Ang Doha (Arabe: الدوحة‎, romanisado: ad-Dawḥa [adˈdawħa] o ad-Dōḥa) ay ang kabisera ng Qatar. Kilala ito bilang ang maliit na bersyon ng Dubai dahil sa arkitektura nito na parang nasa hinaharap. Mas marami ang tao dito kaysa sa pinagsamang mga natitirang bahagi ng Qatar, na may populasyon na 2,382,000 noong 2018.[2] Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Golpong Persiko sa silangan ng bansa, sa hilaga ng Al Wakrah at sa timog ng Al Khor. Ito ang pinakamabilis na lumagong lungsod sa Qatar, na may higit sa 80% ng populasyon ng bansa ang naninirahan sa Doha o sa palibot nitong arabal.[3] Ito ang sentrong pampolitika at ekonomiko ng bansa.[4]

Doha

الدوحة
pamayanang pantao, largest city
Map
Mga koordinado: 25°18′N 51°32′E / 25.3°N 51.53°E / 25.3; 51.53
Bansa Qatar
LokasyonAd-Dawhah (municipality), Qatar
Itinatag1850
Lawak
 • Kabuuan132,000,000 km2 (51,000,000 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2020, Senso)[1]
 • Kabuuan1,186,023
 • Kapal0.0090/km2 (0.023/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166QA-DA
Websaythttps://visitqatar.com/fr-fr/about-qatar/doha

Naitatag ang Doha noong dekada 1820 bilang isang sanga ng Al Bidda. Nadeklera itong opisyal na kabisera ng bansa noong 1971, nang nakamit ng Qatar ang kalayaan mula sa pagiging protektorado ng mga Briton.[5] Bilang kabiserang pangkomersyo ng Qatar at isa sa lumilitaw na mga sentro sa Gitnang Silangan, tinuturing ang Doha bilang na nasa antas na beta na pandaigdigang lungsod ayon sa Globalization and World Cities Research Network. Nilalaan ng Doha ang Lungsod Edukasyon o Education City, isang lugar na pinagtutuunan ang pananaliksik at edukasyon, at ang Lungsod Pangmedisina ng Hamad, isang lugar administratibo ng pangangalagang medikal. Nandito sa Doha ang Doha Sports City (Lungsod Pampalakasan ng Doha), o Aspire Zone, isang internasyunal na destinasyon para sa palakasan na kinabibilangan ng Internasyunal Estadyo ng Khalifa, isang estadyo para sa Pandaigdigang Kopa ng Futbol 2022; ang Sentrong Akwatiko ng Hamad; at ang Aspire Dome.

Etimolohiya

baguhin

Sang-ayon sa Ministeryo ng Munisipalidad at Kapaligiran, nagmula ang pangalang "Doha" sa katawagang Arabe na dohat, na nangangahulugang "bilugan"—isang pagtukoy sa bilugang mga look na pumapalibot sa baybayain ng lugar.[6]

Demographiya

baguhin
Historical population
TaonPop.±%
1820[7]250—    
1893[8]6,000+2300.0%
1970[9]80,000+1233.3%
1986[5] 217,294+171.6%
1998[10] 264,009+21.5%
2001[11] 299,300+13.4%
2004[5] 339,847+13.5%
2005[12][13] 400,051+17.7%
2010[14] 796,947+99.2%
2015[3] 956,457+20.0%
Kabuuang populasyon ng kalungsuran lugar[15]
Taon Population ng kalakhan
1997 434,000[16]
2004 644,000[17]
2008 998,651[18]

Naninirahan ang isang makabuluhang bahagi ng populasyon ng Qatar sa loob ng Doha at sa kalungsuran nito.[19] Ang distrito na may pinakamataas na densidad ng populasyon ay ang gitnang lugar ng Al Najada, na mayroon din na pinakamataas na populasyon sa bansa. Lumalaro mula sa 20,000 katao bawat km² hanggang 25-50 katao bawat km² ang densidad ng populasyon sa buong kalakhang rehiyon ng Doha.[20] Nasaksihan ng Doha ang mabilis na paglago ng populasyon noong unang dekada ng ika-21 dantaon, na kinukuha kada buwan ang mayorya ng libo-libong tao nandayuhan noon sa Qatar.[21]:6 Nasa mga isang milyon ang populasyon ng Doha, na may populasyon ng lungsod na higit sa doble ang paglago mula 2000 hanggang 2010.[3]

Ethnisidad at wika

baguhin

Lubhang binubuo ang populasyon ng Doha ng ekspatriyado o taga-ibang bansa, na minorya lamang ang mga mamamayang taga-Qatar. Ang pinakamalaking bahagi ng mga ekspatriyado sa Qatar ay mula sa mga bansa sa Timog-silangan at Timog Asya, na pangunahin sa Indya, Pakistan, Sri Lanka, Nepal, Pilipinas, at Bangladesh na may malaking bilang din ng mga ekspatriyado mula sa mga Lebanteng bansang Arabe, Djibouti, Somalia, Hilagang Aprika, at Silangang Asya. Tahanan din ito ng mga ekspatriyado mula sa Europa, Hilagang Amerika, Timog Aprika at Australya.[22]

Arabe ang opisyal na wika ng Qatar. Ginagamit sa karaniwan ang Ingles bilang isang pangalawang wika,[23] at isang sumisikat na lingguwa prangka, lalo na sa komersyo.[24] Dahil may malaking populasyon ng mga dayuhan sa Doha, malawak na sinasalita ang mga wika tulad ng Malayalam, Tamil, Bengali, Tagalog, Kastila, Sinhala, Pranses, Urdu at Hindi.[22]

Mga unibersidad

baguhin

Ang lungsod ay tahanan ng Unibersidad ng Qatar pati na rin Ang HEC Paris in Qatar.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Census 2020". Nakuha noong 20 Oktubre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Doha municipality accounts for 40% of Qatar population". Gulf Times (sa wikang Ingles). 20 Oktubre 2015. Nakuha noong 23 Oktubre 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 The Report: Qatar 2016 (sa wikang Ingles). Oxford Business Group. 2016. p. 17. ISBN 9781910068632.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Visit Qatar". www.visitqatar.qa (sa wikang Ingles).
  5. 5.0 5.1 5.2 Encyclopædia Britannica. "Doha – Britannica Online Encyclopedia" (sa wikang Ingles). Britannica.com. Nakuha noong 2010-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "District map" (sa wikang Ingles). The Centre for Geographic Information Systems of Qatar. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Nobiyembre 2020. Nakuha noong 29 Mayo 2018. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  7. "Historical references to Doha and Bidda before 1850" (PDF) (sa wikang Ingles). The Origins of Doha Project. p. 2. Nakuha noong 19 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Kurşun, Zekeriya (2002). The Ottomans in Qatar : a history of Anglo-Ottoman conflicts in the Persian Gulf (sa wikang Ingles). Istanbul : Isis Press. pp. 16–17. ISBN 9789754282139.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Abdulla Juma Kobaisi. "The Development of Education in Qatar, 1950–1970" (PDF) (sa wikang Ingles). Durham University. p. 11. Nakuha noong 17 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Hassan Khayat, Ismail Amer, Saleh Arifi, Ahmed Babaker, Bassam Nasr, Nizam Shafei, Fatimah Al Kuwari, Ali Ibrahim Sheib, Mohammed Khazemi, Nasser Fakhro, Mohammed Al Kuwari (1998). موسوعة المعلومات القطرية (Qatar Information Encyclopedia) (sa wikang Ingles). Qatar University. p. 235.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: uses authors parameter (link)
  11. "Doha" (sa wikang Ingles). Tiscali.co.uk. 1984-02-21. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-11-05. Nakuha noong 2010-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Sheraton Doha Hotel & Resort | Hotel discount bookings in Qatar" (sa wikang Ingles). Hotelrentalgroup.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-08-19. Nakuha noong 2010-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "hotelsdoha.eu" (sa wikang Ingles). hotelsdoha.eu. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-06-09. Nakuha noong 2013-03-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Qatar population statistics" (sa wikang Ingles). geohive.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 14 Hunyo 2015. Nakuha noong 15 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Population statistics" (sa wikang Ingles). Qatar Information Exchange. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 1 Hulyo 2015. Nakuha noong 15 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Florian Wiedmann, Ashraf M. Salama, Alain Thierstein. "Urban evolution of the city of Doha: an investigation into the impact of economic transformations on urban structures" (PDF) (sa wikang Ingles). p. 38. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 14 Mayo 2015. Nakuha noong 14 Hunyo 2015. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: uses authors parameter (link)
  17. World and Its Peoples (sa wikang Ingles). Marshall Cavendish. 2006. p. 61. ISBN 9780761475712.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Doha 2016 Summer Olympic Games Bid" (sa wikang Ingles). GamesBids.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-07-04. Nakuha noong 2010-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Marco Dilenge. "Dubai and Doha: Unparalleled Expansion" (PDF) (sa wikang Ingles). Crown Records Management UK. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 5 Marso 2016. Nakuha noong 15 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Facts and figures" (sa wikang Ingles). lusail.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 6 Marso 2015. Nakuha noong 15 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. De Bel-Air, Françoise (2017). Demography, Migration, and the Labour Market in Qatar (PDF) (Ulat) (sa wikang Ingles). European University Institute and the Gulf Research Center. GLMM - EN - No. 3/2017. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2019-12-28. Nakuha noong 2020-03-21.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 22.0 22.1 Humaira Tasnim, Abhay Valiyaveettil, Dr. Ingmar Weber, Venkata Kiran Garimella. "Socio-geographic map of Doha" (sa wikang Ingles). Qatar Computing Research Institute. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 5 Marso 2016. Nakuha noong 15 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: uses authors parameter (link)
  23. Baker, Colin; Jones, Sylvia Prys (1998). Encyclopedia of Bilingualism and Bilingual Education (sa wikang Ingles). Multilingual Matters. p. 429. ISBN 978-1853593628.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Guttenplan, D. D. (11 Hunyo 2012). "Battling to Preserve Arabic From English's Onslaught". The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Nobyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)