Bundok Halcon
Ang Bundok Halcon ay isang bundok na matatagpuan sa isla ng Mindoro sa Pilipinas. Sa taas nitong 2,586 metro[1] (8,482 talampakan), ito ang ika-18 pinakamataas na bundok sa Pilipinas.[2] Dahil sa mga dalisdis nito, ito'y itinuturing na pinakamahirap na akyating bundok sa bansa.[1]
Naninirahan sa Bundok Halcon ang mga katutubong Alangan Mangyan.[3] Matatapuan sa masukal nitong kagubatan ang iba't-ibang uri ng halaman at hayop, kasama na rito ang lubhang nanganganib nang maubos na kulo-kulo na roon lamang matatagpuan.[4]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Destination: Mount Halcon. Metropolitan Mountaineering Society, Inc. [1] Naka-arkibo 2011-07-09 sa Wayback Machine.. Hinango 2011-09-15. (sa Ingles)
- ↑ The highest mountains in the Philippines. Pinoy Mountaineer – Your Guide to Hiking in the country. 2008-02-02. [2]. Hinango 2011-09-15. (sa Ingles)
- ↑ Alangan Mangyan. National Commission on Indigenous Peoples. [3] Naka-arkibo 2011-02-13 sa Wayback Machine.. Hinango 2011-09-15. (sa Ingles)
- ↑ Mount Halcon. Birdlife International. [4] Naka-arkibo 2011-12-01 sa Wayback Machine.. Hinango 2011-09-15. (sa Ingles)