Buko pie

Pilipinong pie na may buko

Ang buko pie ay isang tradisyonal na inihurnong pie sa Pilipinas na pinapalamanan ng malauhog (batang buko). Itinuturing ito na isang espesyalidad ng lungsod ng Los Baños, Laguna na matatagpuan sa pulong Luzon.[1]

Buko pie
UriPie
KursoPanghimagas
LugarPilipinas
Rehiyon o bansaLalawigan ng Laguna, Luzon
GumawaSoledad Pahud
Ihain nangMalamig
Pangunahing SangkapBalat ng pie, kastard, malauhog, pinatamis na kondensada
Enerhiya ng pagkain
(per paghain)
290 kcal (1214 kJ)

Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, gawa ang buko pie sa buko, at gumagamit ng pinatamis na kondensada, kaya mas siksik ito kaysa sa mga kastard pie na salig-krema. Mayroon ding mga baryasyon ng pie, na magkahawig ngunit gumagamit ng mga sangkap na naiiba nang kaunti, tulad ng makapuno pie, na sinasangkapan ng makapuno, isang espesyal na uri ng buko na makapal at malagkit.[2]

Dati, mabibili lang itong pie sa Pilipinas, ngunit dahil sa teknolohiya ng iglapang pagyeyelo o blast freezing, maaari nang mag-angkat ang mga nagbubuko pie.[3][4] Dahil naging mas madali ang paghakot nito at mas naaakses na sa buong mundo, maaari na itong bilhin ng mga tao bilang pasalubong pagkatapos bumisita sa Pilipinas.[5] Karaniwang payak lamang ang buko pie, ngunit sa kasalukuyan, sinasahugan na ito ng mga pampalasa tulad ng mga esensiya ng pandan, baynilya, o almendras.

Magkaiba ang buko pie sa Amerikanong coconut cream pie, dahil wala itong krema sa palamang kastard de-buko, at wala ring ipuipong merengge sa ibabaw ng inihurnong kastard de-buko.[6]

Pinagmulan

baguhin
 
Buko pie mula sa San Francisco

Sinasabing nagmula ang buko pie sa lalawigan ng Laguna sa Pilipinas. Ang mga manlilikha nitong pasteleryang Pilipino ay ang mga sis na Pahud na mga lokal ng Munisipalidad ng Los Baños, Laguna.[7] Bumalik si Soledad Pahud sa kanyang pamilya sa Pilipinas pagkatapos niyang kumpletuhin ang kanyang Ph.D sa Amerika habang naging manedyer siya sa isang sikat na kompanya ng damit sa San Francisco ng 13 taon. Habang nagtrabaho siya sa ibang bansa, natuto siyang gumawa ng mga apple pie.[8] Sa proseso ng pagsisimula ng isang negosyo sa paghuhurno, sinubukang tularan ni Pahud ang Amerikanong panghimagas sa tulong ng kanyang mga kapatid. Dahil hindi katutubo ang mga mansanas sa Pilipinas, nag-improbisa si Pahud at ang kanyang pamilya[7] at pinalitan ang sangkap ng "buko" o malauhog. Inirekomenda ng isa sa mga kapatid na si Apolonia ang paggamit ng "buko" bilang palaman ng pie dahil sa kasaganaan nito sa lugar.[7] Lumaki ang negosyo ng mga sis na Pahud at naging Orient Buko Pie Bakeshop, ang kanilang panaderya na nag-eespesyalisa sa mga buko pie. Gumawa rin ang mga magkapatid ng kanilang sariling mga baryasyon ng buko pie, kabilang dito ang apol buko pie, pinya pie, at tropikal na pie.[7]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Pilgrimage for pies!" [Perenigrasyong pam-pie!] (sa wikang Ingles). Flexicover. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 27, 2019. Nakuha noong Abril 3, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Colette's buko (coconut) pie [Buko pie ng Colette's] (sa wikang Ingles), Pinoy Cook, Abril 5, 2005, inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 14, 2008, nakuha noong Oktubre 12, 2007{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. framelia V. Anonas, Freezing technology keeps buko pie fresh [Buko pie, pinananatiling sariwa ng teknolohiya sa pagyeyelo] (sa wikang Ingles), Science and Technology Information Institute, inarkibo mula sa orihinal noong Marso 10, 2008, nakuha noong Oktubre 12, 2007{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. The Safe Way to Blast Chill, Freeze and Thaw [Ang Ligtas na Paraan para Magpalamig, Magpayelo at Magpatunaw] (PDF) (sa wikang Ingles), United Kingdom: Foster Refrigerator, inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Mayo 7, 2006, nakuha noong Oktubre 12, 2007{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Joven, Ed. "How to make Buko Pie" [Paano gumawa ng buko pie] (sa wikang Ingles). Filipino Recipes Portal.
  6. Back In The Kitchen with a Buko [Bumalik sa Kusina na may Buko] (sa wikang Ingles), dessertcomesfirst.com, inarkibo mula sa orihinal noong Abril 3, 2009, nakuha noong Oktubre 12, 2007{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 Adriano, Joel D. "By popular demand" [Sa hiling ng karamihan] (sa wikang Ingles). Entrepreneur Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 15, 2017. Nakuha noong Abril 3, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Sanchez, Shaina. "The Best Buko Pie in the Philippines" [Ang Pinakamasarap na Buko Pie sa Pilipinas] (sa wikang Ingles). Maganda Filipino. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 4, 2014. Nakuha noong Abril 3, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)