Gabinete ng Pilipinas

Sangguniang tagapayo sa Pangulo ng Pilipinas

Ang Gabinete ng Pilipinas (tinatawag ring Gabinete) ay binubuo ng mga namumuno sa pinakamalaking bahagi ng sangay tagapagpaganap ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas. Sa ngayon, binubuo ito ng 20 kalihim ng kagawarang tagapagpaganap at ang iba pang mga pinuno ng mga ahensiya at tanggapan na sumasailalim sa Pangulo ng Pilipinas.

Ang mga kalihim ng Gabinete ay inaatasan payuhan ang Pangulo sa iba't ibang gawain ng estado gaya ng pagsasaka, pagbabadyet, pananalapi, edukasyon, at kagalingang panlipunan, pambansang tanggulan, ugnayang panlabas atbp.

Sila ay ninonomina ng Pangulo at inihaharap sa Komisyon ng Paghirang, isang sangay ng Kongreso ng Pilipinas na kumukumpirma sa lahat ng mga ininatalaga pinuno ng estado. Kung ang mga ito ay maitalaga, sila ay makatatanggap ng titulong kalihim, at magsisimulang gawin ang kanilang takdang gawa.

baguhin

Pagtatalaga

baguhin

Ayon sa Artikulo 7, Seksiyon 16 ng Saligang Batas ng Pilipinas, ang Pangulo ay

dapat magnomina at, sa pagsang-ayon ng Komisyon ng Paghirang, dapat humirang ng mga puno ng mga kagawarang tagapagpaganap, mga ambasador, iba pang mga pambayang minister at konsul, o mga pinuno ng sandatahang lakas mula sa rankong koronel o kapitan ng hukbong pandagat at iba pang mga pinuno na ang mga paghirang ay nakasalalay sa kanya sa Konstitusyong ito. Dapat din niyang hirangin ang lahat ng iba pang mga pinuno ng Pamahalaan na ang paghirang sa kanila ay walang ibang itinatadhana ang batas, at ng mga maaari niyang hirangin sa pamamagitan ng batas. Ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas, ay maaaring magsalalay sa Pangulo lamang, sa mga hukuman, o sa mga puno ng mga kagawaran, mga sangay, mga komisyon o mga kalupunan, ng kapangyarihang humirang ng iba pang mga nakabababang pinuno.

Gabinete at mga opisyal na may antas-Gabinete

baguhin

Ang mga nakatala sa ibaba ay ang mga bumubuo sa gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte, at sila rin ang namumuno sa mga kagawarang tagapagpaganap ng Pilipinas. Ang mga namamahala ay nakatala ayon sa order of precedence na itinatag ng pamahalaan.[1]

Gabinete

baguhin

Ang lahat ng mga kagawaran ay nakatala sa paggamit ng kanilang pangalang Filipino sa itaas at ng kanilang pangalan sa ibaba.

Kagawaran Daglat Tanggapan Kalihim Naninilbihan mula
Tanggapan ng Pangalawang Pangulo
Office of the Vice President
OVP Pangalawang Pangulo
Kagawaran Daglat Tanggapan Kalihim Naninilbihan mula
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
Department of Foreign Affairs
DFA Kalihim ng Ugnayang Panlabas
Tanggapan ng Kalihim Tagapagpaganap
Office of the Executive Secretary
OES Kalihim Tagapagpaganap
Tanggapan ng Tagapagsalita ng Pangulo
Office of the Presidential Spokesperson
OPS Tagapagsalita ng Pangulo
Kagawaran ng Pananalapi
Department of Finance
DOF Kalihim ng Pananalapi
Kagawaran ng Katarungan
Department of Justice
DOJ Kalihim ng Katarungan
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Department of the Interior and Local Government
DILG Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Kagawaran ng Kalusugan
Department of Health
DOH Kalihim ng Kalusugan
Kagawaran ng Pagsasaka
Department of Agriculture
DA Kalihim ng Pagsasaka
Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan
Department of Public Works and Highways
DPWH Kalihim ng mga Pagawain at Lansangang Bayan
Kagawaran ng Transportasyon
Department of Transportation
DOTr Kalihim ng Transportasyon
Kagawaran ng Edukasyon
Department of Education
DepEd Kalihim ng Edukasyon
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
Department of Social Welfare and Development
DSWD Kalihim ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
Department of Labor and Employment
DOLE Kalihim ng Paggawa at Empleyo
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
Department of Budget and Management
DBM Kalihim ng Pagbabadyet at Pamamahala
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
Department of National Defense
DND Kalihim ng Tanggulang Pambansa
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya
Department of Science and Technology
DOST Kalihim ng Agham at Teknolohiya
Kagawaran ng Repormang Pansakahan
Department of Agrarian Reform
DAR Kalihim ng Repormang Pansakahan
Kagawaran ng Turismo
Department of Tourism
DOT Kalihim ng Turismo
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya
Department of Trade and Industry
DTI Kalihim ng Kalakalan at Industriya
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
Department of Environment and Natural Resources
DENR Kalihim ng Kapaligiran at Likas na Yaman
Kagawaran ng Enerhiya
Department of Energy
DOE Kalihim ng Enerhiya
Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon

Department of Information and Communications Technology

DICT Kalihim ng Teknolohiyang Pang-impormasyon at Komunikasyon

Mga opisyal na may Antas-Gabinete

baguhin

May iilang mga posisyon sa ilalim ng tagapagpaganap na may antas-Gabinete, ngunit hindi sila mga kalihim ng mga kagawarang tagapagpaganap, na nangangahulugang maaari silang dumalaw sa mga pagtitipon ng Gabinete para sa mga natatanging dahilan. Ito ay ang mga sumusunod:

Kagawaran Daglat Tanggapan Namamahala Naninilbihan mula
Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad
National Economic and Development Authority
NEDA Direktor-Heneral ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad Arsenio M. Balisacan 13 Mayo 2012
Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Komunikasyon at Pagpaplanong Estratehiko
Presidential Communications Development and Strategic Planning Office
PCDSPO Kalihim ng Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Komunikasyon at Pagpaplanong Estratehiko Ramon A. Carandang 30 Hulyo 2010
Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapatakbo ng Komunikasyon
Presidential Communications Operations Office
PCOO Kalihim ng Pampanguluhang Tanggapan sa Pagpapatakbo ng Komunikasyon Herminio B. Coloma, Jr. 30 Hulyo 2010
Pambansang Sangguniang Panseguridad
National Security Council
NSC Pambansang Tagapayong Panseguridad Cesar P. Garcia, Jr. 9 Hulyo 2010
Tanggapan ng Kalihim ng Gabinete
Office of the Cabinet Secretary
OCS Kalihim ng Gabinete Jose Rene D. Almendras 5 Nobyembre 2012
Pamunuan ng Pampanguluhang Pamamahala
Presidential Management Staff
PMS Pinuno ng Pamunuan ng Pampanguluhang Pamamahala Julia Andrea R. Abad 30 Hunyo 2010
Tanggapan ng Tagausig Panlahat
Office of the Solicitor General
OSG Pinuno ng Pampanguluhang Pamamahala Francis H. Jardeleza 6 Pebrero 2012
Tanggapan ng Punong Tagapayo ng Pangulo sa Batas
Office of the Chief Presidential Legal Counsel
OCPLC Punong Tagapayo ng Pangulo sa Batas Eduardo V. De Mesa 30 Hunyo 2010
Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila
Metropolitan Manila Development Authority
MMDA Tagapangulo ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila Francis N. Tolentino 30 Hunyo 2010
Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim
National Commission on Muslim Filipinos
NCMF Tagapangulo ng Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim Mehol K. Sadain 15 Abril 2012
Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Mindanao
Mindanao Development Authority
MinDA Tagapangulo ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Mindanao Luwalhati R. Antonino 15 Setyembre 2010
Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan
National Anti-Poverty Commission
NAPC Punong Tagapagtanghal ng Pambansang Komisyon Laban sa Kahirapan Jose Eliseo M. Rocamora 20 Setyembre 2010
Tanggapan ng Tagapayo ng Pangulo sa Prosesong Pangkapayapaan
Office of the Presidential Adviser on Peace Process
OPAPP Tagapayo ng Pangulo sa Prosesong Pangkapayapaan Teresita Quintos-Deles 30 Hunyo 2010
Tanggapan ng Tagapamagitan ng Pangulo sa Lehislatura
Presidential Legislative Liaison Office
PLLO Pinuno ng Tanggapan ng Tagapamagitan ng Pangulo sa Lehislatura Manuel N. Mamba 20 Pebrero 2012
Tanggapan ng Tagapayong Pampolitika
Office of the Political Adviser
OPA Tagapayong Pampolitika Ronaldo M. Llamas 17 Enero 2011

Sanggunian

baguhin
  1. The Cabinet, Official Gazette (Philippines), inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-07-02, nakuha noong 2012-07-19{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kaugnayang palabas

baguhin