Corazon Agrava
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Si Corazon Juliano–Agrava (Maynila, 7 Agosto 1915 – Lungsod Quezon, 1 Oktubre 1997), ay isang Pilipinong hukom na siyang ikalawang babaeng hinirang na hukom sa isang Hukumang Unang Dulugan sa Pilipinas. Siya ay pangulo ng Hukuman ng Kabataan at Ugnayang Pantahanan sa Maynila. Naging tanyag si Agrava noong 1984, nang siya'y hirangin ni Pangulong Ferdinand Marcos bilang tagapangulo ng isang lupong magsisiyasat sa pagpaslang noong 1983 sa lider ng oposisyon na si Benigno Aquino Jr. Naging aktibo rin siya sa iba't ibang organisasyong panlipunan at pangkultura, kabilang ang Women Rights Movement of the Philippines, Philippine Association of University Women, National Civic Assembly of Women at UP Alumni Association.
Pagsisiyasat sa pagpaslang kay Benigno Aquino Jr
baguhinLupong Agrava
Noong Oktubre 1983, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Atas ng Pangulo Blg. 1886, na kinilala bilang "Agrava Fact-Finding Board" upang siyasatin ang pagpaslang sa dating senador Benigno Aquino Jr. Hinirang ni Marcos si Agrava bilang tagapangulo ng lupon, mga kagawad naman sina Luciano Salazar, Dante Santos, Ernesto Herrera, at Amado Dizon, at tagapayong legal si Andres Narvasa.[1][2] Makaraan ang halos isang taon, nagsumite ang lupon ng dalawang ulat kay Marcos—isang ulat ng minorya na siyang isinumite ni Agrava, at isang ulat ng mayorya na isinumite ng mga kagawad ng lupon. Sa ulat ni Agrava, kaniyang inabsuwelto si Heneral Fabian Ver, taliwas sa ulat ng mayorya na nagsasakdal kay Ver, pati sina Heneral Luther Custodio at Heneral Prospero Olivas.[3][4][5]
Naging kontrobersiyal ang mga ikinilos ni Agrava sa unang araw pa lang ng pagsisiyasat. Animo'y pinagagalitan ni Agrava ang mga kawal na tumetestigo na para ba niyang mga anak. Dalawang-ulit din niyang pinangunahan ang pag-awit ng "Happy Birthday" kay Unang Ginang Imelda Marcos, na unang ipinatawag ng komisyon upang tumestigo na tumaon sa araw ng kaniyang kaarawan.[6]
Noong Oktubre 1984, makaraan ang isang taon ng pagsisiyasat, siya ay tinawag mula sa pagreretiro. Si Lupino Lazaro, ang abogado ng pamilya ni Rolando Galman[7] ay nagsabi, "Naramdaman ko mula pa noong una na si Justice Agrava ay walang kakayahan ng isang tao na gugustuhin. Nabigo niya ang mga tao, at nabigo siya nang husto." [8] Si Agrava, na lumuluha at nasasakal na boses ay nagsalita sa karamihan na nagsasabing,
"You who are booing, I can in all conscience state that what I placed in my report is what I believe in ... You can even slander me. I couldn't care. If my best is not good enough for you, just because I didn't conform with your own prejudgment of the case, then I'm just sorry for you."
— Agrava said on Tuesday, October 23, 1984.
Personal na buhay
baguhinIpinanganak si Agrava sa Maynila noong Agosto 7, 1915 kina Cenona Buenaventura at Francisco Juliano. Naging abogado si Agrava matapos pumangalawa sa 1938 bar exam. Naging hukom siya ng Juvenile and Domestic Relations Court hanggang 1977 nang siya'y hirangin ni Marcos bilang Kasamang Mahistrado[9] ng Hukuman ng Apelasyon ng Pilipinas.
Siya ay ikinasal kay Federico Agrava, isa ring abogado,[10] [11] ngunit 'di sila nagkaroon ng supling. Pero naging "unofficial guardian" siya ng daan-daang 'batang kalye'. [12] [13]
Mga organisasyon
baguhinNoong 1947, itinatag niya ang UP Women Lawyer's Circle (WILOCI) sa kahilingan ni dating Pangulong Manuel Roxas.[14]
Si Agrava ay isa sa mga babaeng nagtatag at nagparehistro ng FIDA Philippine Branch batay sa FIDA na isang grupo ng mga babaeng abogado, kasama sina Josefina Phodaca-Ambrosio, Pacita de los Reyes-Philips, Ameurfina Melencio-Herrera, Agustina Rosette-Navarro, Carolina Basa-Salazar, Medina Lacson-de Leon, Milagros German, Remedios Nufable-Gatmaitan, Lumen R. Policarpio, Pilar Perez-Nable, Lilia de Jesus-Sevilla, Magdalena Lapus-Lazaro, Gregoria Cruz-Arnaldo at Remedios Mijares-Austria. [15]
Mga kawanggawa
baguhinNoong 1969, itinatag ni Agrava ang Tahanan Outreach Projects and Services Inc. (TOPS), isang organisasyong naghahatid ng serbisyong panlipunan para sa pag-aaral at pangangalaga ng bata para sa kapakanan ng mga batang kapus-palad. Ang programa ay lumikha din ng isang silungan para sa mga bata. [16]
Kamatayan
baguhinNamatay si Agrava noong Oktubre 1, 1997, sa edad na 82 sa Lungsod Quezon, dahil sa heart failure.[17]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "AQUINO PANEL MAKES LITTLE HEADWAY". The New York Times, Nov. 27, 1983.
- ↑ Artemio Panganiban. "Who masterminded Ninoy's murder?". Philippine Daily Inquirer, August 26, 2018.
- ↑ Jodesz Gavilan. "LOOK BACK: The Aquino assassination". Rappler news.
- ↑ William Branigin. "Marcos Names New Panel On Aquino Slaying". The Washington Post, October 1983.
- ↑ Steve Lohr. "PANEL ON SLAYING OF AQUINO FINDS A MILITARY PLOT". The New York Times, Oct. 24, 1984.
- ↑ "Corazon Agrava: Chairman of Aquino commission". UPI ARCHIVES, United Press International, Inc., October 1984.
- ↑ "Murderers of Benigno Aquino convicted". UPI (sa wikang Ingles). 1990-09-28. Nakuha noong 2021-07-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Corazon Agrava: Chairman of Aquino commission". UPI ARCHIVES, United Press International, Inc., October 1984.
- ↑ August 18, 1983. "The unsolved murder of Ninoy Aquino". The Manila Times.
- ↑ Atty. Aldrin Jose M. Cana. "Hilado v. David, G.R. No. L-961, September 21, 1949". CPA-Lawyer Philippines.[patay na link]
- ↑ "G.R. No. L-10544, August 30, 1956". The Lawphil Project, Arellano Law Fovndation. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 11, 2022. Nakuha noong Abril 15, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Corazon Agrava: Chairman of Aquino commission". UPI ARCHIVES, United Press International, Inc., October 1984.
- ↑ "HEAD OF AQUINO PANEL DOUBTS MANILA'S ACCOUNT". The New York Times, Jan. 21, 1984.
- ↑ Araceli Z. Lorayes. "UP legal eagles take poor women, kids under their wing". Inquirer.net, Philippine Daily Inquirer, 2015.
- ↑ "FIDA Philippines, Federation Internacional de Abogadas". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-03. Nakuha noong 2023-04-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "TOPS reinvents itself as learning center". BusinessMirror, September 23, 2019.
- ↑ "CORAZON AGRAVA, 82, ASIAWEEK". CNN, Oct. 1997.[patay na link]