Si Catalina Labouré, D.C., (2 Mayo 1806 – 31 Disyembre 1876) ay isang madreng Pranses na kasapi ng Mga Mongha ng Kawanggawa ni San Vicente de Paul at isa siyang bisyonaryo ni Maria. Pinaniniwalaang naihatid niya ang kahilingan mula kay Birheng Maria na maglikha ng bantog na Mapaghimalang Medalya ng Ina ng mga Biyaya na sinusuot ng mga angaw na katao sa buong daigdig. Si Labouré ay gumugol ng apatnapung taon na pangangalaga sa mga matatanda na at mahina. Para dito, tinawag siyang pintakasi ng mga nakatatanda.

Santa

Catalina Labouré

D.C.
Mongha ng Kawanggawa, Bisyonaryo ni Maria
Kapanganakan2 Mayo 1806(1806-05-02)
Fain-lès-Moutiers, Côte-d'Or, Pransya
Kamatayan31 Disyembre 1876(1876-12-31) (edad 70)
Enghien-les-Bains, Seine-et-Oise, Pransya
Pinapitagan inRomanang Katolisismo
Beatipikasyon28 Mayo 1933, Vaticana by Papa Pio XI
Kanonisasyon27 Hulyo 1947, Vaticana by Papa Pio XII
Pangunahing dambanaKapilya ng Birhen ng Mapaghimalang Medalya, Paris, Pransya
Kapistahan28 Nobyembre
31 Disyembre
KatangianAbito ng mga Mongha ng Kawanggawa, Mapaghimalang Medalya
PatronatoMapaghimalang Medalya, ang mga mahihina, ang nakatatanda

Talambuhay

baguhin

Isinilang si Labouré noong 2 Mayo 1806, sa rehiyong Borgonya ng Pransya kay Pierre Labouré, isang magsasaka, at Madeleine Louise Gontard, ika-9 sa 11 nabubuhay na anak.[1] Ang kanyang pangalan sa binyag ay Zoe, batay kay Santa Zoe, kung saan natapat ang petsa ng kapistahan sa kanyang kaarawan, nguni't bihira gamitan ng kanyang pamilya ang pangalang iyon. Ang kanyang pangalang pambinyag ay Catalina. Namatay ang ina ni Labouré noong 9 Oktubre 1815 noong siya ay siyam na taong gulang. Sinasabing pagkatapos ng libing ng kanyang ina, kinuha ni Labouré ang isang imahen ni Birheng Maria at hinalikan ito, na sinasabi, "Ngayon ikaw na ang magiging ina ko."[2] Inako ng kapatid na babae ng kanyang ama na alagaan siya at ang kanyang kapatid na si Marie Antoinette (Tonine). Matapos siyang pumayag, lumipat ang magkapatid sa bahay ng kanilang tiyahin sa Saint-Rémy, isang nayon na 9 na kilometro (5.6 na milya) mula sa kanilang tahanan.[3]

Si Labouré ay nasiyasat na maging labis na madasalin at may likas na pagkaromantiko, nagbibigay sa mga pangitain at madaling maunawaan na pananaw. Bilang batang dalaga, naging kasapi siya sa orden ng pag-aalaga na itininatag ni Vicente de Paul, ng Mga Mongha ng Kawangggawa; pinili niya ang oredeng ito pagkatapos napanaginipan tungkol sa kanya.[4]

Mga pangitain

baguhin

San Vincente de Paul

baguhin

Noong Abril 1830, inilipat ang labi ni Vincente de Paul sa simbahang Vincenciano sa Paris. Kasama sa mga karingalan ang isang pagsisiyam. Sa tatlong sunud-sunod na gabi, sa kanyang pagbabalik mula sa simbahan patungong Rue du Bac, naranasan ni Catalina, sa kapilya ng kumbento, ng pangitaing natanggap niya na ang puso ni de Paul sa itaas ng isang dambana na naglalaman ng isang labi ng buto mula sa kanyang kanang braso. Sa bawa't oras, lumilitaw ang puso ng mga iba't ibang kulay: puti, pula, at itim. Ipinaliwanag niya na ang mga pamayanang Vincenciano ay uunlad, at magkakaroon ng pagbabago ng pamahalaan. Pinayuhan siya ng pastor ng kumbento na kalimutan ang bagay na ito.[2]

Birheng Maria

baguhin
 
Larawan ni Madre Catalina sa kapanahunan ng mga pagpapakita

Inihayag ni Labouré na noong 19 Hulyo 1830, sa bisperas ng kapistahan ni San Vicente de Paul, siya'y gumising nang marinig ang tinig ng isang bata na tumatawag sa kanya sa kapilya, kung saan narinig niya ang pagsabi ni Birheng Maria sa kanya, "Nais ng Diyos na mag-utos sa iyo na may isang isang misyon. Ikaw ay tutulan, nguni't huwag kang matakot; magkakaroon ka ng biyaya upang gawin kung ano ang kinakailangan. Sabihin sa iyong tagapangasiwang ispiritwal ang lahat na nagyayari sa iyo. Ang mga panahon ay nababalutan ng kasamaan sa Pransya at sa buong daigdig." Patuloy na naglalakad si Labouré, iniisip kunga ano ang narinig niya.[2]

Noong 27 Nobyembre 1830, iniulat ni Catalina na ang Mahal na Ina ay bumalik sa panahon ng pagmumuni-muni sa gabi. Ipinakita niya ang kanyang sarili sa loob ng isang habilog na palibot, nakatayo sa isang daigdig. Nagsusuot siya ng maraming singsing na may mga hiyas[5] na nagniningning na mga sinag ng ilaw sa buong daigdig. Sa paligid ng pataan ng palibot lumitaw ang mga salita Ô Marie, conçue sans péché, priez pour nous qui avons recours à vous ("O Maria, ipinaglihing walang kasalanan, ipanalangin mo kaming dumudulog sa iyo."). Habang pinapanood ni Catherine, tila umiikot ang palibot, na nagpapakita ng isang bilog na labindalawang bituin, isang malaking titik "M" na nananaig ng isang krus, at ang inilarawan sa istilong Kabanal-banalang Puso ni Hesus na kinoronahan na may tinik at Kalinis-linisang Puso ni Maria na tinusok ng tabak. Tinanong kung bakit ang ilan sa mga hiyas ay hindi nagliliwanag, tumugon umano si Maria, "Iyon ang mga biyaya na kung saan nakakalimutang hilingin ng mga tao. Narinig ni Sor Catalina ang Birheng Maria na hiniling sa kanya na kunin ang mga imaheng ito sa kanyang padreng kumpesor, pagsabihan sa kanya na dapat silang ilagay sa mga medalyon, at sabihin "Lahat ng nagsusuot ay makakatanggap ng magagandang biyaya."[6]

Ginawa ito ni Labouré, at pagkatapos ng dalawang taon na pagsisiyasat at pagmamasid sa kanyang normal na pag-uugali sa araw-araw, dinala ng pari ang impormasyon sa kanyang arsobispo nang hindi isiniwalat ang kanyang pagkakakilanlan. Ang kahilingan ay naaprubahan at ang disenyo ng mga medalyon ay kinomisyon sa pamamagitan ng Pranses na panday-ginto na si Adrien Vachette.[7] Pinatunayan nila na labis itong tanyag. Ang dogma ng Kalinis-linisang Paglilihi ay hindi pa opisyal na naihayag, ngunit ang medalya, na may pamansag na "ipinaglihing walang kasalanan", ay may bisa sa tanyag na pagsang-ayon ng ideya.

Kamatayan at pamana

baguhin

Ginugol ni Labouré ang susunod na apatnapung taon na pangangalaga sa mga matatanda at mahihina na. Para dito, tinawag siyang pintakasi ng mga nakatatanda.[8] Siya ay pumanaw noong 31 Disyembre 1876, sa edad na pitumpu. Ang kanyang katawan ay nakapaloob sa salamin sa ilalim ng gilid ng altar sa Kapilya ng Birhen ng Mapaghimalang Medalya sa 140 Rue du Bac, Paris.[9]

Ang kanyang dahilan para sa pagiging santo ay idineklara sa pagtuklas na ang kanyang katawan ay hindi naaagnas. Siya ay na biyatipika noong 28 Mayo 1933, ni Papa Pio XI at kanonisahan noong 27 Hulyo 1947, ni Papa Pio XII.[10]

Ang petsa ng kapistahan ni Labouré ay ginugunita sa 28 Nobyembre ayon sa kalendayong panliturhiya ng Konggregasyon ng Misyon, ang Mga Mongha ng Kawanggawa ni San Vicente de Paul at anng Katolikong Romanong Arkidiyosesis ng Paris. Siya ay nakatala sa Martyrologium Romanum para sa 31 Disyembre.[11]

Talalarawan

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Poole, Stafford (1 Oktubre 1999). "Pierre Coste at Catherine Laboure: Ang Salungatan ng Makasaysayang Kritika at Tanyag na Debosyon". Vincencianong Pahayagan sa Pamana. 20 (2): 253–302. ISSN 0277-2205.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Dirvin, C.M., Joseph I. (1958). Sta. Catalina Labouré ng Mapaghimalang Medalya. Mga Aklat at Tagapaglathalang TAN, Ingkorporado. ISBN 0-89555-242-6. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-07-05. Nakuha noong 2020-11-29.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Aladel, C.M., M. (1880). Ang Mapaghimalang Medalya, ang Pinagmulan nito, Kasaysayan, Paglipat, Mga Resulta. Philadelphia: H.L.Kilner & Co. pp. 2–3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Crapez, C.M., Edmond (1920). Kagalang-galang Madre Catalina Laboure, Mongha ng Kawanggawa ni San Vincente De Paul. London: Burns, Oates, & Washbourne. p. 9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. " Nakita ko ang mga singsing sa kanyang mga daliri, tatlong singsing sa bawat daliri, ang pinakamalaki malapit sa ibaba ng daliri, isa sa katamtamang laki sa gitna, ang pinakamaliit sa dulo. Bawat singsing ay may mga hiyas, ang ilan ay higit na marikit kaysa sa iba..." Catalina Labouré, nakabanggit sa Ang Babaeng Nakadamit ng Araw ni John Delaney, Doubleday, 1960, p. 77.
  6. "Sta. Catalina Laboure". Ahensya ng Balitang Katoliko. 28 Nobyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Abril 2012. Nakuha noong 20 Disyembre 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Mack, John (2003). Ang museo ng isip: sining at alaala sa mga pandaigdigang kultura. Museo Briton.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Tiblis, Laurence. "Home". Ang Dambanang Mapaghimalang Medalya (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-07-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "AMM - Story of St Catherine". www.amm.org. Nakuha noong 2020-07-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Online, Catholic. "Sta. Catalina Laboure – Mga Santo & Mga Anghel – Catholic Online". Catholic Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Holy Spirit Interactive Kids: A Saint a Day – St. Catherine Laboure". www.holyspiritinteractive.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-04-27. Nakuha noong 2017-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliograpiya

baguhin
  • Santa Catalina Labouré ng Mapaghimalang Medalya, ni Joseph I Dirvin, CM, Mga Aklat at Tagapaglathalang TAN, Ingkorporado, 1958/84. ISBN 0-89555-242-6
  • Si Santa Catalina Labouré at ang Mapaghimalang Medalya, Alma Power-Waters, Ignatius Press, San Francisco, 1962. ISBN 0-89870-765-X
  • Ang Buhay ni Catalina Labouré, ni René Laurentin, Collins, 1980. ISBN 0-00-599747-X

Mga panlabas na kawing

baguhin