Makatwirang bilang
Sa matematika, ang makatwirang bilang o numerong rasyonal (Ingles:rational number) ay isang bilang na maisusulat bilang isang praksiyon (bahagimbilang o hatimbilang). Lahat ng rasyonal na bilang ay tunay na bilang, at maaaring positibong bilang o negatibo. Ang isang bilang na hindi makatwiran o rasyonal ay tinatawag na numerong irasyonal o di-makatwirang bilang. Karamihan sa mga bilang na kinakaharap ng mga tao sa pang-araw-araw na buhay ay rasyonal. Kasama rito ang mga praksiyon at mga intedyer o buumbilang.
Pagsusulat ng mga makakatwirang bilang
baguhinAnyong praksiyon
baguhinLahat ng mga makakatwirang bilang ay maisusulat bilang isang praksiyon. Gawing halimbawa ang 1.5. Maaari itong isulat na , , o .
Kasama sa marami pang mga halimbawa ng mga praksiyon na makakatwirang bilang ang , , at .
Nagwawakas na mga desimal
baguhinAng nagwawakas, nagtatapos, tumitigil, o humihintong desimal ay isang desimal na may partikular na bilang ng mga tambilang (digit sa Ingles) sa kanan ng tuldok na desimal. Halimbawa ng mga ito ang 3.2, 4.075, at -300.12002. Lahat ng mga ito ay makatwiran.
Paulit-ulit na mga desimal
baguhinAng isang desimal na paulit-ulit ay isang desimal na kung saan may mga walang katapusang maraming mga tambilang sa kanan ng tuldok na desimal, subalit sumusunod sila sa isang paulit-ulit na pasimundan o padron. Isang halimbawa nito ay ang . Bilang isang desimal, isinusulat ito na 0.3333333333... Ang mga tuldok o elipsis ay nagsasabi na ang bilang na 3 ay umuulit.
Kung minsan, isang pangkat ng mga tambilang ang umuulit. Isang halimbawa ang . Bilang isang desimal, isinusulat ito na 0.09090909... Sa ganitong halimbawa, ang pangkat ng mga tambilang na 09 ang paulit-ulit.
Gayundin, kung minsan ang mga tambilang ay umuulit pagkaraan ng ibang pangkat ng mga tambilang. Isang halimbawa ang . Isinusulat ito na 0.16666666... Sa ganitong halimbawa, ang tambilang na 6 ang nauulit, kasunod ng tambilang na 1.
Kapag sinubukan ito sa kalkulador, paminsan-minsan itong maaaring gumawa ng isang kamalian sa pagbubuo o kamalian sa pag-ra-round off sa hulihan. Halimbawa, maaaring ipakita ng kalkulador na ang , kahit na walang 7. Binubuo nito ang 6 sa hulihan magpahanggang 7.
Di-makatwirang mga bilang
baguhinAng mga tambilang pagkaraan ng tuldok na desimal sa loob ng isang irasyonal o di-makatwirang bilang ay hindi umuulit. Halimbawa, ang unang mangilan-ngilang mga tambilang ng π (Pi) ay 3.1415926535... Hindi umuulit ang mga tambilang, at hindi uulit kaylanman, gaano mang kalayo ang marating sa kanan ng tuldok ng desimal.
Aritmetika
baguhin- Kapag nagdaragdag o nagbabawas ng dalawang makatwirang bilang, palaging makakakuha ng ibang makatwirang bilang.
- Kapag nagpaparami ng dalawang makatwirang bilang, palaging makakakuha ng ibang makatwirang bilang.
- Kapag hinahati ang makakatwirang mga bilang, palaging makakakuha ng ibang makatwirang bilang, basta't hindi hinahati sa pamamagitan ng sero.
- Magkatumbas ang dalawang makakatwirang mga bilang na at kung ang