Komboy

(Idinirekta mula sa Convoy)

Ang komboy[1] ay ang grupo ng mga sasakyan (anumang uri, pero karaniwang mga de-motor na mga sasakyan o barko) na magkakasamang naglalakbay para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat isa. Sa kadalasan, may kasamang mga sundalo o tauhan may mga dalang sandata o armas na pang-depensa ang mga ito, bagaman ginagamit din ito sa diwang hindi pang-militar, halimbawa na ang mga pagmamaneho sa malalayo at liblib na mga pook. Kung masiraan ang isang sasakyan o nasadlak ang gulong sa putik, maaaring makatulong ang iba pang mga sasakyan sa pagkukumpuni o sa paghila mula kinababaunang putik ng behikulo. Kung hindi maging matagumpay ang pagkukumpuni, maaaring makalipat ang mga taong-skay ng nasira o nasadlak na sasakyan sa iba pang mga behikulo. Bukod sa mga militar, may mga komboy din ang Kilusang Pandaigdig ng Pulang Krus at Pulang Gasuklay. Tinatawag ding hatid o eskolta ang komboy.[1]

Isang komboy ng mga sasakyang trak patungong Tsina, habang naglalakbay sa isang daan sa Burma.
Tanawin sa labas na makikita mula sa salaming-pananggalang ng isang sasakyang bahagi ng isang komboy ng hukbong-katihan ng Estados Unidos, habang naglalakbay sa Baghdad, Iraq (Abril 2005).

Maaari ring tumukoy ang salitang komboy sa mga baon o probisyon na dala ng mga manlalakbay o mga eksplorador.[1]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Komboy". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.