalmaneser III Inscription

Mga sangkot na hari

baguhin
  • 1,200 karro, 1,200 kabalyero, at 20,000 hukbo ni Hadad-Ezer ("Arad-idri") of Damascus;
  • 700 karro, 700 kabalyero, at 10,000 hukbo ni Irhuleni,ang Hamathite;
  • 2,000 karro at 10,000 hukbo ni Ahab na hari ng Kaharian ng Israel (Samaria).(salungat sa 1 Hari 20:27)
  • 500 hukbo ng Byblos;
  • 1,000 hukbo ng Sumur;
  • 10 karro at 10,000 hukbo ng lupain ng Irqanatu;
  • 200 hukbo ni Matinu-Ba'al ng siyudad ng Arvad;
  • 200 hukbo ng lupain ng Usanat;
  • 30 karro ni Adon-Ba'al ng lupain ng Šianu;
  • 1,000 dromedaryo ni Gindibu ng Arabia;
  • ... daan daang hukbo ni Ba'asa ng Bit-Ruhubi na Ammoneo;

Bahagi ng salin

baguhin
Sa mga puwersang suprema na binigay sa akin ni Ashur, ang aking Panginoon kasama ng mga makapangyarihang sandata na may makaDiyos na pamantayan na nauuna sa akin na ipinagkaloob sa akin, aking nilabanan sila. Aking tinalo sila mula sa siyudad ng Qarqar hanggang sa siyudad ng Gilzau. Aking pinutol ng espada ang 14,000 hukbo ng lumalaban na lalake. Gaya ni Hadad, pinaulan ko sila ng isang nakakawasak na delubyo. Aking pinalaganap ang kanilang mga bangkay at pinuno ang kapatagan. Aking pinutol ng espada ang kanilang mga hukbo. Aking pinadanak ang kanilang dugo sa mga wadi. Ang lupain ay sobrang liit sa pagpapatag ng kanilang mga katawan. Ang malawak na tabing nayon ay naubos sa paglibing sa kanila. Aking hinarang ang ilog Orontes ng kanilang mga bangkay gaya ng isang itinaas na daanan. Sa gitna ng laban, aking kinuha ang kanilang mga karro, kabalyero at mga pangkat ng mga kabayo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gabriel, Richard A. (2002). The Great Armies of Antiquity. Greenwood Publishing Group. p. 129. ISBN 978-0-275-97809-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gabriel, Richard A. (2003). The Military History of Ancient Israel. Greenwood Publishing Group. p. 47. ISBN 978-0-275-97798-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)