Birhen ng Guadalupe

Tungkol ito sa larawan ng Birhen ng Guadalupe ng Mehiko, para sa istatuwa ng Espanya, tingnan ang Birhen ng Guadalupe (Ekstremadura).

Ang Mahal na Ina ng Guadalupe o Birhen ng Guadalupe (Kastila: Nuestra Señora de Guadalupe, Virgen de Guadalupe; Ingles: Our Lady of Guadalupe, Virgin of Guadalupe, o "Ang Ating Ina ng Guadalupe") ay isang ika-16 dantaon at Romano Katolikong wangis na larawan ng Birheng Maria kung kailan nagpakita ito kay San Juan Diego sa burol ng Tepeyak sa Mehiko.[1] Ito ang pinakamamahal na relihiyoso at pang-kalinangang imahen ng Mahal na Birhen, at kilala rin sa Mehiko bilang La Virgen Morena o "Ang Kayumangging Birhen". Isang mahalaging sagisag ng kultura ng katauhang Mehikano ang Birhen ng Guadalupe. Pangalawa sa pinakabinibisitang dambanang Romano Katoliko sa mundo ang Basilika ng Ina ng Guadalupe na nasa Lungsod ng Mehiko, kasunod ng Basilika ni San Pedro ng Lungsod ng Vatican.

Larawan ng Birhen ng Guadalupe.

Pagpapakita

baguhin

Naganap ang aparisyon kay Juan Diego, isang Indiyanong Aztec, sa Mehiko sa kontinente ng mga Amerika noong 1531. Sa kaganapang iyon, bilang pagpapatunay ng kaniyang katauhan, ipinahintulot ng Ina ng Guadalupe na palitawin ang isang larawan niya sa balabal ni Juan Diego. Sa lumaon, ipinagpatuloy ng Mahal na Birhen ang pagpapanatili ng sariling-larawan. Nananatili at buo pa rin ito sa kasalukuyan, bagaman iginuhit sa isang mahinang-klaseng materyal na dapat sanang madaling-nasira sa loob ng matagal na panahon, mga apat na taon na ang nakalilipas. Dinadambana ito sa Basilika ng Ina ng Guadalupe malapit sa Lungsod ng Mehiko, sa mismong pook ng mga pagpapakita ng Birhen ng Guadalupe. Ito ang sinabi ng Birhen ng Guadalupe kay Juan Diego noon: Madalian kong iniibig ang pagtatayo ng isang templo rito... upang maging saksi sa aking pagmamahal at pagkamaawain, pagbibigay ng lunas at panananggalang. Sapagkat isa akong mahabaging Ina sa lahat ng umiibig sa akin at mga nagtitiwala sa akin at humihingi ng aking pagtulong. Pakikinggan ko ang kanilang mga pagtangis at pagsusumamo nang mabigyan ko sila ng kalinga at pahinga.[2]

Kapistahan

baguhin

Ipinagdiriwang ang kapistahan ng Ina ng Guadalupe tuwing Disyembre 12, na umaalala sa kaniyang mga pagpapakita kay Juan Diego mula Disyembre 9 hanggang Disyembre 12, 1531.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Polyetong dasalan para sa Our Lady of Guadalupe at ng Divine Mercy (Ingles)
  2. "Our Lady of Guadalupe," isang polyetong dalanginan, Our Lady of Guadalupe Abbey, Oregon. Isinalin ang sipi mula sa Ingles na: (...) "I urgently desire a temple to be built here... to bear witness to my love and compassion, my succor and protection. For I am a merciful Mother to all who love me and trust me and invoke my help. I will hear their weepings and supplications that I may give them consolation and relief."(...)
  3. Lee, G., Shrine of Guadalupe, Catholic Encyclopedia (1913), Wikisoure.org (Ingles)

Mga kawing panlabas

baguhin

19°29′04″N 99°07′02″W / 19.48444°N 99.11722°W / 19.48444; -99.11722