Ang Bundok Ledang (Malay: Gunung Ledang) ay isang bundok sa Pambansang Liwasan ng Gunung Ledang na matatagpuan sa Distrito ng Tangkak (dating bahagi ng Muar), Johor, Malaysia. Ang tuktok ay matatagpuan sa pagitan ng hangganan ng Muar at Melaka . May taas ito na 1,276 m (4,186 ft).[1] Ito ang ika-64 na pinakamataas na bundok sa Malaysia at ang pinakamataas na rurok sa Johor.

Bundok Ledang
Pinakamataas na punto
Kataasan1,276 m (4,186 tal)
PagkalistaRibu
Heograpiya
LokasyonTangkak, Johor, Malaysia
Tanawin ng Gunung Ledang mula sa kalsada

Pangalan

baguhin

Mayroong ilang mga tanyag na opinyon tungkol sa pinagmulan ng pangalan ng bundok. Ayon sa isang opinyon, itinuturo ng sinaunang kasaysayan ang bundok bilang ang lugar na may mayamang deposito ng ginto kaya naakit ang mga mangangalakal mula sa Gresya at Tsina. Ang Ophir ay isang lupa sa panahon ng bibliya na likas na mayaman sa mga pinagkukunan at binanggit ito sa Torah, na kilala rin bilang ang Bibliyang Ebreo.

Noong ika-14 na Siglo, tinawag ito ng mga marino na Tsino na naglalakbay sa Kipot ng Malacca na Kim Sua na nangangahulugang 'ginintuang bundok', posibleng mula sa Hokkien o Taiwanes na mga salita: kim, o 金 na nangangahulugang ginto at sua, o 山 nangangahulugang bundok.

Sabi ng ilang mga sanggunian, ang mga Habanes noong panahon ng emperyo ng Majapahit ay nagpangalanan sa bundok bilang Gunong Ledang, na nangangahulugang 'matayog na bundok', mula sa lumang salita ng Java na ledang na nangangahulugang 'pakitang-gilas'. [2]

Tinawag itong "Ophir" ng mga kartograpong Briton mula pa noong 1801, batay sa isang mapa mula sa taong iyon. Ang pangalang 'Ophir' mismo ay napagisipang nagmula sa alinman sa mga wikang ito:

  • Wikang Ebreo, mula sa אוֹפִיר . Pagtitik bilang 'Owphiyr, at binibigkas ito bilang ō·fēr na isang personal na pangalang Ebero at tumutukoy sa lupain sa bibliya ng Ophir kung saan kumukuha si Haring Solomon ng ginto, mga mamahaling hiyas, at mga garing para sa Templong Hudyo sa Jerusalem.

Sa panulaan

baguhin

Ang isang tradisyonal na pantun ay gumagawa ng kawikaan sa bundok:


Berapa tinggi pucuk pinang

Tinggi lagi asap api

Berapa tinggi Gunung Ledang

Tinggi lagi harapan hati.


Kahit gaano kataas ang puno ng betel,

Mas mataas ang usok ng apoy.

Kahit gaano kataas ang Bundok Ophir,

Mas mataas ang pag-asa ng puso.

Tingnan din

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin

Mga panlabas na kawingan

baguhin