Cerge Remonde
Si Cerge Mamites Remonde (21 Disyembre 1958, Argao–19 Enero 2010, Makati) ay isang Pilipinong mamamahayag at kasapi ng gabinete.
Cerge Remonde | |
---|---|
Kapanganakan | 21 Disyembre 1958
|
Kamatayan | 19 Enero 2010[1]
|
Mamamayan | Pilipinas |
Nagtapos | Unibersidad ng Visayas |
Trabaho | mamamahayag |
Siya ang naging Kalihim ng Pamamahayag sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula 1 Pebrero 2009 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 19 Enero 2010 dulot ng pag-atake sa puso.
Kaniyang pinangasawahan si Marit Stinus ng Dinamarka. Hindi sila nagkaroon ng anak.
Mga panlabas na link
baguhin- Remembering Cerge Remonde Naka-arkibo 2010-01-23 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.