Bughaw-alisya
Ang bughaw-alisya (Alice blue) ay isang magaan o tila-aserong kulay na pinagsama ang bughaw at siyano (magkahalong lunti at bughaw) na tinangkilik ni Alice Roosevelt Longworth, ang anak na babae ni Theodore Roosevelt. Ang ganitong uri ng kulay ang ginamit ni Alice Roosevelt Longworth para sa kaniyang mga kasuotan, na pinatanyag naman sa larangan ng kalakalang pang-moda ng pananamit sa Estados Unidos.
Bughaw-alisya | ||
---|---|---|
— Color coordinates — | ||
Hex triplet | #F0F8FF | |
sRGBB | (r, g, b) | (240, 248, 255) |
HSV | (h, s, v) | (208°, 6%, 100%) |
Source | X11[1] | |
B: Normalized to [0–255] (byte) |
Naging huwaran din ng awiting "Alice Blue Gown" ang mga damit ni Alice Roosevelt Longworth na ginamitan ng ganitong kulay. Noong 1940, itinanghal sa madla ang awiting ito sa pamamagitan ng Irene, isang pagtatanghal-na-may-tugtugin sa Broadway, New York. Noong 1940, naging pelikula ang palabas na ito na pinagtambalan ng mga artistang sina Anna Neagle at Ray Milland.
Ginamit ng Hukbong Pandagat ng Estados Unidos para sa kanilang mga panandang pagkakakilanlan sa hanay ng mga kawal, at maging sa mga palamuti ng mga sasakyang-pandagat na ipinangalan kay Theodore Roosevelt. Isa rin sa mga orihinal na mga pangalan ng kulay na may bilang na X11 ang bughaw-alisya noong kalagitnaan ng dekada 1990, na naging batayan ng paglalarawan ng kulay sa maka-kompyuter na mundo ng web.