Lutuing Cajun

pagkaing Prangko-Amerikano na binuo ng mga Cajun
(Idinirekta mula sa Cajun cuisine)

Ang lutuing Cajun ay isang istilo ng pagluluto na binuo ng mga Cajun–Akadyano na ipinatapon mula Acadia patungong Louisiana noong ika-18 siglo at nag-angkop ng mga pamamaraan sa pagluluto ng mga Kanlurang Aprikano, Pranses at Kastila sa kanilang sariling lutuin.

Gumbo, ang pang-estadong ulam ng Louisiana na inihanda mula sa pagkaing-dagat sa istilong Cajun.

Madalas na tinutukoy ang lutuing Cajun bilang lutuing "panlalawigan".[1] Nangangahulugan ito na nakabatay ang lutuin sa mga makukuhang sangkap sa lokalidad at simple lang ang paghahanda. Sa kasaysayan noon, niluto ng mga Cajun ang kanilang mga pagkain tulad ng gumbo sa isang palayok.[2]

Ulang, hipon, at tsorisong andouille ang mga pangunahing karne na isinasangkap sa mga iba't ibang putahe. Ang mga masamyong gulay na berdeng siling-pula (piment doux), sibuyas, at apyo ay tinatawag na "banal na trinidad" ng mga kusinero sa mga lutuing Cajun at Kriyolong Louisiana. Tinatadtad at hinahalo sa pagluluto, magkahawig itong paraan sa paggamit ng mirepoix sa tradisyonal na lutuing Pranses na naghahalo ng tinadtad na karot, sibuyas, at apyo. Kabilang sa mga likas na aromatiko para sa mga bersiyong Kriyolo at Cajun ang perehil, dahon ng laurel, thyme, berdeng sibuyas, giniling na kayena at paminta. Mga maanghang na sarsang kayena at istilong Louisiana ang mga pangunahing pampaanghang sa lutuing Cajun, na kadalasang mahilig sa mga katamtaman at balanseng init, sa kabila ng pambansang pagkahumaling sa "Cajun hot" noong d. 1980 at d. 1990.

Kasaysayan

baguhin

Tumutukoy ang Akadyano sa pangkat ng mga kolonistang Pranses na nanirahan sa Akadya, sa may Silangang Kanada ngayon. Sa gitna ng ika-18 siglo, pinaalis sila mula sa Akadya ng mga Briton noong Digmaang Pranses-Indiyano sa tinawag nilang le Grand Dérangement, at napunta ang karamihan sa kanila sa timog Louisiana.[3]:6

 
Ang cornbread ("tinapay na mais") ay isang pangunahing almirol ng mga Cajun.

Dahil sa matinding pagbabago sa klima kumpara sa Acadia, hindi na nakapagluto ang mga Akadyano ng kanilang mga orihinal na pagkain.[4]:20 Hindi nagtagal, inangkop ang kanilang mga dating tradisyon sa pagluluto at, sa paglipas ng panahon, inilakip hindi lamang ang mga tradisyon ng Katutubong Amerikano, kundi pati na rin ang mga tradisyon ng Aprikano-Amerikano—tulad ng ipinakita sa klasikong putaheng Cajun "gumbo", na pinangalanan sa pangunahing sangkap nito (okra) gamit ang Kanlurang Aprikanong pangalan ng sangkap na iyon: "okra" ang ibig sabihin ng "gumbo," sa Kanlurang Aprika. Sa Louisiana, pinalitan ng mga Akadyano ang tinapay na purong-trigo na nakasanayan nila ng cornbread ("tinapay na mais"), na sa simula ng ika-19 na siglo ay ipinares nila sa arnibal na tubo. Mula 1790 hanggang 1810, bumili ang karamihan ng mga Akadyano sa Louisiana ng isa hanggang tatlong aliping itim, karamihan mula sa Kanlurang Kaindiyahan, at sa kanila natutunan ang paggamit ng mga bagong sangkap tulad ng okra sa kanilang lutuin. Ang mga sarsang ragu na ginawa ng mga Cajun ay halos kapareho ng mga sarsa na ginamit sa Kanlurang Aprika ng Pransiya, na posibleng ipinakilala ng mga inaliping kusinero.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Link, Donald; Disbrowe, Paula (2012). Real Cajun: Rustic Home Cooking from Donald Link's Louisiana: A Cookbook [Totoong Cajun: Panlalawigang Lutong Bahay mula sa Louisiana ni Donald Link: Isang Aklat Panluto] (sa wikang Ingles). Clarkson Potter/Ten Speed. p. 15. ISBN 978-0-7704-3420-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaudet, Marcia G. (2003). "Is It Cajun, or Is It Creole?". Sa Gaudet, Marcia G.; McDonald, James C. (mga pat.). Mardi Gras, Gumbo, and Zydeco: Readings in Louisiana Culture [Mardi Gras, Gumbo, at Zydeco: Mga Pagbasa sa Kultura ng Louisiana] (sa wikang Ingles). Univ. Press of Mississippi. p. 151. ISBN 978-1-57806-530-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gutierrez, Paige C. (1992). Cajun Foodways. University Press of Mississippi. ISBN 0-8780-5563-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Nakuha noong 2014-04.
  4. Bienvenu, Marcelle; Brasseaux, Carl A.; Brasseaux, Ryan A. (Hunyo 2008). Stir the Pot: The History of Cajun Cuisine [Haluin ang Kaldero: Ang Kasaysyan ng Lutuing Cajun] (sa wikang Ingles). Hippocrine Books. ISBN 978-0-7818-1212-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Retrieved 2014-04.
  5. Brasseaux, Carl A. (1987). The Founding of New Acadia: The Beginnings of Acadian Life in Louisiana, 1765–1803 [Ang Pagtatag ng Bagong Akadya: Ang Pag-uumpisa ng Buhay Akadyano sa Louisiana, 1765–1803] (sa wikang Ingles). LSU Press. p. 135. ISBN 978-0-8071-4163-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)