Saligang Batas ng Pilipinas
Ang Saligang Batas ng Pilipinas o Konstitusyon ng Pilipinas ay ang kataas-taasang batas ng Pilipinas.
Ang kasalukuyang Saligang Batas ng Pilipinas ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 na pinagtibay noong 2 Pebrero 1987 sa ilalim ni Corazon Aquino sa isang plebisito kung saan ang higit sa 3/4 o 76.37% ng mga humalal (17,059,495) ang sumang-ayon dito, laban sa 22.65% (5,058,714) na bumutong tutol sa pagpapatibay nito. Ito ang pumalit sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973 na pinagtibay sa ilalim ni Ferdinand Marcos.
Panimula
baguhinIto ang panimula ng kasalukuyang Saligang Batas ng 1987:
"Kami, ang makapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingî ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan na kakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para sa aming sarili at ang kanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito."[1]
Mga naunang Saligang Batas ng Pilipinas
baguhinSaligang batas ng La Liga Filipina
baguhinAng isang maikling buhay na saligang batas na hinanda ng makabayang si Jose Rizal para sa samahang La Liga Filipina ngunit nabuwag nang si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan.
Saligang Batas ng Biak-na-Bato (1897)
baguhinAng himagsikang Katipunan ay nagdulot ng pagpupulong Tejeros kung saan ang unang pampangulo at pang ikalawang pangulong mga halalan ay isinagawa noong 22 Marso 1897 sa San Francisco de Malabon, Kabite. Gayunpaman, tanging mga kasapi lamang ng Katipunan ang nakalahok at hindi ang buong mamamayan. Ang kalaunang pagpupulong ng rebolusyonaryong pamahalaan na isinagawa noong 1 Nobyembre 1897 sa Biak-na-Bato sa bayan ng San Miguel de Mayumo sa Bulacan ay lumikha ng Republika ng Biak-na-Bato. Ang republikang ito ay may saligang batas na isinulat nina Isabelo Artacho at Félix Ferrer at binatay sa unang Saligang Batas ng Cuba. Ito ay nakilala bilang "Constitución Provisional de la República de Filipinas" (Pansamantalang Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas) at orihinal na isinulat at pinalaganap sa mga wikang Kastila at Tagalog.
Saligang Batas ng Malolos (1899)
baguhinAng Saligang Batas ng Malolos ang unang republikanong saligang batas sa Asya. Ito ay naghayag ang soberanya ay eksklusibong tumatahan sa mga tao, nagsaad ng mga pangunahing karapatang pantao, naghiwalay ng simbahan at estado at tumawag para sa pagkakalikha ng Kapulungan ng mga Kinatawan na umasal bilang katawang lehislatibo. Ito ay tumawag rin para sa isang anyong pampanguluhan ng pamahalaan na ang pangulo ay inihahalal ng mayoridad ng kapulungan para sa isang termino ng apat na taon. Ito ay pinamagatang "Constitución política" at isinulat sa Kastila kasunod ng kalayaan mula sa Espanya at pinroklama noong 20 Enero 1899. Ito ay isinabatas at pinagtibay ng Kongresong Malolos na isinagawa sa Malolos, Bulacan.
Mga Akto (batas) ng Kongreso ng Estados Unidos
baguhinAng Pilipinas ay naging Teritoryo ng Estados Unidos mula 10 Disyembre 1898 hanggang 24 Marso 1934. Dahil dito, ang Pilipinas ay nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng pederal na pamahalaan ng Estados Unidos sa mga panahong ito. Ang dalawang akto (batas) ng Kongreso ng Estados Unidos na ipinasa nang panahong ito ay maaaring ituring na mga Saligang Batas ng Pilipinas dahil ang mga aktong ito ay naglarawan ng pundamental na mga prinsipyong pampolitika at lumikha ng istraktura, mga pamamaraan, mga kapangyrihan at mga tungkulin ng pamahalaan ng Pilipinas.
The Philippine Organic Act of 1902
baguhinAng Philippine Organic Act of 1902 na minsang tinatawag na "Philippine Bill of 1902" ang unang organikong batas para sa Pilipinas na isinabatas ng Kongreso ng Estados Unidos. Ito ay nagbibigay ng pagkakalikha ng hinalal ng mga taong Kapulungan ng Pilipinas at tumukoy na ang lehilatibong kapangyarihan ay ibibigay sa isang bikameral na lehislatura na binubuo ng Komisyong Pilipino (mataas na kapulungan) at Asembleyang Pilipino (mababang kapulungan). Ang mga pangunahing probisyon nito ay kinabibilangan ng listahan ng mga karapatan (bill of rights) para sa mga Pilipino at pagkahirang ng dalawang hindi bumobotong residenteng komisyoner na kakatawan sa Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.
The Philippine Autonomy Act of 1916
baguhinAng Philippine Autonomy Act of 1916 na minsang tinatawag ring "Batas Jones" ay nagbago ng istraktura ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-aalis ng Komisyong Pilipino bilang mataas na kapulungan ng lehislatura at pinalitan ng senado na hinalal ng mga botanteng Pilipino. Ang aktong ito ay hayagang nagsaad na palaging layunin ng Estados Unidos na hugutin ang soberenya nito sa Pilipinas at kilalanin ang independiyente ng Pilipinas sa madaling panahon na ang isang matatag ng pamahalaan ng Pilipinas ay maitatag.
Bagaman hindi saligang batas sa sarili nito, ang Tydings-McDuffie Act of 1934 ay nagbigay ng kapangyarihan at naglarawan ng mga mekanismo para sa pagkakalikha ng isang pormal na saligang batas sa pamamagitan ng isang konbensiyong konstitusyonal.
Saligang Batas ng 1935 (Komonwelt at Ikatlong Republika)
baguhinIsinulat ang Saligang Batas 1935 noong 1934, at pagsasaád ng Komonwelt ng Pilipinas (1935-1946) at ginamit sa Ikatlong Repulika ng Pilipinas (1946-1972).
Itinadhana ang orihinal na Saligang Batas 1935 para sa isang Kongreso na may isang Kapulungan ng mga Kinatawan. Sinusugan ito noong 1940 upang magkaroon ng parehong Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa saligang batas na ito, may hangganan ang Pangulo sa terminong apat na taon at maaari lamang maupo sa dalawang termino.
Isang Pagpupulong ng Saligang Batas ang ginanap noong 1971 upang baguhin ang Saligang Batas ng 1935. Nabahiran ang pagpupulong ng mga pagsuhol at korupsiyon. Marahil ang pinakakontrobersiyal ang isyu ng pagtanggal sa hangganan ng termino ng isang pangulo dahil sa gayon maaaring tumakbo si Ferdinand Marcos sa ikatlong termino. Sa anumang usapin, sinuspinde ng pagpapahayag ng batas militar ang Saligang Batas 1935.
Saligang Batas ng 1943 (Ikalawang Republikang Sinang-ayunan ng mga Hapon)
baguhinPinagtibay ang 1943 Saligang Batas noong Ikalawang Republika (1943-1945) sa panahon ng pananakop ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hinirang si Jose P. Laurel bilang pangulo dahil tinitingala siya ng mga Hapon sa pagpuna niya sa paraan ng pamamalakad ng Estados Unidos sa Pilipinas at dahil may titulo siya sa Tokyo International University.
Nagbigay ng matibay na tagapagpaganap ang 1943 Saligang Batas. Binubuo ito ng mga tagapagbatas sa Pambansang Kapulungan at iyon lamang mga di sang-ayon sa Estados Unidos ang kinukunsidera para ihalal, bagaman karamihan hinihirang ang mga tagapagbatas sa halip na inihalal.
Naging instrumento ng mga Hapon ang 1943 Saligang Batas upang gawing lehitimo ang pagsakop nila sa pamamagitan ng papet na pamahalaang Pilipinas.
Saligang Batas ng 1973 (Panahon ng Batas Militar at Bagong Republika)
baguhinIpinakilala ang Saligang batas 1973 bilang parliamentong-uri ng pamahalaan. Ipinagkaloob ang kapangyarihan ng tagapagbatas sa isang Pambansang Kapulungan na hinahalal ang mga kasapi sa anim na taong termino. Inihalal ang Pangulo bilang masagisag na pinuno ng estado mula sa mga Kasapi ng Pambansang Kapulungan at maaaring mahalal ng ilang ulit. Kapag nahalal, hindi na kasapi ang Pangulo sa Pambansang Kapulungan. Sa panahon ng termino, hindi pinapahihintulang maging kasapi ng isang partidong pampolitika o maupo sa puwesto ng ibang tanggapan. Nasa Punong Ministro ang kapangyarihan ng tagapagpaganap na inihalal ng mga Kasapi ng Pambansang Kapulungan. Ang Punong Ministro ang pinuno ng pamahalaan at Punong Tagapag-utos ng hukbong sandatahan. Binago ng ikatlong ulit ang saligang batas na ito.
Susog ng 1981
baguhinNoong 1981, itinatag muli ang parliamentong anyo ng pamahalaang kasama ang diretsong pagboto ng mga tao sa pangulo.
Pagkakalikhâ ng Saligang Batas ng 1987
baguhinKasunod ng Himagsikang People Power na nagpatalsik kay Ferdinand Marcos at kasunod ng kaniyang inaugurasyon, si Corazon Aquino ay nagpahayag ng Prokalamasyon Blg. 3 noong Marso 1986 na nagdedeklara ng pambansang patakaran upang ipatupad ang mga repormang minandato ng mga tao, magprotekta ng kanilang mga pangunahing karapatan, pagtanggap ng isang pansamantalang saligang batas, at pagbibigay ng maayos na salin sa isang pamahalaang nasa ilalim ng bagong saligang batas. Kalaunan ay nag-isyu si Pangulong Corazon Aquino ng Proklamasyon Blg. 9 na lumilikha ng isang komisyong konstitusyonal (na pinaikling "ConCom") upang ibalangkas ang isang bagong saligang batas na magpapalit sa Saligang Batas ng 1973 na ipinatupad noong panahon ng batas militar sa ilalim ni Marcos. Humirang si Aquino ng 50 kasapi sa komisyon. Ang mga kasaping ito ay hinugot mula sa iba't ibang mga karanasan kabilang ang ilang mga dating kongresista, dating hepeng hustisya ng Korte Suprema ng Pilipinas na si Roberto Concepcion, isang obispong Katoliko at direktor ng pelikulang si Lino Brocka. Si Aquino ay sadyang humirang din ng 5 kasapi nito kabilang ang dating Ministro ng Empleyo na si Blas Ople na dating kaalyado ni Marcos hanggang sa pagpapatalsik dito. Pagkatapos magtipon ang komisyon, hinalal nitong pangulo si Cecilia Muñoz-Palma na umahon bilang pangunahing pigura sa oposisyong laban kay Marcos kasunod ng pagreretiro ni Muñoz-Palma bilang unang babaeng kasamang mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.
Tinapos ng komisyon ang burador ng dokumento sa loob ng apat na buwan matapos itong magtipon. Ang ilan sa mga isyu ay mainit na pinagdebatehan sa mga sesyon kabilang ang anyo ng pamahalaan na kukunin, pagbuwag ng parusang kamatayan, ang patuloy na pagpapanatili ng base militar ng Estados Unidos sa Clark at Subic, at ang integrasyon ng mga patakarang pang-ekonomika sa saligang batas. Lumisan si Brocka sa komisyon bago ang pagkukumpleto nito at ang dalawa pang ibang mga delegado ay tumutol sa huling burador nito. Nakumpleto ng ConCom ang trabaho nito noong 12 Oktubre 1986 at inihain ang burador ng Saligang Batas kay Pangulong Corazon Aquino noong 15 Oktubre 1986. Pagkatapos ng yugto ng pambansang pangangampanya ng impormasyon, ang isang plebisito para sa pagpapatibay nito ay isinagawa noong 2 Pebrero 1987. Higit sa 3/4 o 76.37% ng mga botante (17,059,495 botante) ang bumoto ng pabor dito at 22.65% (5,058,714 botante) ang bumoto ng laban sa pagpapatibay nito. Noong 11 Pebrero 1987, ang bagong konstitusyon ay pinroklamang napagtibay at pinatupad. Sa parehong araw, si Corazon Aquino, ang mga iba pang opisyal ng pamahalaan at Pwersang sandatahan ng Pilipinas ay sumumpa ng katapatan sa saligang batas.