Pamitpit

(Idinirekta mula sa Compression)

Ang pamitpit o kompres ay isang uri ng pantapal sa sugat. Payak na binubuo ito ng sapin o pad ng telang itinubog o binasa ng isang mainit na katas o ekstrakt ng yerba. Mainam itong mabilis na panghilom ng mga sugat o mga pinsala sa masel. Tinatawag din itong pamikpik, payikpik, pangyipyip, pangitpit, pangpais, kumpresyon, dagison, pangligis, pangsinsin, pangyasik, pangtipil, pangtipi, pangkipil, o pangpiyut.[1][2] Bagaman karaniwang mainit ang pamitpit, ginagamit ang malamig na kompres para sa mga sakit ng ulo.[2]

Mga sangkap at kagamitan

baguhin

Ginagamit sa paghahanda ng pamitpit ang inpusyon, dekoksyon, iba pang katas ng yerba, o kaya 5 hanggang 20 mililitro ng tintura, na nasa 500 mililitro ng mainit na tubig. Kalimitang dinaragdag ng tubig ang mga ito. Kasamang kasangkapan ang telang pansapin o pantapal  – maaaring malambot na bulak, bola ng bulak, linen (liso o linso), o kaya gasa  – at isang mangkok.[2]

Paghahanda at paggamit

baguhin

Sa paghahanda ng gagamitin pamitpit, binabasa o inilulubog ang isang malinis na piraso ng malambot na tela sa isang mainit na inpusyon o iba pang katas ng yerba. Pinipiga mula sa tela ang labis na likido. Itinatakip o ipinapatong at pinapanatili sa apektadong bahagi ng katawan ang pamitpit. Kapag natuyo na o lumamig na ito, inuulit ang kaparaanang ito, na muling kumukuha ng mainit na sangkap.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Compress - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Ody, Penelope (1993). "Compress". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 124.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.