Biyopisika

(Idinirekta mula sa Biophysics)

Ang biyopisika (Ingles: biophysics) ay isang agham na ginamit upang pag-aralan ang biyolohiya, ang agham ng buhay at mga bagay na may buhay. Hindi katulad ng biyokimika at biyolohiyang molekular na mga agham na nag-aaral ng mga makromolekula o mga "malalaking" pangkat ng mga molekula, pinag-aaralan ng mga biyopisisista o mga biyopisiko ang iisa o maliliit na mga pangkat ng mga molekula.

Isa din agham na interdisiplinaryo ang biyopisika na nilalapat ang kapamaraanan na tradisyunal na ginagamit sa pisika upang pag-aralan ang kahanga-hangang nagaganap sa biyolohiya.[1][2][3] Sinasakop ng biyopisika ang lahat ng sukat ng organisasyong pambiyolohiya, mula sa molekular hanggang organismiko at mga populasyon. Sumasanib ang pananaliksik biopisikal sa biyokimika, biyolohiyang molekular, kimikang pisikal, pisiyolohiya, nanoteknolohiya, biyoinhenyeriya, biyolohiyang kompyutasyonal, biyomekanika, biyolohiyang pagsusulong at biyolohiya ng mga sistema.

Biyomekanika

baguhin

Ang biyomekanika ay sangay ng biyopisika na pinag-aaralan ang kaayusan ng mga sistemang biyolohikal tulad ng tao, hayop, halaman at selula sa pamamaraan ng mekanika. Pinag-aaralan din sa biyomekanika ang paggana at mosyon ng aspetong mekanikal ng mga sistemang pambiyolohiya, sa kahit anumang antas mula sa buong mga organismo hanggang mga organo, sihay at organulo ng sihay,[4] gamit pa rin ang mga pamamaraan ng mekanika.[5]

Ang biyomekanika ay may malapit na relasyon sa inhinyeriya dahil madalas nitong ginagamit ang mga tradisyonal na agham pang-inhinyeriya para suriin ang mga sistemang biyolohiko. Ang nilapat na mekanika, lalo na ang mga disiplina ng inhinyeriyang mekanikal, ay may prominenteng papel sa pag-aaral ng biyomekanika.

Ang pag-aaral ng biyomekanika ay umaabot sa pinakaloob na parte ng selula hanggang sa pagbuo ng iba’t ibang parte ng katawan, pati na rin sa katangiang mekanikal ng malambot na tisyu, at buto. Ang ibang simpleng halimbawa ng biyomekanikang pananaliksik ay ang pagsisiyasat sa puwersa na kumikilos sa mga parte ng katawan ng mga organismo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Biophysics | science". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-26.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Zhou HX (Marso 2011). "Q&A: What is biophysics?". BMC Biology (sa wikang Ingles). 9: 13. doi:10.1186/1741-7007-9-13. PMC 3055214. PMID 21371342.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "the definition of biophysics". www.dictionary.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. R. McNeill Alexander (2005) Mechanics of animal movement, Current Biology Bolyum 15, Isyu 16, 23 Agosto 2005, Mga Pahina R616-R619. doi:10.1016/j.cub.2005.08.016 (sa Ingles)
  5. Hatze, Herbert (1974). "The meaning of the term biomechanics". Journal of Biomechanics (sa wikang Ingles). 7 (12): 189–190. doi:10.1016/0021-9290(74)90060-8. PMID 4837555.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)