Born to Win (album)

Ang Born to Win ay ang debut studio album ng Filipino girl group na Bini. Ito ay inilabas ng record label na ABS-CBN Star Music noong Oktubre 14, 2021. Ang album na ito ay naglalaman ng mga 12 kanta, kasama ang "Golden Arrow" bilang carrier single nito, limang iba pang mga bagong kanta na "B HU U R" na na-feature na mangangawit na si Kritiko, "Na Na Na", "Kinikilig", "8" at "Here With You", apat na pandaigdigang bersyon ng kanilang debut single ng grupo sa wikang Indones, Hapones, Espanyol at Tailandes, kasama ang kanilang mga trademark na kanta na "<i>Born to Win</i>" at "<i>Kapit Lang</i>". Ipinagdiriwang ng lyrical content ng album na ito ang pag-ibig, pagiging positibo at pagbibigay-kapangyarihan.

Born to Win
Studio album - Bini
InilabasOktubre 14, 2021
Isinaplaka2021
Uri
Haba39:41
Wika
TatakStar Music
Bini kronolohiya
Born to Win (2021) Feel Good (2022)

Nag-debut ang album na ito at tumuktok sa ikaunang pwesto sa iTunes Albums Chart sa Pilipinas. Nakatsart din ito sa mga bansang Taylandiya at Hong Kong.

Sanligan at pagpapalabas

baguhin

Ito ay sa panahon ng opisyal na pasinaya ng grupo noong Hunyo 11, 2021, isang araw bago ang Araw ng Kalayaan sa Pilipinas nang gumawa ng pahayag ang pinuno ng ABS-CBN Entertainment na si Laurenti Dyogi sa mga paparating na proyekto ng grupo at ng kapatid nitong grupong BGYO sa kanilang mga full-length na album, merchandise at ang "One Dream: The BINI x BGYO Concert".[1] Noong Setyembre 28, 2021, inanunsyo ng opisyal na account ng hatirang pangmadla ng grupo ang mga talaorasan (iskedyul) at ang paglabas ng kanilang debut album.[2] Ang tracklist ng album na ito ay inihayag noong Oktubre 3, 2021 at ang audio sampler noong Oktubre 12, 2021.[3]

Noong Oktubre ng taong 2024, ang album na ito ay umabot na sa mahigit 100 milyong streams sa Spotify.[4] Noong ika-31 ng Oktubre ng parehong taon ay inanunsyo ng Backspacer Records na ang Born to Win, kasama ang iba pang album ng Bini, ang Feel Good, at ang debut extended play na Talaarawan, ay ipapalabas bilang mga <i>vinyl record</i> sa Disyembre ng taong 2024 bilang bahagi ng kanilang pakikipagtulungan sa record label na ABS-CBN Star Music.[5][6]

Komposisyon

baguhin

Umaasa kami na sila(ng) [mga tagapakinig] ay maging inspirasyon sa pakikinig sa mga kanta ng BINI. Umaasa kami na maramdaman rin nila [mga tagapakinig] ang kanilang paglalakbay at hindi lamang marinig o makita ang kanilang paglalakbay [sa buhay].

— Lian Kyla, songwriter—"Kapit Lang" and "Here With You", Bandwagon Asia [7]

Fineflex ng P-Pop group na BINI ang vocal complexity, thematic maturity, at moving sentiments sa kanilang debut studio album, Born to Win. [Ito] ay isang well-crafted at well-intended na debut album na maaaring nagsilbi sa BINI ng mas maayos at mas malakas na take-off sa pag-abot sa isang mas mataas na antas sa kanilang mabilis na pag-unlad na karera. Ang kanilang mabalahibo at nababaluktot na mga boses ay tunay na mahiwagang mga asset na ginagawang kapansin-pansin ang buong 12-track album na ito, ngunit kung ano ang ibinibigay ng kanilang mga kanta ay isang mas may-katuturang goldmine.

— JE CC, Lionheartv.net[8]

Totoo sa pangalan nito, nais ng debut album ng BINI na Born to Win na iparamdam sa nakikinig na kaya nilang harapin ang anumang hamon sa buhay. Isa itong mahusay na pagkakagawa ng album. Ang paggalugad ng grupo sa tunog ng funk at disco ay talagang nababagay sa kanila at ang mga vocal ng grupo ay napakaganda, as in nagsilbi sila sa departamentong iyon.

— Rafael Bautista, Nylon Manila[9]

Mga single

baguhin

Ang Born to Win ay may mga tatlong single. Ang debut single, "Born to Win", ay inilabas noong Hunyo ng taong 2021. Ang music video ng "Born to Win" ay nakatanggap ng mas higit pa sa 200 libong views sa YouTube sa unang 24 na oras ng paglabas nito, na ginagawa itong pinakamabilis sa mga debut music video ng anumang grupo sa genre ng P-pop.[10] Isang buwan ang nakalipas noong Hulyo ng parehong taon, isang maxi single ng kantang "Born to Win" ang inilabas na nagtatampok ng mga bersyong <i>instrumental</i>, Latin, EDM, <i>string quartet</i> at <i>acapella</i>. Noong Setyembre ng 2021 ay pinatugtog ang kanta sa preliminary competition at ginanap sa koronasyon ng Miss Universe Philippines 2021. Ang kanilang kantang "Kapit Lang" ay inilabas noong parehong buwan na iyon bilang ikatlong single ng grupo at inilabas bilang ikaanim na single ng album. Ang kantang "Golden Arrow" ay inilabas noong Oktubre ng taong 2021 bilang pangalawang single at key track ng album.[11]

Listahan ng mga kanta sa album

baguhin

Ang lahat ng mga kredito ng kanta ay inangkop mula sa sampler ng album na inilabas ng label ng Bini na ABS-CBN Star Music sa YouTube, maliban kung iba ang nabanggit.[12]   Mga kanta at durasyon:

  1. "Born to Win" (2:53)
  2. "Golden Arrow" (3:47)
  3. "B HU U R (kasama ang Kritiko)" (3:31)
  4. "Na Na Na" (4:11)
  5. "Kinikilig" (3:35)
  6. "Kapit Lang" (2:49)
  7. "8 (Walo)" (3:46)
  8. "Here With You" (3;32)
  9. "Born to Win - Bersiyong Indones" (2:53)
  10. "Born to Win - Bersiyong Hapones" (2:53)
  11. "Born to Win - Bersiyong Tailandes" (2:53)
  12. "Born to Win - Bersiyong Espanyol" (2:53)

Kabuoang durasyon: 39:41 (39 na minuto at 41 segundo)

Mga karangalan at nominasyon

baguhin
Seremonya ng parangal taon Kategorya Nominadong trabaho Resulta Ref.
Awit Awards 2022 Best Music Video "Born to Win"| style="background: #FDD; color: black; vertical-align: middle; text-align: center; " class="no table-no2"|Nominado [13]
Best Performance by a New Group Recording Artist| style="background: #FDD; color: black; vertical-align: middle; text-align: center; " class="no table-no2"|Nominado
People's Voice Favorite Song "Na Na Na"| style="background: #FDD; color: black; vertical-align: middle; text-align: center; " class="no table-no2"|Nominado
RAWR Awards 2021 Song of the Year "Born to Win"| style="background: #FDD; color: black; vertical-align: middle; text-align: center; " class="no table-no2"|Nominado [14]
Wish Music Awards 2021 Wish Pop Song of the Year "Born to Win"| style="background: #FDD; color: black; vertical-align: middle; text-align: center; " class="no table-no2"|Nominado [15]
2022 Wish Pop Song of the Year "Golden Arrow"| style="background: #FDD; color: black; vertical-align: middle; text-align: center; " class="no table-no2"|Nominado [16]
TikTok Awards Philippines 2023 Song of the Year "Na Na Na"| style="background: #FDD; color: black; vertical-align: middle; text-align: center; " class="no table-no2"|Nominado [17]

Kasaysayan ng paglabas

baguhin
Bansa Petsa Format Label
Various Oktubre 14, 2021 Digital na pag-download Star Music

Mga sanggunian

baguhin
  1. "BINI, BGYO to team up for concert this year". news.abs-cbn.com. 2021-06-14. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-10-12. Nakuha noong 2021-10-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Daniel Peters (2021-09-30). "P-pop groups BINI and BGYO announce upcoming debut albums". nme.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-10-12. Nakuha noong 2021-10-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "BINI Reveals Album Tracklist & Sneak Peak of Next Single". onemusic.ph. 2021-10-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-08. Nakuha noong 2021-11-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "BINI's 'Born To Win' album reaches 100 million streams on Spotify". ABS-CBN. Oktubre 2, 2024. Nakuha noong Oktubre 2, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Saulog, Gabriel (2024-10-31). "BINI To Release Complete Discography On Vinyl". Billboard Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "BINI to release 3 albums on vinyl". ABS-CBN News. 2024-10-31. Nakuha noong 2024-10-31.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Lian Kyla_Songwriting for BGYO and BINI); $2
  8. JE CC (Oktubre 15, 2021). "BINI's "Born to Win" album review: Fresh, invigorating, and inspiring!". lionheartv.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-08. Nakuha noong 2021-11-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Rafael Bautista (2021-10-21). "IN BINI'S DEBUT ALBUM, BORN TO WIN, THEY WANT YOU TO BELIEVE IN YOURSELF". nylonmanila.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-08. Nakuha noong 2021-11-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Lion's Den (Hunyo 15, 2021). "BINI's 'Born to Win' music video reaches over 400k views on YouTube" (sa wikang Ingles). lionheartv.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-08. Nakuha noong 2021-06-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "BINI's "Golden Arrow", 3rd Single from iTunes PH's number one album, "Born to Win"". lionheartv.net (sa wikang Ingles). Oktubre 19, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-10. Nakuha noong 2021-11-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Nino Llanera (2021-10-04). "BINI Releases Track List For Debut Album "Born to Win"". myx.global. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-07. Nakuha noong 2021-11-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "PARI partners with MYX in announcing 35th AWIT Awards Nominees". Manila Bulletin. 2022-09-26. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-09-27. Nakuha noong 2022-09-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "RAWR Awards is all set for Another Bigger, Broader Scope of Awards this 2021". LionhearTV. Oktubre 17, 2021. Nakuha noong Oktubre 19, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Here's how you can vote for your favorite artists at the 34th Awit Awards". Wish 107.5. 2021-11-15. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-15. Nakuha noong 2021-11-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Severo, Jan Milo (Enero 23, 2023). "LIST: Regine Velasquez, SB19 big winners at 8th Wish Music Awards". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 3, 2024. Nakuha noong Agosto 23, 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "TikTok unveils nominees for third awards show in the Philippines". adobo Magazine (sa wikang Ingles). Setyembre 1, 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 1, 2023. Nakuha noong Agosto 23, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)