Ang bulimia nervosa ay isasuliranin sa gawi sa pagkain katulad ng anorexia nervosa na pinagdurusahan ng mga nakatatandang kabataang kababaihan. Maaaring hindi nagbabago ang kanilang timbang ng malaki ngunit ang kanilang paraan ng pagkain ay maituturing na hindi normal. Ang kanilang pagdidiyeta ay sinusundan ng sobra-sobrang pagkain at pagkatapos pinipilit ang sarili na masuka. Kung minsan, mapapansin din na hindi sila kumakain o labis na nagdidiyeta. Bagamat ang hindi tamang gawi sa pagkain at ang labis na pag-eehersisyo ay maaari ding mangyari sa mga kabataang lalaki.

Sintomas

baguhin

Nadidiyeta ang taong may sakit na bulimia nervosa at ginugutom ang sarili at pagkatapos sinuka ang kinain, at nakaramdam na walang kontrol kapag kumain. Natatakot tumaba at palaging sumuka, at di nila ginamit ng maayos ang mga gamot, katulad ng mga pildoras sa pagdidiyeta, mga laksatiba. Sa ehersisyo, mabilis silang magbawas ng kaloriya sa katawan at nangangako sila na hindi na nila isusuka ang kinain nila, pero ipinagpatuloy pa rin nila ang dating gawi at naniwala na kailangan nilang magpapayat. Minsan nagnanakaw din sila at inaabuso yung mga alkohol, droga, at kreditong kard (credit card). Normal o malapit sa normal ang timbang nila kung walang anorexia. At katulad din ng anorexia, nakakapatay ang taong may bulimia. Kahit na ipinakita nila na matapang sila, kadalasan pa rin balisa sila at kinahihiya ang sarili at pakiramdam na wala silang silbi. Sinasabi ng mga kaibigan nila na sila'y masayahin, matapang at maganda pero sa kabila ng lahat na iyon, sa puso nila nakatago ang mga sekreto nila, na nasasaktan sila, malungkot, balisa, at pinasisihan ang sarili at may matinding galit.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.