Salawal na bokser

kalsonsilyong panlalaki na maluwag ang sukat
(Idinirekta mula sa Boxer shorts)

Ang salawal na bokser (sa Ingles: boxer shorts, kilala din bilang loose boxers o bokser lamang) ay uri ng damit panloob na tipikal na sinusuot ng mga kalalakihan. Ang katawagang boxers sa Ingles ay ginamit noon pang 1944 para sa maramihang gamit na elastikong salawal, na ipinangalan ng ganito dahil sinusuot ng mga boksingero, na para sa kanila ay hindi nagiging sagabal ang paggalaw ng hita na napakahalaga. May iba't ibang istilo ang mga bokser ngunit nakikilala ang mga ito sa pamamagitan ng maluwag na pagkasya.

Isang lalaki na nagsusuot ng bokser

Kasaysayan

baguhin
 
Isang lalaki na nakasuot ng maluwag na maong na pinalooban ng salawal na bokser

Noong 1985 sa Estados Unidos, sikat ang brip na panlalaki kaysa bokser, na apat na beses na kadami ang brip na nabebenta kumpara sa bokser. Noong mga panahon na iyon, maraming mas matatandang kalakihan ang mas ninais ang bokser na sanay na nilang isuot noong panahon nila sa militar ng Estados Unidos, at puti ang pinakamabenteng kulay ng bokser. Noong taon din na iyon, nagsisimulang naging popular ang bokser sa mga nakakabatang kalalakihan na sinuot ang salawal na bokser sa iba't ibang kulay at imprenta.[1] Napalakas ang uso ng salawal na bokser noong 1985 nang nahubad ang Ingles na modelo at musikerong si Nick Kamen sa puting Sunspel na salawal na bokser sa isang istilong "Launderette" ng dekada 1950 sa isang patalastas ng Levi's.[2][3] Simula noong dekada 1990, ilang mga kalalakihan ang pinili din na magsuot ng brip na bokser upang ikompromiso ang dalawa. Noong 2006, isang Amerikanong tagagagawa ang inulat na ang tinahing salawal na bokser ay binubuo ng 15-20 bahagdan ng benta ng mga damit panloob na panlalaki, ngunit bumababa sa populariad kumpara sa brip na bokser noong 2003.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kanner, Bernice. "Briefs Encounter: The Long and Shorts of It" ("On Madison Avenue" column). New York Magazine. New York Media, LLC, Abril 29, 1985. Vol. 18, No. 17. ISSN 0028-7369. Start p. 28. Binanggit: p. 30.
  2. "I Love 1986 – Fashion – Boxer Shorts" (sa wikang Ingles). British Broadcasting Corporation. Nakuha noong 2008-05-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "About Sunspel". Sunspel Journal.
  4. Rodriguez, Laura (2006). Woven Cotton Boxer Shorts: Probable Effect of Modifications of NAFTA Rules of Origin for Goods of Canada and Mexico, Inv. NAFTA-103-13 (sa wikang Ingles). Washington DC: DIANE Publishing. p. 4. ISBN 978-1-4578-1912-4. Nakuha noong 8 Hulyo 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)