Bundok Hamiguitan
Ang Bundok Hamiguitan /ha·mi·gi·tan/ ay isang bundok na matatagpuan sa Davao Oriental sa Pilipinas. May taas itong 1,620 metro (5,315 talampakan). Ang bundok at ang palibot nito ay isa sa may pinakamalaksang populasyon ng buhay-ilang sa Pilipinas. Ilan sa mga buhay-iláng na matatagpuan sa lugar ay ang Haribon at maraming species ng Nepenthes. Ang ilan sa hulí, gaya ng Nepenthes peltata ay endemiko sa lugar.[2] May lawak na 2,000 ektarya ang protektadong kagubatan ng bundok. Kilalá ang kagubatan nito dahil sa mga matatandang punò na bansot[3] sa lupang ultramafic, na nagtataglay ng maraming nanganganib nang maubos, endemiko at bihirang espesye ng mga halaman at hayop.[4][5]
Bundok Hamiguitan | |
---|---|
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 1,620 m (5,310 tal) |
Prominensya | 1,497 m (4,911 tal)[1] |
Heograpiya | |
Lokasyon | Davao Oriental, Pilipinas |
Magulanging bulubundukin | Hamiguitan Mountain Range |
Heolohiya | |
Uri ng bundok | Stratovolcano |
Opisyal na pangalan | Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary |
Uri | Likas |
Pamantayan | x |
Itinutukoy | 2014 (38th session) |
Takdang bilang | 1403 |
Partidong estado | Pilipinas |
Rehiyon | Asya at Pasipiko |
Ang Kabundukang Hamiguitan, na may lawak na 6,834 ektarya (68.34 km²), ay idineklarang pambansang parke at santuwaryo ng buhay-iláng noong 2003.[6] Noong 2009, isinumite ng mga opisyal ng lalawigan ng Davao Oriental ang parke upang maitala bilang UNESCO World Heritage Site.[5][3]
UNESCO World Heritage Site
baguhinSa ika-38 Sesyon ng World Heritage Committee sa Doha, Qatar noong 23 Hunyo 2014, inaprubahan ang pagkakatalâ ng Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary bilang isang World Heritage Site.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 de Ferranti, Jonathan; Maizlish, Aaron. "Philippine Mountains - 29 Mountain Summits with Prominence of 1,500 meters or greater". Nakuha noong 2009-01-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nepenthes species in the Philippines". The International Carnivorous Plant Society. Abril 2008. Nakuha noong 2009-01-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Tahanan Ng Haribon Umaapela." Inquirer Libre 26 Hunyo 2013: 2. Print.
- ↑ "Davao Oriental wants Hamiguitan declared as world heritage site". GMA 7. 2008-05-05. Nakuha noong 2009-01-09.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary". UNESCO. Nakuha noong 2011-01-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "An Act Declaring Mount Hamiguitan Range And Its Vicinities As Vicinities As Protected Area Under The Category of Wildlife Sanctuary And Its Periphral Areas As Buffer Zone and Appropriating Funds Therefor". Congress of the Republic of the Philippines. 2003-07-23. Nakuha noong 2009-01-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)