Haribon
Ang haribon (Pithecophaga jefferyi) ay isang espesye ng agila na kritikal na nanganganib sa pamilyang Accipitridae na endemiko sa mga kagubatan ng Pilipinas. Mayroon itong kayumanggi at puting balahibo, malagong palong, at karaniwang sumusukat ng 86 hanggang 102 cm (2.82 hanggang 3.35 tal) sa haba at tumitimbang ng 4.04 hanggang 8.0 kg (8.9 hanggang 17.6 lb).
Haribon | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | Pithecophaga Ogilvie-Grant, 1896
|
Espesye: | P. jefferyi
|
Pangalang binomial | |
Pithecophaga jefferyi | |
Nakaasul ang saklaw |
Kinokonsidera ang haribon bilang pinakamalaki ng mga buhay na agila sa mundo ayon sa haba at lawak ng pakpak. Mas malaki o mabigat lang ang Steller's sea eagle (haliaeetus pelagicus) at agilang harpiya (harpia harpyja).[1][2] Idineklara ito bilang pambansang ibon ng Pilipinas.[3][4] Ang pinakamalaking banta sa espesye ang pagkawala ng tirahan nito, dahil sa pagkakalbo sa mga kagubatan sa saklaw nito.
Ang pangangaso ng haribon ay isang kriminal na pagkakasala, mapaparusahan ng batas na may hanggang 12 taong pagkakakulong at mabigat na multa.[5]
Pangalan
baguhinMarami ang mga katutubong pangalan ng haribon sa mga wikang Pilipino. Kabilang dito ang banoy at agila (hiniram mula sa Kastila) sa Tagalog; manaul o manaol sa mga wikang Bisaya; manaol o garuda sa Maranao at Maguindanao; tipule sa Subanon; at mam-boogook o malamboogook sa mga wikang Manobo, Bagobo, Tagabawa, Mandaya, at Kalagan. Ginagamit din ang ilan sa mga pangalang ito para sa mga ibang malalaking agila, tulad ng white-breasted sea eagle (tinatawag ding manaul sa Bisaya). Sa modernong Filipino, karaniwan itong tinutukoy bilang haribon (pinagsamang "haring ibon”).[3][6]
Taksonomiya
baguhinAng unang Europeo na nag-aral tungkol sa espesye ay ang Ingles na eksplorador at naturalista na si John Whitehead noong 1896, na nagmasid sa ibon at pagkaraan ng ilang linggo, kinolekta ng kanyang katulong na si Juan ang unang ispesimen.[7] Ipinadala ang balat ng ibon kay William Robert Ogilvie-Grant sa Londres noong 1896, na unang nagpakita nito sa isang lokal na restawran at inilarawan ang espesye pagkatapos ng ilang linggo.[8]
Sa siyentipikong pagtuklas nito, unang tinawag na monkey-eating eagle ("agilang kumakain ng unggoy") ang haribon dahil sa mga ulat mula sa mga katutubo ng Bonga, Samar, kung saan unang natuklasan ang espesye, na unggoy lamang ang sinisila nito.[9] Hango sa mga ulat na ito ang pangalan ng genus nito, mula sa Griyegong pithecus (πίθηκος, "unggoy") at phagus (-φάγος, "kumakain ng").[10] Ginugunita ng pangalan ng espesye si Jeffery Whitehead, ang ama ni John Whitehead.[8] Subalit, isiniwalat ng mga kalaunang pag-aaral na kumakain ang diumano'y agilang kumakain ng unggoy ng mga iba pang hayop, tulad ng mga kagwang, malalaki na ahas, bayawak, at kahit mga malalaking ibon tulad ng mga kalaw. Dahil dito, pati ang katotohanan na magkapangalan ito sa agilang koronado ng Aprika at agilang arpiya ng Gitna at Timog Amerika, pinalitan ang pangalan nito ng "Philippine eagle" ("agila ng Pilipinas") sa isang proklamasyon noong 1978 ng dating Pangulong Ferdinand Marcos. Noong 1995, idineklara itong pambansang sagisag ni Pangulong Fidel V. Ramos. Walang kilalang subespesye ang espesyeng ito.[11]
Distribusyon at tirahan
baguhinEndemiko sa Pilipinas ang haribon, at matatagpuan ito sa apat na malaking pulo: silangang Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao. Pinakamarami ang mga agila sa Mindanao, na may mula 82 hanggang 233 pares ng pag-aanak. Anim na pares lang ang matatagpuan sa Samar, dalawa sa Letye, at iilan lang sa Luzon. Matatagpuan ito sa Pambansang Parke ng Hilagang Sierra Madre sa Luzon at Mga Pambansang Parke ng Bundok Apo, Bundok Malindang, at Bundok Kitanglad sa Mindanao.[8][12]
Matatagpuan itong agila sa mga kagubatan ng lawan at gitnang montano, lalo na sa mga matarik na lugar. Ang taas ng tirahan nito ay mula sa mababang lupain hanggang sa mga bundok na mahigit 1,800 m (5,900 tal). Tinantiya na 9,220 km2 (2,280,000 akre) ng lagong-lumang kagubatan ang nananatili sa saklaw ng ibon.[8] Subalit, 146,000 km2 (56,000 mi kuw) ang kabuuang tinantiyang saklaw nito.[13]
Ekolohiya at pag-uugali
baguhinDahil walang ibang maninila sa tirahan ng haribon, ito ang nangibabaw sa mga kagubatan ng Pilipinas. Samu't sari ang kinakain nito, kabilang dito ang mga ibon, reptilya at mamalya (pangunahin, ang mga musang at kagwang).[14] Kailangan ng mga magulang ng malawak na lugar upang mapalaki nang maayos ang kanilang sisiw, kaya madaling tablan ang espesye ng pagkakalbo ng kagubatan. Dati, tinantiya na 100 km2 (39 mi kuw) ang teritoryo nito, ngunit ayon sa isang pag-aaral sa Mindanao, ang pinakamalapit na distansiya sa pagitan ng mga pares ng magulang ay halos 13 km (8.1 mi) sa karaniwan, na nagreresulta sa 133 km2 (51 mi kuw) na terenong pabilog.[15]
Ang paglipad ng espesye ay mabilis at maliksi, mas katulad sa mga mas maliliit na lawin kaysa sa mga kahawig na malalaking ibong maninila.[16]
Naobserbahan ang mga kabataang naglalaro na humahawak sa mga buhol sa mga puno gamit ang kanilang mga kuko, at nagbabalanse na sarili gamit ang kanilang buntot at pakpak habang ipinapasok ang kanilang mga ulo sa mga butas ng punungkahoy.[17] Bukod pa rito, napag-alaman na umaatake ang mga ito ng mga bagay na walang buhay para sa pagsasanay, at sinusubukang sumabit nang nakabaliktad para mapraktis ang kanilang pagbabalanse.[17] Dahil hindi malapit ang mga magulang kapag nangyayari ito, mukhang wala silang papel sa pagtuturo sa mga kabataan ng pangangaso.[17]
Tinatantiya na mula 30 hanggang 60 taon ang inaasahang haba ng buhay ng isang ligaw na agila. Nabuhay nang 41 taon ang isang bihag na haribon sa Rome Zoo, at nasa hustong gulang na ito nang dumating ito sa zoo.[17] Nabuhay nang 46 taon ang isa pang bihag na haribon sa Philippine Eagle Center sa Lungsod ng Dabaw.[18] Gayunpaman, pinaniniwalaan na mas maikli ang buhay ng mga ligaw na ibon kumpara sa mga bihag na ibon.[17]
Representasyon
baguhinIdineklara ang haribon bilang pambansang ibon ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1995 ni Pangulong Fidel V. Ramos sa Proklamasyon Blg. 615, serye ng 1995.[19][20] Dahil sa laki at pagkabihira nitong agila, isa itong hinahangad na espesye ng mga tagamasid ng ibon.[16]
Naitampok ang haribon sa 12 o higit pang mga selyo mula sa Pilipinas, na may petsa mula 1967 hanggang 2007. Inilarawan din ito sa mga baryang 50-sentimo na inilikha mula 1983 hanggang 1994; noong 2018, sa 500-Pisong panggunitang barya na yaring-pilak, upang ipagdiwang ang ika-25 anibersaryo ng Bangko Sentral ng Pilipinas;[21] noong Enero 18, 2021, at sa di-umiikot na 5,000 Pisong salaping papel na panggunita kay Lapulapu.[22] Noong Disyembre 11, 2021, inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang disenyo ng bagong 1,000-Pisong salaping papel na yaring-polimer na nagtatampok sa ibon bilang pangunahing larawan, na naging kontrobersiyal sa pagpalit nito sa tatlong martir ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig: Punong Mahistradong José Abad Santos, suprahistrang Josefa Llanes Escoda, at Heneral Vicente Lim.
Sa kasaysayan, mga 50 haribon ang nakakulong sa mga zoo sa Europa (Inglatera, Alemanya, Belhika, Italya at Pransiya), Estados Unidos, at Hapon.[23] Ang una ay isang babae na dumating sa Zoo ng London noong Agosto 1909[23] at namatay roon noong Pebrero 1910.[24] Dumating sa mga zoo ang karamihan mula 1947 hanggang 1965.[23] Namatay ang huling nasa labas ng Pilipinas noong 1988 sa Zoo ng Antwerp, kung saan ito nakatira mula noong 1964 (maliban sa isang yugto sa Zoo ng Planckendael sa Belhika).[23] Nakamtan lang ang pagpaparami sa pagkabihag noong 1992 sa pasilidad ng Philippine Eagle Foundation sa Lungsod ng Davao, Pilipinas, kung saan ito nang-anak nang iilang beses mula noon.[7][25]
Ginawang maskot din ang haribon sa mga palaro, pinakakapansin-pansin ang haribon sa Palaro ng Timog Silangang Asya 2005 na ginanap sa Maynila na kilala bilang "Gilas". Haribon din ang hayop na ginamit sa logo ng Gilas Pilipinas, ang pambansang koponan ng basketbol ng Pilipinas.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Tabaranza, Blas R. Jr. (Enero 17, 2005). "The largest eagle in the world" [Ang pinakamalaking agila sa mundo] (sa wikang Ingles). Haribon Foundation. Nakuha noong Setyembre 23, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ferguson-Lees, J.; Christie, D. (2001). Raptors of the World [Mga Raptor ng Mundo] (sa wikang Ingles). London: Christopher Helm. pp. 717–19. ISBN 0-7136-8026-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Kennedy, R. S., Gonzales, P. C.; Dickinson, E. C.; Miranda, H. C. Jr. and Fisher, T. H. (2000). A Guide to the Birds of the Philippines [Isang Gabay sa mga Ibon ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). Oxford University Press, New York. ISBN 0-19-854669-6
- ↑ Pangilinan, Leon Jr. (Oktubre 3, 2014). "In Focus: 9 Facts You May Not Know About Philippine National Symbols" [Nakapokus: 9 Katotohanan na Maaaring Hindi Mo Alam Tungkol sa Mga Pambansang Simbolo ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). National Commission for Culture and the Arts. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 26, 2016. Nakuha noong Enero 8, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Farmer arrested for killing, eating rare Philippines eagle: officials" [Magsasaka, arestado sa pagpapatay, pagkakain ng bihirang haribon: mga opisyal] (sa wikang Ingles). AFP. Hulyo 18, 2008. Nakuha noong Marso 28, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Almario, Ani Rosa S. (2007). 101 Filipino Icons [101 Ikonong Pilipino] (sa wikang Ingles). Adarna House Publishing Inc. p. 112. ISBN 978-971-508-302-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Rare Birds Yearbook 2009 [Yirbuk ng mga Bihirang Ibon 2009] (sa wikang Ingles). England: MagDig Media Lmtd. 2008. pp. 126–127. ISBN 978-0-9552607-5-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 8.3 Rare Birds Yearbook 2008 [2008 Yirbuk ng Bihirang Ibon] (sa wikang Ingles). England: MagDig Media Lmtd. 2007. p. 127. ISBN 978-0-9552607-3-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Collar, N.J. (Disyembre 24, 1996). "The Philippine Eagle: one hundred years of solitude" [Ang Haribon: isang libong taon ng sarilinan] (sa wikang Ingles). Oriental Bird Club Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 30, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Doctolero, Heidi; Pilar Saldajeno; Mary Ann Leones (Abril 29, 2007). "Philippine biodiversity, a world's showcase" [Biodibersidad ng Pilipinas, isang tampok sa mundo]. Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 20, 2008. Nakuha noong Nobyembre 21, 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Clements, James F (2007). The Clements Checklist of Birds of the World [Ang Tseklist na Clements ng mga Ibon ng Mundo] (sa wikang Ingles) (ika-Sixth (na) edisyon). Ithaca, NY: Comstock Publishing Associates. p. 47. ISBN 978-0-8014-4501-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PIA | Philippine Information Agency | Leyte named as rediscovery site of PHL eagle". www.pia.gov.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hunyo 2013. Nakuha noong 30 Hunyo 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippine Eagle (Pithecophaga jefferyi)" [Haribon (Pithecophaga jefferyi)] (sa wikang Ingles). BirdLife International. 2011. Nakuha noong Hunyo 3, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ L. J., Sutton; atbp. (2024). "Space–time home-range estimates and resource selection for the Critically Endangered Philippine Eagle on Mindanao". Ibis. London, England. 166 (1): 156–170. doi:10.1111/ibi.13233.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bueser, GL; Bueser, K. G.; Afan, D.S.; Salvador, D.I.; Grier, J.W.; Kennedy, R.S. & Miranda, H.C. Jr. (2003). "Distribution and nesting density of the Philippine Eagle Pithecophaga jefferyi on Mindanao Island, Philippines: what do we know after 100 years?" [Distribusyon at densidad ng pamugaran ng Haribon Pithecophaga jefferyi sa Pulo ng Mindanao, Pilipinas: ano ang nalalaman natin pagkatapos ng 100 taon?] (PDF). Ibis (sa wikang Ingles). 145: 130–135. doi:10.1046/j.1474-919X.2003.00131.x. S2CID 32125417. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2022-10-09.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16.0 16.1 Chandler, David; Couzens, Dominic (2008). 100 Birds to See Before You Die [100 Ibon na Dapat Makita Bago Ka Mamatay] (sa wikang Ingles). London: Carleton Books. p. 171. ISBN 978-1-84442-019-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 17.2 17.3 17.4 Jamora, Jon. "Philippine Eagle Biology and Ecology" [Biolohiya at Ekolohiya ng Haribon] (sa wikang Ingles). Philippine Eagle Foundation. Nakuha noong Enero 7, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ibanez, Jayson (Disyembre 31, 2016). "The King is dead, Long live the King!". SunStar Davao. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 1, 2017. Nakuha noong Enero 2, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ BirdLife International (2001). "Philippine Eagle: Pithecophaga jefferyi" [Haribon: Pithecophaga jefferyi] (sa wikang Ingles), pa. 661 sa Threatened Birds of Asia. Nakuha noong Abril 28, 2010
- ↑ "Proclamation No. 615, s. 1995" [Proklamasyon Blg. 615, s. 1995]. Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 25, 2018. Nakuha noong Agosto 25, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Commemorative coins marking 70 years of central banking in the country and BSP's 25th anniversary now for sale" [Mga baryang panggunita, nagmamarka ng 70 taon ng sentral na pagbabangko sa bansa at ika-25 anibersaryo ng BSP, ibinebenta ngayon] (sa wikang Ingles). bsp.gov.ph. Nakuha noong 2020-01-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BSP Issues Lapulapu Commemorative Banknote and Medal" [BSP, Nag-isyu ng Salaping Papel at Medalya na Panggunita kay Lapulapu] (sa wikang Ingles). bsp.gov.ph. Nakuha noong 2021-01-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 23.0 23.1 23.2 23.3 Weigl, R, & Jones, M. L. (2000). The Philippine Eagle in captivity outside the Philippines [Pagkabihag ng haribon sa labas ng Pilipinas], 1909–1988. International Zoo News vol. 47/8 (305)
- ↑ Davidson, M. E. McLellan (1934). "Specimens of the Philippine Monkey-Eating Eagle (Pithecophaga jefferyi)" [Mga Ispesimen ng Haribon (Pithecophaga jefferyi)] (PDF). The Auk (sa wikang Ingles). 51 (3): 338–342. doi:10.2307/4077661. JSTOR 4077661. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2022-10-09.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Philippine Eagle Working Group (1996). Integrated Conservation Plan For The Philippine Eagle (Pithecophaga jefferyi).
Mga link sa labas
baguhinAng Pambansang Ibon ng Pilipinas Naka-arkibo 2019-09-03 sa Wayback Machine.