Laurus nobilis
Ang laurel[1] (Laurus nobilis, Lauraceae; Ingles: bay leaf[1] o bay laurel), na kilala rin bilang true laurel [literal na salin: tunay na laurel], sweet bay, Grecian laurel [laurel ng Gresya], o bay tree, ay isang mabango at laging-lunting puno o malaking palumpong na tumataas hanggang 10–18 m, at katutubo sa rehiyon ng Mediteranyo.
Laurel | |
---|---|
Mga bulaklak at dahon ng Laurus nobilis | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Magnoliids |
Orden: | Laurales |
Pamilya: | Lauraceae |
Sari: | Laurus |
Espesye: | L. nobilis
|
Pangalang binomial | |
Laurus nobilis |
- Para sa ibang gamit, tingnan ang laurel (paglilinaw).
Humahaba ng 6 hanggang 12 cm ang mga dahon na may lapad namang 2 hanggang 4 cm. Katangian na ng mga dahong ito ang pagkakaroon ng mga paliku-liko at makulubot na mga gilid. May lalaki at babae ang mga bulaklak ng halamang ito, na tumutubo sa magkahiwalay na halaman. Mapusyaw na dilawang-lunti ang bawat bulaklak nito na may diyametrong 1 cm, na tumutubong magkapares katabi ng isang dahon. Maliit na maitim ang itsura ng bunga nito na may habang 1 cm, at naglalaman ng isang buto.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Laurel, bay leaf". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Laurus nobilis " ng en.wikipedia. |
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.