Bukas na lungsod
(Idinirekta mula sa Bukas na siyudad)
Sa digmaan, sa nalalapit na pagkabihag ng isang siyudad o lungsod sa kaaway nito sa digmaan, ang pamahalaan o militar na kumokontrol sa siyudad ay minsang magdedeklara na ang sinasakop na siyudad ay isa nang bukas na lungsod na nangangahulugang inaabandona ng pamahalaan ang lahat ng mga pagsisikap na ipagtanggol ang siyudad mula sa kaaway. Ang mga hukbo ng kaaway ay inaasahan namang hindi bobombahin o wawasakin ang siyudad ngunit magmamartsa lamang dito. Ang konseptong ito ay upang maingatan ang mga makasaysayang mga palatandaan o tanawin at mga sibilyan na naninirahan sa siyudad mula sa hindi kinakailangang labanan.