Biyadukto ng Patapat

Ang Biyadukto ng Patapat (Patapat Viaduct) ay isang biyadukto o mahabang tulay sa baybaying-dagat na bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte sa pinakahilagang dulo ng pulo ng Luzon, Pilipinas.

Biyadukto ng Patapat
Patapat Viaduct

Nagdadala ng dalawang landas ng N1 / AH26 (Lansangang Maharlika) (isang landas sa bawat direksiyon)
Tumatawid sa Look ng Pasaleng
Pook Pagudpud, Ilocos Norte
Pinanatili ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH)
Disenyo Biyadukto
Materyales Kongkreto
Kabuuang haba 1,300 m (1,400 yd)
Taas 31 m (102 tal)
Mga koordinado 18°34′31″N 120°53′43″E / 18.57528°N 120.89528°E / 18.57528; 120.89528

Naka-angat ito 31 metro sa ibabaw ng lebel ng dagat ang tulay. Isa itong kongkreto at baybaying-dagat na tulay na may habang 1.3 metro at nag-uugnay ng Lansangang Maharlika mula Rehiyong Ilocos papuntang Lambak ng Cagayan. Dumadaan ito sa mga pambaybaying-dagat na kabundukan na simulang punto ng Kabundukan ng Cordillera na tumatahak sa Hilagang Luzon. Ito ay panlimang pinakamahabang tulay sa Pilipinas.

Biyadukto ng Patapat sa tabi ng Look ng Pasaleng

Kasaysayan

baguhin

Itinayo ng Hanil Development Co. Ltd. ang tulay sa ilalim ng pangkalahatang pangangasiwa ng DPWH-PMO-PJHK. Nakompleto at binuksan para sa trápiko noong Oktubre 1986.

Mga kawing panlabas

baguhin