Bell Trade Act
Ang Bell Trade Act of 1946 o Philippine Trade Act ang aktong ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos na naglalatag ng mga kondisyon para sa mga kaugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos na nangyari noong 4 Hulyo 1946.
Ang Kongreso ng Estados Unidos ay nag-alok ng $800 milyon para sa muling pagtatayo ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung ang parity clause at Bell Trade Act ay pagtitibayin ng Kongreso ng Pilipinas na pinagtibay nito noong 2 Hulyo 1946. Kabilang sa mga tadhana nito ang mga preperensiyal na taripa sa susunod na 20 taon, pagtatakda ng mga quota sa mga iniluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos, malayang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas sa 8 taon, pagtatakda na ang dalawang piso ay katumbas ng isang dolyar,[1] ang pamahalaan ng Pilipinas ay obligadong maglagay ng mga restriksiyon sa paglilipat ng salapi mula Pilipinas tungo sa Estados Unidos, isang parity clause na nagbibigay sa mga mamamayan ng Estados Unidos ng pantay na karapatan gaya sa mga Pilipino sa paggamit o pagkuha ng mga mineral, kagubatan at iba pang mga natural na mapagkukunan ng Pilipinas.
Ang parity clause ay nangangailangan ng amiyenda sa ika-13 artikulo ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 na nagrereserba lamang para sa mga Pilipino sa paggamit ng mga natural na mapagkukunan ng Pilipinas. Ang amiyenda ay matatamo lamang sa pagpapatibay ng 3/4 ng mga kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado at isang plebisito. Ang pagtanggi sa pagbibigay ng mga upuan sa anim na kasapi ng maka-kaliwang Democratic Alliance at tatlong kasapi ng partido Nacionalista dahil sa pandaraya at marahas na pangangampanya ay pumayag kay Manuel Roxas na makuha ang pagpapatibay ng parity clause ng lehislatura.[2] Ang parity clause ay kinondena ng mga makabayang Pilipino. Ang Bell Trade Act ay nagtapos noong 1954 at pinalitan ng binagong kasunduang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas o ang Kasunduang Laurel-Langley noong 1955.